Chapter 22 - One Shot...That's All He Got

4 0 0
                                    

"Bri.." mahinang sambit ni Jeff para makuha ang atensiyon ng katabing dalaga, na nasa kalagitnaan ng pag re-revised ng drawing sa desktop nito gamit ang autocad.

Nilingon ni Brianna si Jeff at inginuso nito ang direksiyon ng pintuan ng kanilang office and she saw Andew walking towards her..At medyo makulimlim ang mukha nito. Tumayo siya at hinintay na makalapit ang binata sa kanya.

"Hey.." Andrew greeted her pagkalapit nito. He hugs her and pressed his face into her neck and inhales her scent.

"Are you ok?" nag-aalalang tanong ng dalaga dito. Eto kasi ang laging ginagawa ni Andrew sa kanya sa tuwing nasa foul mood ito, ang sabi ng binata sa kanya napapakalma niya ito at nababalik sa ok ang mood nito by simply hugging her and inhaling her scent. Parang ito ang naging paraan ng binata para maalis ang kung ano mang galit, inis at pagod na nararamdaman nito.

"Now I am.." sagot ng binata in a muffled voice dahil nakadikit pa rin ang mukha niya sa leeg ng dalaga . He kissed Brianna's neck and pulled his face so he can see her.

"Anong nangyari? Umagang-umaga nagsasalubong na ang mga kilay mo." tanong ng dalaga dito while rubbing his knitted brows

"Logistics didn't go as planned. Delivery gone haywire." sagot nito sa dalaga.

"Ganoon ba? Hindi ba maaayos agad?" tanong nito sa binata "Gusto mo ng kape? Gagawa kita."

"Huwag na. I'll be meeting the logistic team in five minutes. I just really need to see you to cool myself down, don't want to face them still upset. Baka masigawan ko lang sila."

"Hindi mo sila sisigawan" panigurado naman ng dalaga kay Andrew "kasi alam ko mabuti kang boss."

"So much faith in me huh? Anyway, gotta go..You guys still going to site?"

"Oo, tapusin ko lang 'to ni revise ko tapos alis na kami."

"Ok..You take care..You already know the drill. Ben and Vic's eyesight all the time, alright? Call me once you're there." bilin nito sa dalaga.

"Kahit nasa CR ako?" Brianna jokes to lighten up his mood.

"Ha ha, you're cute" ang tanging sagot ng binata sa kanya and he pinched the tip of her nose.

"Pinapatawa lang kita para mawala na 'yang inis mo."

"Well, you did cool me down. You know you always do. Thank you..I need to go. See you later, ok?" paalam nito and he kisses her forehead "Donald, Jeff, no alone inspections for her, alright?" bilin din ni Andrew sa dalawang binata na makakasama ni Brianna sa site.

"Opo sir." sabay na sagot ng dalawa tumango lang si Andrew bilang sagot sa kanila and after kissing the side of Brianna's head he left for his meeting.

"Ang swerti mo, alam mo ba 'yon?" Donald said to Brianna when Andrew was out of their sights.

"Alam ko.." she sweetly answered "Kaya nga sana hindi mauntog e" dugtong na biro nito.

"Bilhan mo ng helmet" pasakay naman ni Jeff at nagkatawanan sila.

Mag a-alas tres na ng hapon ng makabalik sina Brianna sa opisina nila galing site, dumiritso siya sa top floor para ibigay kay Andrew ang binili niyang cinnamon roll at coffee from starbucks na paborito nito. Huling kausap ng dalaga dito ay nang tinawagan niya ito pagdating niya ng site. Pagkatapos ng inspection niya sa site ay tinawagan niya ang PA ni Andrew para alamin kung nakabalik naba ito mula sa meeting at kung ano ang mood nito, sinabi ni Carla sa kanya na medyo hindi maganda ang araw ng amo niya dahil medyo natagalan ang pagresolba sa problema ng delivery at hindi nga raw ito nag tanghalian. Kaya naisipan niya dumaan sa starbucks bago bumalik sa EGC building.

One Shot...That's All He GotWhere stories live. Discover now