Chapter 13 - One Shot...That's All He Got

24 0 0
                                    

CHAPTER 13


Umabot din ng mga kalahating oras bago nawala ang inis ni Andrew sa nangyari, napakalma naman siya agad ni Brianna sa galit niya pero ang inis niya ang hindi basta-bastang umaalis sa utak niya. It's one thing if someone will talk shit about him, he won't give a damn..But if someone harasses Brianna it's another thing. He'll die first before someone can do that to her. But on positive side, parang blessing in disguise na rin yong nangyari kasi he founds out another effect of Brianna on him. She can calm him down, just her hug alone is enough to control his anger kahit nasa tuktuk na ito at malapit nang sumabog. Lalo tuloy siyang na aamaze sa dalaga, sa mga nagagawa nito sa kanya at sa mga impluwensiya nito sa kanya.

At nang tuluyan ng nabalik sa dati ang mode ni Andrew, kinuwento nina Nessa at Brianna ang nangyari. Medyo lasing na kasi ang lalaki kaya lalong naging mayabang. Gustong makipag partner kay Brianna and she politely decline dahil bukod sa hindi talaga siya nag eentertain ng mga ganoong set-up with a guy that she doesn't know kapag nag clubbing sila, e napansin din pala ito nina Nessa na kung sino-sino ang nilalapitan at lahat tsinatsansingan, agresibo kasi medyo bata pa at mukhang anak mayaman kasi kung makapag salita akala mo siya ang may ari ng club. Winarningan na ito ni Nessa na hindi na sila available at lalo na si Brianna pero hindi ito pinansin ng lalaki at sa tingin nila sanay itong nakukuha lahat ng gusto niya. Ang inis nila sa lalaking iyon ay nauwi sa biruan ng tawagin ito nina Rob ng kung ano-ano. Hindi naman sinisi ni Andrew si Vic dahil alam niya kung ano ang scope ng trabaho nito.Yes, he can keep an eye on Brianna gaya ng instruction niya but just to keep her safe from life and death situation other than that hindi niya ito pweding pakialaman lalong-lalo na kung hindi niya obligasyon at sa nangyari kanina it's obviously Andrew's place to keep Brianna safe from that guy.

"He is really into you, Bri." Pa simpleng bulong ni Nessa kay Brianna "Nakita mo yong reaction niya kanina? Kung nakakamatay ang tingin, malamang tsugi na yong lalaki kanina..Grabe, napaka overprotective and so hot yong pagka teritorial!" pasigaw na bulong ni Nessa "Kulang nalang sabihin niyang 'you're trespassing my territory'.."pahagikhik na dugtong nito.

Siniko lang siya ni Brianna bilang sagot sa kilig ng kaibigan.

—————————————————————————

May limang private rooms ang club ni Andew sa second floor at hindi basta-bastang maka akyat ang kahit na sino, haharangin ito ng bouncer na nakabantay sa paanan ng hagdanan.Kailangan muna maka present ng card access as proof na okupado nila ang isa sa mga private room bago maka akyat ang sino man. Andrew's group are occupying the area na katabi mismo ng hagdanan and since clear glass naman ang wall ng private room, makikita agad sila ng kung sino mang mapadaan at umaakyat sa second floor. Nasa kalagitnaan ng biruan ang grupo nila sa loob ng room kaya hindi nila napansin ang tatlong babe na paakyat ng hagdanan, ng mapatingin ito sa room na okupado nila nakilala ng mga ito sina Andrew kaya papasok sana ang mga ito sa room pero hinarang sila ni George na nakabantay sa may pintuan kaya lang ay hindi nagpa pigil ang babaeng nasa gitna ng tatlo at iginiit niyang kilala niya sina Andrew, magsasalita pa sana si George para pigilan sila nang bigla nalang buksan ng babae ang glass door ng walang sabi-sabi.

"Hey Andrew.."tawag ng babae sa pansin ni Andrew and flashes a flirty smile.

"Sir pasensiya na po at hindi ko napigilan, nagpumilit na makapasok e" paghingi ng paumanhin ni George sa amo ng masundan niya ang tatlong babae sa loob ng room.

Seven pairs of eyes ang magkasabay na napatingin sa babae mula sa kinauupuan ng mga ito, Nakasandal si Andrew sa kinauupuan nila at naka yakap ang kanang kamay sa beywang ng katabing si Brianna while crossing his right leg over and resting it above his left knee and without moving an inch from his position he narrowed his eyes para aninagin ang hitsura ng mga babaeng nakatayo sa harap nila. Medyo hindi kasi klaro ang mukha ng mga ito dahil madilim at tanging mga disco lights lang ang nakakapag bigay ng liwanag. Hindi agad nakilala ni Andrew ang babae pero familiar sa kanya ang mukha. Few seconds later and that night suddenly pops up his mind.The very last night that he got laid because after that night he then meet Brianna in his club.

One Shot...That's All He GotWhere stories live. Discover now