Chapter 3 - One Shot...That's All He Got

73 0 0
                                    

CHAPTER 3 


"Morning guys" bati ni Brianna sa mga kasamahan sa trabaho pagka pasok niya ng opisina.Dumiritso siya sa cubicle niya para ayusin ang mga gamit. 

"Morning beautiful" bati ng mga kasamahan niya na puro lalaki. Napangiti siya, eto ang araw-araw na bati sa kanya ng mga kasamahan niya at bilang nag iisang babae sa department nila nakasanayan na din niya ang araw-araw na pag fi-flirt ng mga kasamahan niya nagiging routine na sa opisina. 

"Sama ka pa rin ba sa Friday?" tanong ni Jeff, isa sa mga kasamahan niya. Nakatayo ito sa harapan niya at nakapatong ang dalawang siko sa ibabaw na partition ng cubicle niya. 

"Saan?Anong meron sa Friday?"tanong niya habang ini-on ang computer at saka tiningala ang lalaki na nasa harapan niya. 

"Bri, birthday ni Donald.Nakalimutan mo na ba?" 

"Ay oo nga pala. Ngayong Friday na ba yon?Sorry nawala sa isip ko. Saan?" 

"Clubbing tayo..Sa Libis." Sagot naman ni Donald, sabay slide ng upuan niya sa direksiyon ng cubicle ni Brianna nasa likuran ng dalaga ang mesa niya. 

"Hulaan ko..Gusto mo don kasi daming 'hot chicks', tama?"natatawang sabi ni Brianna. 

"Alam mo Bri, napaka talino mo talaga" pasakay naman nito "Nahulaan mo. Ngayon alam ko na na hindi talaga nagkamali ang kompanyang ito sa pag hire sayo." 

"Donald, hindi ko kailangan maging matalino para malaman ang takbo ng utak ng mga lalaki" sagot niya dito sabay irap sa lalaki. 

"Ouch Bri..." sabay na sabi ng dalawang lalaki sabay lagay ng dalawang kamay sa mga puso nila and faked a hurt expression. 

"Huwag nyo akong ma ouch ouch dyan..Mag trabaho na nga kayo." Natatawa niyang sabi at itinuon na ang atensyon sa computer  

"E ano ba naman yong mag enjoy muna habang single pa, atleast sa ngayon walang asawang masasaktan..Di ba Nald?"tanong ni Jeff kay Donald na sinabayan ng pilyong ngite. 

"Tompak! At saka Bri, single kami..Walang sabit." Second the motion sabay kindat sa dalaga. 

"Ewan ko sa inyo!" irap nya sa dalawa "Pag dumating 'yong panahon na ma iinlove kayo, hah, humanda kayo sa gagawin ko. I'll make sure na 'yang mga magiging gf ninyo magsisisi kung bakit kayo pinili nila." Panakot nito sa dalawa, tumayo ito at nagpuntang pantry para mag templa ng coffee. 

Pagbalik niya, nasa kanya kanyang cubicle na ang dalawang lalaki. Kinuha niya ang mga drawings sa table niya na kailangan niyang e check at habang bitbit ang mug na may lamang coffee nagpunta siya sa drawing room para malatag niya ng maayos ang mga drawing sa malaking lamesa. Ilang minuto pa sumunod sila Jeff at Donaldsa kanya para ma finalize na nila ang drawings. 

"Nga pala Bri, 'yong proposal mo ba kay Mr Montana approve na?" tanong ni Donald sabay upo sa tabi ng dalaga. 

"Proposal natin." Pagtatama ng dalaga at she elbowed Donald playfully "Wala pang feedback e" pagkibit balikat na sagot nito at ibinalik ang atensyon sa drawing 

"Pero ang dinig ko Bri e, impress daw sa proposal. Papasa nalang daw sa big boss at pag nagustuhan, bingo! Pangatlong company building na pala 'yong prinopose natin and the only building na young architects ang nag propose ng design." Pagbabalita ni Jeff. 

"Talaga?" gulat na tanong ni Brianna at nanlaki pa ang mga mata sa sobrang excitement "Tingin nyo mapili yong design natin?" tanong niya sa dalawa 

"Bri, nasa 21st century na tayo at aminin man nila o hindi mas fresh and ideas ng mga young archi compare sa mga oldies. Oo mas may experience sila pero 'yong ideas nila for designs ay mga retro"pagbibiro ni Donald 

One Shot...That's All He GotWhere stories live. Discover now