CHAPTER 31: Break Down

Start from the beginning
                                    

Nakita ko siyang tumakbo papasok ng Bar pero may nareceive akong text.

*From: 09*********

Hintayin mo nalang ako dyan, bibili lang ako ng maiinom. This is Ethina.*

Ethina? Paano niya nakuha number ko? And ang aga pa, saan siya bibili ng maiinom? Moreover bukas na ba yung Bar na yun?

Sumandal ako sa kotse, at hinintay si Ethina na makabalik. Mga after 20 minutes nasa harap ko na siya ulit.

“Tara inom.”

May bitbit siyang isang bag ng beer,

“Are you ok? Paano ka nakabili niyan? Bukas na ba yung Bar? Ang aga pa ah..”

“Tita ko yung may-ari nung Bar kaya binuksan niya para sakin. Tara nim na tayo.”

Dinala niya ako sa likod ng Bar, grabe yung Aura, para akong nasa Sementeryo, sobrang tahimik at walang katao tao.

Nagbukas siya ng dalawang beer at inabot sakin yung isa, nakipagcheers pa siya pero blank lang yung nakikita ko sa mata niya.

“Why all of the sudden nag-aya ka ng inuman? Akala ko kukuha tayo ng gamit ni Vincent?”

“Manahimik ka na lang diyan at uminom.”

Sabay bottoms up niya sa isang bote ng beer, Wow! Tindi nitong babaeng to ah!

“Ano bang problema? Bakit ka naglalasing?”

Hindi niya ako pinansin, tuloy tuloy lang siya sa pag inom. Lakas tama nito ah, yayayain akong uminom tapos hindi naman pala ako kakausapin, Tsk, sabi ko na nga ba eh, hindi na ako dapat umalis sa tabi ng Engot ko.

Lumipas ang mahigit isang oras, nakaisang bote lang ako, samantalang siya naka anim, pang pito  niya na yung iniinom niya ngayon. Tomadora pala to.

Nagulat ako nang bigla niyang nabitawan yung iniinom niya, nakayuko nalang siya. Tumba na ata. Tatayo na sana ako para buhatin siya at dalhin sa kotse, pero nung hinawakan ko siya, bigla siyang kumapit sakin at lumuhod sa harap ko. Syempre akala ko natumba na siya kaya aalalayan ko sanag tumayo pero narinig ko siyang umiiyak..

“What’s happening to you Ethina? Are you ok?”

“Ranier.. Nagmamakaawa ako sayo. Pakawalan mo na si Louise.”

Parang nabingi ako sa sinabi niya, pakawalan si Engot? Bakit ko naman gagawin yun?

“Bakit ko naman gagawin yun?”

Ganito na ba siya kadesperada na makuha ako kay Engot? Bakit niya ba to ginagawa?

“Please.. Parang awa mo na.. Bitawan mo na si Louise.. Para--*sniff*”

“Para sayo? Nahihibang ka na.”

“Hindi--*sniff* Hindi para sakin. Para kay Vincent..”

“P-para kay Vincent? Ano bang sinasabi mo dyan?”

“Ranier, mamamatay na si Vincent. At ang huli niyang kahilingan ay ang makasama ang taong mahal niya.”

“Bakit? May problema ba kayo? Ikaw naman ang mahal niya di---“

“HINDI AKO! SINABI NG HINDI AKO ANG MAHAL NIYA! SI LOUISE! SI LOUISE LANG ANG MAHAL NIYA, SI LOUISE ANG GUSTO NIYANG MAKASAMA SA MGA NATITIRANG ARAW NIYA SA MUNDO. SI LOUISE LANG ANG MAKAKATUPAD NG HILING NIYA, KAYA NAGMAMAKAAWA AKO SAYO PAKAWALAN MO NA SI LOUISE! PAKAWALAN MO NA SIYA PARA MAGING MASAYA MAN LANG SI VINCENT BAGO SIYA MAMATAY, HE NEVER FELT HAPPY AGAIN AFTER THAT DEATH OF HIS PARENTS. PLEASE, GIVE IT TO HIM THIS TIME. PLEASE LET HIM SMILE BEFORE HE SAY GOODBYE. *BOOG*”

Asungot and Engot: A small ForeverWhere stories live. Discover now