Chapter 41: Hard Decision

Start from the beginning
                                    

Malumanay akong ngumiti sa kanya, “Sure, dear.”

Pagkasabi ko nun ay nagsimula nang bumuhos ang pinong ulan ng nyebe. Matagal-tagal ko na ring ‘di ako nakapagpaulan ng sarili kong nyebe.

Nang tingnan ko si Denise ay dahan-dahan gumuhit ang matatamis nitong ngiti sa labi habang nakatingala sa bumubuhos na ulan ng pinong nyebe.

At habang patagal ng patagal ang pag-ulan nito ay napapansin ko ang pagsigla ng kanyang mga mata. Kahit ang kulay ng kanyang balat ay unti-unting naging normal na ang kulay.

‘Di ako ka agad naka react nang mabilis niya akong niyakap, “Thank you…” her voice were in joy as she spoke those two words.

Mabilis naman siyang bumitaw. Kung kanina ay para siyang namatayan sa sobrang tamlay ng kanyang hitsura pero ngayon ay para siyang nakalunok ng ilang dosenang tablets ng enervon sa sobrang hyper niya.

Hinawakan niya ang aking kamay at mabilis kaming tumalon galing sa bubong pabagsak sa may hardin kung saan ko nakita sina Hiroshi at Hideo noon.

“I have something to tell you,” pero ngayon ay medyo sumeryoso ang kanyang boses.

What is it?” ako, na ‘di maiwasang magtaka kung ano ang nais niyang sabihin.

Dinala niya ako sa parte ng hardin kung saan nandun ang sakura tree.

Bahagya pa siyang sumandal sa katawan nito at tiningnan ako, “Beware of the Zeurdous boys, they can’t satisfied their thirst even a million goblets of blood.”

Anong nais mong iparating?”

Umiwas siya ng tingin sa akin pero at ipinako ito sa kabilugan ng buwan. Sumagot siya nang wala sa akin ang mga titig niya, “Na aakit sila sa mahalimuyak na bango ng iyong dugo.”

“W—what?!” ako na ‘di mapigilang ‘di magtaas ng boses dahil sa gulat.

Humarap siya sa akin, Iyon ang dahilan kaya ayaw ni Ayesha at Brittany na may makalapit sayo ni isang kapatid naming lalaki.”

Hindi ko inakalang ganun pala ang dahilan ng mga babaeng Zeurdous kung bakit parang galit sila sa mga kapatid nilang lalaki. Idagdag mo pang magkaiba ang ipinaglalaban nila para sa namatay na kapatid.

“You mean, delikado kapag lalapit ako sa kanila?” pagsisiguro ko.

“Mas higit pa sa delikado. Zeurdous boys cannot tolerate their thirst towards girls blood. Lalung-lalo na dahil ‘di pa nila natagpuan ang mga kapareha nila. They’re craving for blood that can satisfy themselves. Sa mga oras na ‘to, hinahanap ka na nila.”

Hindi ako makaimik sa kanyang sinabi. I know she’s not joking upon what she have said!

Ikaw na may iba’t-ibang uri ng dugo na nanalaytay sa kaugatan mo ang nais nilang malapitan. But you know what the most funniest part is?” bahagya akong napailing sa sinabi niya. Sa lahat ng seryosong bagay na sinabi niya—may nakakatawa pala ro’n? Come to think of it, sobrang seryoso siyang magsalita!

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now