Chapter Fourteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nakamove on ka na ba sa kanya?"

"Ohfcourse mhathagal na—hik!"

"So bakit natatakot kang mainlove uli?"

"Kasi masakit." Sinapo niya ang ibabaw ng dibdib niya. "Masakit umasha na may magmamahal sa iyo tapos iiwan ka lang rin hik-hik!" natawa rin siya kasi para siyang lasing na hamster na nakakain ng buhay na bangus tapos natinik at ayun namatay ay ano ba?

"Everything is bound to happen. Nangyari iyon dahil sa may ibang taong nakalaan sa iyo."

"Bumenta na sa akin iyan ano ba? Sasaktan lang nila ako."

"Paano naman kung iba this time? Paano kung aalagaan ka na ni Dale."

She laughed loudly with the thought. "Siya? Ako? Aalagaan niya ako? Eh inakusahan nga niya akong may relasyon kami ng daddy niya tapos ay pinilit niya akong makasex. Ilang beses nangyari iyon at bigla siyang bumait baka nalaman na rin niyang hindi ko inaano iyong papa niya kaya baka naguilty at ayun lapit ng lapi-."

"What did he do? He forced you to have sex with him?" napakurap siya sa tanong ni Bree. Wala siyang maintindihan eh.

"Forshed ba? Ah oo, pumayag na rin ako para matigil na siya." Bigla siyang inalog ni Ayeth na mukhang galit na galit. "And here." Itinuro niya ang singsing na hawak niya. "Ibinigay niya ito sa akin baliw talaga hindi naman ito bagay sa daliri ko." Sinubukan niya uling hilahin iyon. "Ayaw matanggal." Reklamo niya.

"Damn that guy, dito muna kayo ha hahanapin ko lang muna siya." Hinila niya si Bree dahil mukhang susugod na ito ng away.

"Buntish ka mahfriend."

"Ako din sasamahan kita makakatikim sa akin ang lalaking iyon." Nakangising sinundan niya ang mga ito baka kasi mapaano pa ang mga iyan, kapag susuntukin nila si Dale. Matigas ang abs nun eh baka masugatan lang sila.

"Sumakay sila sa kotse ni Ayeth tapos si Bree naman ay may tinatawagan habang siya naman ay kumakanta ng I will survive yeh yeh. Huminto sila sa isang malaking bahay, bahay ni Dale iyon. Doon niya unang nakilala si Dale dahil na rin sa paghatid niya kay Damon. Nandoon kaya si Damon? Gusto niyang makita ang bata bago siya umalis. Wala sa loob na lumabas siya habang hawak-hawak ang daliring may suot na singsing. Ewan ba niya habang unti-unti siyang nakakarating sa bahay ni Dale ay lumalakas ang tibok ng puso niya at umaayos ang takbo ng kanyang utak. Napalunok siyang bigla.

Hindi pa man siya tuluyang nakapasok sa lawn nito ay parang gusto na niyang tumakbo pala at umiyak ng malakas. Mabuti nalang at lasing siya kaya kumapal ang mukha niya. Nakita lang naman niya si Dale na kahalikan ang babaeng kasama nito dati sa coffee shop, Marga ba ang pangalan ng babaeng iyon.

Mas lalong napahigpit ang hawak niya sa singsing habang inaayos ang malapad ng ngiti sa mukha niya. Tumikhim siya at nanlaki ang mga mata ni Dale na itinulak ang kahalikan nito. Gusto niyang suntukin ito sa mukha pero wala na siyang lakas.

"Hi!" bati niya dito.

"Shit Ray, I can explain-."

"Oh no! No need to napadaan lang kami ng mga friends ko dito. I'm here to say thank you for everything and good bye too." Sa pagtataka niya ay biglang nahila niya ang suot na singsing niya. Kung kailan naman hindi siya nag-effort ay saka naman iyon nawala sa daliri niya. Maybe sign na talaga ito na dapat ay umalis na lang siya, na bumalik nalang siya sa dating buhay na meron siya iyong nag-iisa lang?

Marked Series 5: My Baby's Mommy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon