6.**The feelings came back

125 8 4
                                    

6.**The feelings came back

//Narrator

Naging normal naman ang lahat... until an event came.

Birthday ni Loui, isa sa mga kaibigan nilang dalawa.

Ang birthday present sa kanya ng parents niya ay birthday party sa Palawan with his barkada.

Bale 3 days na celebration yun sa isang beach house doon.

Martin and Kate were both invited.

Pinilit pa sila ni Loui na sumama. Pareho kasing may kanya-kanyang excuses yung dalawa.

Pero since lahat ng kabarkada nila ay sasama, wala na rin silang nagawa kundi ang sumama sa outing na yon.  

Nag-eenjoy naman ang lahat!

Kwentuhan, tawanan, harutan, foodtrip, pasyal, movie marathon, swimming, ang iba ay nag-iinuman din at kung anu-ano pang activities ang ginagawa nila.

Ngayon na lang ulit sila nag bonding magkakasama kaya naman sobrang saya nila.

Pero kung dati pag magkakasama sila, madalas magkaroon ng solo moments sila Kate at Martin, ngayon, halos hindi sila nag-uusap o nagkakasama ng sila lang. 

Ginagawa ni Kate ang lahat para hindi sila maiwan ng silang dalawa lang ni Martin.

Palagi siyang dumidikit o sumasama sa iba. 

Iniiwasan niya si Martin.

Kinukulit at inaasar-asar siya ni Martin pero tinatawanan niya lang. 

Pag kinakausap naman siya nito, kakausapin niya lang din saglit after nun, lalayo na din.

As long as pwede niyang iwasan si Martin ng hindi masyadong halata, ginagawa niya.

But Martin realized what she was doing.  

// Martin's POV

Hindi ko alam ang dahilan niya pero ramdam kong iniiwasan niya ako.

I can feel na nilalayuan niya ako.

Kahit anong gawin kong pagpapapansin sa kanya, no effect !

And then I realized that in some way, nasasaktan ako sa ginagawa niya.

Gabi na nang maglakad-lakad ako sa may beach para makapag isip isip.

Siguro tulog na yung iba dahil sa sobrang pagod.

I saw Kate, nakaupo sa may beach side and she’s alone.

Nilapitan ko siya dahil gusto ko siyang makausap lalo na last day na namin dito sa Palawan, tomorrow morning we’re all going home.

Umupo ako sa tabi niya,

“Uy bat mag-isa ka? Patabi ako ha?”

Nagulat siya sakin and then nag salita,

“Hindi kasi ako makatulog eh. Pero actually inaantok na din ako ngayon. Sige ha, una na ko sayo. Goodnight.”

Tapos bigla na siyang tumayo para umalis.

Hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siya kasi alam ko naman na iniiwasan na naman niya ako.

“Kate, iniiwasan mo ba ko?” tanong ko.

“Ha? Ah.. eh.. amm, bakit naman kita iiwasan?” – Kate

Inalis niya yung kamay niya sa pagkakahawak ko then nag start siya maglakad palayo sakin.

This time, medyo napikon na ko sa ginagawa niya, kaya medyo napasigaw ako,

“You’re lying! Kate sana naman kung may problema, sabihin mo naman. Nag mumukha akong tanga eh. Hindi kita maintindihan.”

Nabigla ako nang humarap siya sakin na parang paiyak na.

“Gusto mo talagang malaman? Osige, ipapaintindi ko sayo!” – Kate

Yung tono niya medyo galit. Naglakad siya palapit sakin, nakita kong may luha na yung mga mata niya.

“Oo Martin iniiwasan kita! Iniiwasan ko ‘to,” sabay turo niya sa may heart niya,

“Akala ko kasi okay na eh. Akala ko naka-move on na ako. Pero bigla ka ulit bumalik eh, at lahat ng sakit bumalik din! Ayoko ng nararamdaman ko. Natatakot akong ma-realize na mahal pa rin kita... kasi Martin ang sakit sakit  eh, lalo na ngayon!”

I was dumbfounded. 

She wiped her tears then continued,

“Siguro naman ngayon naiintindihan mo na? Now please, just help me. Hayaan mo na lang ako.”

Tapos tumalikod na siya.

After niyang sabihin yung mga yun, nakaramdam ako ng sobrang pagkalito, hindi ko maintindihan yung sarili ko.

Basta ang alam ko lang, nakaramdaman akong may hindi nagbago, mahal ko pa rin siya.

Bigla na lang ako napatakbo para habulin siya, 

parang ayokong matapos kami ng ganito.

Parang hindi na gumagana pa ngayon yung utak ko, parang yung puso ko na lang ang kumokontrol sakin.

// Kate's POV

Patuloy na tumutulo ang mga luha ko after kong masabi lahat ng nararamdaman ko sa kanya. T_T

Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya.

I was shocked nung habulin niya ko at yakapin niya ko habang nakatalikod ako sa kanya  

Pero mas ikinagulat ko ang mga sinabi niya,

“Kate, mahal pa rin kita.” At ramdam kong umiiyak na din siya.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tsaka humarap sa kanya,

“Pero Martin, hindi na pwede eh.  Marami nang nagbago. Isa pa, hindi tama yang nararamdaman mo. Siguro hanggang dito na lang talaga tayo. But thank you for saying those words to me. I’m happy to hear it. Okay na ko ng ganito. At least, alam ko na minahal mo rin ako. Alam kong magiging masaya ka sa buhay na meron ka na. Baka nga nalilito ka lang ngayon eh. So let’s just end it here.  Mas better talaga if lalayo ako.”

Paalis na sana ako, pero pinigilan niya ko. Hinawakan niya ng  sobrang higpit yung dalawang kamay ko while looking straight at me, and then he said,

“Isang araw lang Kate. Isang  buong araw mo lang ang hinihiling ko. Pwede ba kitang makasama for one last time? Please?”

Hindi ko alam kung tama o mali ba pero I nodded. Pumayag ako!

Basta all I know is just gusto ko rin siya makasama for one last time.

This Time It's For RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon