2.**Special feelings

170 12 5
                                    

2.**Special feelings

// Narrator

As time passes by, mas naging strong pa yung friendship nila Kate at Martin.

Then from there, unti-unting may bagong feelings ang sa kanila ay nag-bloom.

At first, they didn’t even realize it. Kahit na ang dami na rin sa mga friends nila ang nakakahalata ng ‘something’ sa kanila kaya naman mas napadalas na rin ang panunukso sa kanila, tumatawa-tawa lang sila, minsan sinasakyan na lang din nila ang tuksuhan.

Kung close na sila dati, super duper mega close sila ngayon!

And kung madalas na sila dati na magkausap o magkatext, MAS sa madalas pa sila ngayon. :)))

Sa mga hang-outs ng barkada, madalas nagkakaroon sila ng sariling mundo, palaging magkatabi o magkasama.

Their relationship seems to be growing into something special...

// Kate’s POV

I’m so confused!!! Naninibago ako sa nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung ano ‘to.

Simula ng sabihin sakin ni Martin na crush niya ko, hindi ko na maintindihan bigla yung nararamdaman ko.

OW YESSS, kinilig ako. SOBRAAAA!!!

Crush ko din siya eh. So sino  ba naman ang di kikiligin pag sinabi ng crush mo na crush ka niya diba?

Pero may iba eh. Hindi lang basta crush ko siya at kinikilig ako...

parang may something akong nafi-feel na greater than that.

Love?  Hindi ko din alam eh. I’ve never been in love so di ko alam kung love na nga ba ‘tong nafi-feel ko.

But one thing’s for sure, gusto ko siya.

I like everything about him.

He’s gentleman, sweet at sobrang bait.

I like the way he takes care of me, the way he protects me, the way he makes me smile... At sobrang dami pa for me to mention.

Ie-enjoy ko na lang kung ano man ang nangyayari samin ngayon despite whatever this is that I’m feeling.

Siguro naman along the way, I’ll discover what I truly feel for him eh...

Hindi naman siguro kailangan mag madali.

Kahit pa inamin na ni Martin na crush niya ko, I never said that I feel the same way.

I don’t know why pero nakaramdam ako ng takot.

Kilala ko na siya at alam kong may pagka-play boy talaga siya.

Kahit noon pa lang naman naike-kwento na niya sakin yung mga past girlfriends niya na hindi naman niya sineryoso.

Ang daming ‘what ifs’ tuloy sa utak ko.

What if pinagti-tripan niya lang din ako?

What if naramdaman niya lang na gusto ko siya kaya sinasabi niya ring gusto niya ko?

What if hindi pala totoo mga sinasabi niya at nacha-challenge lang siya sakin?

Natakot akong maging katulad ng mga girls na pinagtripan niya lang, kaya wala akong sinabing kahit ano sa kanya.

Sinasakyan ko lang pagiging sweet niya at go with the flow lang ako.

Besides, sa tingin ko kahit naman di ko sabihin, ramdam din naman niyang may something din ako para sa kanya. 

// Martin's POV

Medyo matagal na rin simula ng aminin ko kay Kate na crush ko siya.

Palagi kong pinaparamdam sa kanya na gusto ko siya which is so true.

I do like her. She’s special to me. Buong pagkatao niya gustong gusto ko talaga.

Napaka kind hearted at sincere niya kasing babae.

Sinabi ko din naman sa kanya na yang mga yan ang reasons kung bakit ko siya nagustuhan... sinabi ko din na naku-cute-an ako sa kanya. ^_^

Alam kong iba na ‘to eh, iba na ‘tong nararamdaman ko.

Pero hindi ko alam kung anong dapat gawin.

Isa akong play boy... at ayoko siyang masaktan.

Siya yung tipo ng babae na inaalagaan at hindi pinapaiyak.

Hindi naman madaling baguhin ang lahat, myself and everything around me.

Hindi ko alam kung ano talagang nararamdaman ni Kate for me, although I can feel naman na parang she likes me too.

Pero hindi ako sigurado, 

at yun ang ikinatatakot ko !

Natatakot akong mawala siya sakin.

What if maunahan ako ng iba?

This is the first time I felt this, hindi tuloy ako makapag-isip ng ayos. 

This Time It's For RealWhere stories live. Discover now