4.**Goodbye, for now..

151 11 11
                                    

4.**Goodbye, for now..

//Kate's POV

I heard him calling my name... lasing yata.

And confirmed! Nalaman kong lasing nga siya nang tawagan ako ni Jeff, one of our common friends.

Sinabi niyang gusto daw ako makausap ni Martin.

Nakiusap siya na lumabas ako at pag bigyan si Martin kahit saglit lang.

Sinabi niya din na naiintindihan niya raw ako, pero naaawa na raw kasi siya kay Martin.

Sinabi niyang totoo naman daw lahat ng sinabi sakin ni Martin.

Habang pinapakinggan ko si Jeff, naisip ko na siguro nga I must clear things up.

I think I’m ready na. Gusto ko na rin siya makausap ngayon.

Kaya sinabi ko kay Jeff na lalabas na ako.

Pag labas ko, nakita ko si Martin tahimik na nakaupo sa may hagdan sa labas ng bahay namin at naghihintay.

Nung makita niya na ako, bigla siyang nag sorry. Paulit-ulit niya lang binabanggit yung word na ‘sorry’.

Pero ang ikinabigla ko ay ang makita ko siyang umiiyak.

Umupo ako sa tabi niya, tsaka ako nag salita,

“Martin, it’s okay! Nakapag-isip isip na ko at naiintindihan na kita. Hindi ko din naman kayang tiisin ka eh. Pinapatawad na kita...

But you must understand na may mga bagay na hindi ganoon kadali ibalik sa dati.”

“What do you mean Kate?” – Martin

“Time heals all wounds. Hindi pa siguro natin maibabalik yung dating tayo. Di pa rin naman kasi nawawala yung pain eh. Hayaan na lang muna natin yung isa’t isa Martin.” – Ako

Walang nag salita samin for a few minutes pero ramdam ko yung iyak at lungkot niya. 

And I know na konting-konti na lang papatak  na din yung luhang kanina ko pa pinipigilan.

So bago pa ako tuluyang maiyak, nag salita na ko,

“So I guess this is goodbye? For now?”

I tried smiling pero hindi kaya eh, so I think I gave him a very sad smile.

“Ito ba talaga gusto mo” he asked me.

“Yes?” Although desidido na ako na ganito na nga muna, I’m unsure na ito talaga yung gusto ko kaya tuloy yung sagot ko naging patanong. @_@

“If that's so, I’ll give it to you. Kate, I’m sorry, kung pwede ko lang sana ibalik yung oras,  I’ll  prevent this from happening. I want you to be happy. Can you promise me one thing?” – Martin

He held my hand,

“Wag sanang magbabago yung Kate na palaging nakangiti, yung Kate na ang bilis bilis patawanin... Please be happy Kate.”

Hindi na niya inantay pa yung sagot ko sa mga sinabi niya.

Tumayo na siya at binitawan yung kamay ko.

He wiped his tears and then gave me a very sad smile too, and then he turned around at umalis na.

Pagkatalikod niya, tears streamed down from my eyes.

// Martin's POV

Baka kung ipipilit ko lang, mas lalo lang siyang masaktan.

Siguro nga tama na itong ganito. Space and time muna.

After nito, alam kong may malaki nang magbabago.

Pero wala akong ibang magagawa.  After all, this is my entire fault.

Narinig ko pa siyang umiyak pagkatalikod ko papalayo sa kanya.

Gusto kong bumalik para patahanin siya pero what made me not to go back is that I know na ako yung may gawa ng mga luhang yun kaya hindi rin ako yung tamang tao na makakapagpaalis ng mga luha niya.

Binago ako ni Kate in a better way.

Alam ko sa sarili ko na nag bago ang point of view ko especially when it comes to love.

And mga akala ko noon, mali pala.

Masyado akong isip bata at mapaglaro.

Siguro ang dami ko ring nasaktan at ngayon ito na ang tinatawag na ‘karma’, nag backfire sakin ang lahat.

But it is because of her that I am now mature enough to face this whole reality and I guess everything’s much better this way...

Goodbye Kate, for now.   

// Narrator

As expected, after ng pag-uusap nilang yun, things have changed.

Hindi na nag-uusap o nagkakatext pa sila Kate at Martin.

If ever na magkakasalubong man sila sa daan, naging casual na lang yung treatment nila sa isa’t isa.

Mag smile lang sila o kaya naman simpleng ‘hi’ or ‘hello’ na batian lang, more than that wala na.

As much as possible, iniiwasan pa din nilang magkita.

They treated each other as if they just know each other’s name, nothing more nothing less.

Time flew too fast. Sobrang daming bago ang nangyari.

Nagkaroon na ng kanya-kanyang buhay sila Martin at Kate.

Nawalan na din sila ng communication sa isa’t-isa.

Since pareho na din silang nasa college, pareho silang naging focused sa pag-aaral. Mas naging busy and serious sila.   

Hindi na rin talaga sila nagkikita dahil hindi na sila magkasama sa isang compound, umalis si Martin sa bahay nila at lumipat sa isang boarding house para mas malapit siya sa school niya.

Wala na rin naman masyadong naging lakad ang barkada nila since pare-pareho na ding busy.

Kaya all in all, wala na silang balita pa sa isa’t-isa.

They’re both doing fine until destiny made them meet again.

But this time, their situation is far different from before... 

This Time It's For RealWhere stories live. Discover now