1.**How it all started

283 15 10
                                    

1.**How it all started

// Narrator

Marami ang nagsasabi ng “The more you hate, the more you love”.

Dito nagsimula ang friendship at ‘oh so deep’ relationship nila Kate Celine Valencia at Martin Angelo Robles.

Bagong lipat noon sila Kate sa isang compound. At syempre dahil bago nga, siya ang naging center of attraction sa buong compound.

Yung mga teenagers doon ay agad na nakipagkaibigan sa kanya.

Since then, madalas na din lumalabas ng bahay si Kate para makipag-laro, kwentuhan at kung anu-ano pa sa mga new friends niya.

Pare-pareho silang highschool kaya naman magkakasundo agad.

Well, except sa dalawa, sila Martin at Kate. Sabi nga nila, there’s always an exception! :DD

Wala yatang araw na hindi nag bangayan yung dalawang  yun. Para silang aso’t pusa.

Well, si Martin kasi talaga ang pasimuno.

Trip na trip niya kasing asarin si Kate. Siguro kasi parang bata itong si Kate kaya ang sarap i-tease.

Eto namang si Kate, she finds Martin too proud of himself kaya naman inis siya dito. 

Although totoo naman since medyo mayabang nga talaga at gwapong-gwapo sa sarili ‘tong si Martin.

Pero hindi naman yung away talaga, parang asaran lang.

Actually they look cute together. Kaya naman nag start na tuksohin sila ng “the more you hate, the more you love”.

And from there, isa sila sa mga nabuong love team sa compound nila.

Ini-ignore lang naman nung dalawa yung tuksuhan sa kanila. Tuloy pa rin sila sa away-bati nilang relationship na parang mga bata.

Pero later on, naging super close din sila Martin at Kate. Siguro kasi mas nakilala nila ang bawat isa.

At yung away-bati nilang hobby ay parang naging lambing na lang nila sa isa’t isa.

// Kate’s POV

He’s nice naman pala.

Yes, mayabang talaga pero mabait, gentleman and fun to be with naman pala.

Ngayon, di na ko nag tataka bat habulin siya ng girls. He’s close to perfection, jack of all trades!

Pero since ganun nga siya, over confident tuloy. 

Dati  kinaiinisan ko talaga siya dahil nga sa ugali niyang yun.

But now, natanggap ko na yata na ganun talaga siya.

Nae-enjoy ko na yung company niya.

Pag nandyan siya, tawa lang ako ng tawa. May sense of humour din naman kasi.

Habang tumatagal, nasasanay na ko sa presence niya.

Madalas kaming mag kwentuhan, mag tawanan, mag harutan at syempre mawawala ba naman ang asaran?

Halos buong araw din kaming nagkakatext, inaasar niya lang ako o kaya naman kinukulit.

I don’t know pero happy ako pag nandyan siya.

Parang ang light light ng feeling.

Minsan pag malungkot ako or in bad mood, isang hirit lang niya, I can’t help but smile.

Day by day, we became more and more closer.

From enemies to best friends, yan kami!

Naging open kami sa isa’t-isa. Halos lahat nasasabi niya na sakin and ganun din ako sa kanya.

At pag may problems, present kami para i-comfort ang bawat isa.

Dumami ng dumami ang bonding and hang-outs namin with some of our friends.

Madami na din siyang nagawa for me.

Pati ang mga nailibre at naibigay like letters and other simple stuffs, madami na din.

One of the most memorable gifts he has given me was a bunny stuffed toy. First gift niya kasi sakin yun.

Maliit lang yun, pero super cute!

Gift niya yun sakin nung mag celebrate ako ng first birthday ko sa new house namin sa compound.

That gift made my day complete although hindi siya mismo ang nag-abot sakin nun.

I wasn’t expecting that birthday present kaya tuloy yung smile ko nun abot-abot hanggang tenga. 

And I must admit it, KINILIG ako nun !!! ^____^

// Martin’s POV

Ang sarap sarap asarin ni Kate ! >:DD

Nakakatuwa siya. She’s different from the girls that I’ve met and be with before.

Plain and simple.. and cute !

At first, natutuwa lang ako sa mga reactions and gestures niya kaya palagi ko siyang pinagti-tripan.

Pero di nag-tagal, parang hindi na lang yon yung reasons ko.

In a way, parang ginagawa ko na lang yun para lang mapansin niya ko, gusto ko lang may reason kami para mag-usap.

Habang nakikilala ko siya, nagugustuhan ko ang buong pagkatao niya.

She’s a kind of girl na madaling mapangiti at mapatawa. Marunong din umunawa ng feelings ng iba.

Sobrang bait pang tao.

Im  happy na naging ka-close ko siya na parang best friend.

Nag-eenjoy ako sa kung ano man na meron kami ngayon, sa friendship naming dalawa.

I’m getting used to her company. Yung tipong hinahanap-hanap at nami-miss ko siya pag hindi ko siya nakikita, nakakausap o nakakatext.

Gabi-gabi din kaming inaabot na ng madaling araw habang magkatext.

Minsan nilo-loadan ko pa siya para lang magka-text kami.

At kahit na wala nang sense minsan yung usapan namin, masaya pa rin ako as long as siya yung kausap ko.

Nung malaman kong magbi-birthday siya, I don’t know why pero napabili ako ng gift.

Nag dalawang isip pa ako nun kung ibibigay ko ba sa kanya, and in the end, ibinigay ko pa rin. 

Pero since nahihiya ako nun at para di naman  masyadong big deal ang dating, pinabigay ko lang yun sa little sister ko.

And natuwa na lang din ako nung mag thank you siya with matching smile nung magkita kami. 

This Time It's For RealWhere stories live. Discover now