Chapter 38: Long Wait

Start from the beginning
                                    

Humikab ako at tinungo ang pintuan. Binuksan ko 'yun at tuluyang lumabas. Ngunit napahinto ako nang aakmang hahakbang na ako nang may mapagtanto. Bakit nga ba ako lumabas?

Iginala ko ang aking mga mata sa kapaligiran. Nasa may koridor ako at sobrang tahimik ng paligid. Para akong nasa palasyong matagal nang inabandona.

I gasped when I felt the embrace of the cold wind in a second time. Napayakap na lamang ako sa aking sarili.

Hindi ko alam kung bakit kusang humakbang ang aking mga paa sa isang direksyon na 'di ko kontrolado. What the-!

Sinubukan kong kontrahin ang aking mga paa pero parang may nag-uudyok sa akin na makisakay nalang sa aking mga paa.

Napansin kong pababa na ako sa napakahabang hagdan. Inaasahan kong may makakasalubong akong tagapag silbi sa palasyong ito pero ni anino nila ay wala akong nakita. Nasaan na ba sila? Kanina ang dami pa nila na nakakasalubong namin pero ngayon ay wala?

Pati ang magkakapatid na mga Zeurdous ay 'diko man lang nakita. Don't tell me nasa kanya-kanyang kuwarto pa silang lahat?! Ilang oras na ba silang 'di lumalabas?

Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nasa labas na ng palasyo, patungong likuran nito.

Pansin kong parami ng parami ang nakikita kong mga halaman. Hanggang sa huminto na ang aking mga paa sa paglalakad. Naglalaro parin ang mga katanungan sa aking isipan kung bakit ako naglalakad nang 'di ko kontrolado. At wala rin akong ka ideya-ideya kung ano ang gagawin ko sa napakalawak na hardin na 'to.

Napabuga na lamang ako ng hangin at pilit na iwinawaksi ang mga katanungang nanggugulo sa akin.

Pinagmasdan ko na lamang ang napakalawak na hardin na may iba't-ibang klaseng bulaklak. Napakaganda nitong tingnan. Idagdag mo pa ang makukulay na mga paru-parong naglalaro dito.

Nang 'di sinadya ay pumasok sa aking isipan si Kyohanne. That prince also love this kind of place. He used to rest on a place where peace and colorful things exists. Siguro kapag makita niya ang ganitong klaseng lugar ay magugustuhan niya ito.

Napabuntong hininga ako, dahil sumunod na pumasok sa aking isipan ay si Tomoki. Alam kong wala na akong karapatan na makialam sa kalagayan niya ngayon pero 'diko mapigilan ang aking sarili. She must be happy for now since she already knew her father yet sad for knowing the truth that her mother and father are siblings and it's a big pain for her part. Idagdag mo pa, na ang nagpapatay sa kanyang ina ay ang kanyang lola mismo dahil sa maaaring masamang mangyari sa hinaharap.

Kamusta na kaya siya ngayon? How about Ge Chen that used to treat me as her-as the real princess? Hindi ko itatangging kahit na naging bahagi lamang sila ng aking misyon ay naging malapit rin ang aking kalooban sa kanila. Dahil sila ang nandun sa aking tabi sa mga panahong kailangan ko para maging matatag sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Medyo nakaramdam ako ng lungkot sa mga sandaling naalala ko ang aking mga ginawa nung ako pa si Tomoki Ascandelancè. I know I've been bad that day since I am over using the power of being a princess but I'm not regretting for all the things I have done. Ginawa ko lang 'yun para sa kapakanan ng prinsesang nag-aagaw buhay. At sa tingin ko, naging maayos na ngayon ang pakiramdam ni Tomoki. Thanks for all the care that my co-chosen girls gave her. Sino bang hindi makabawi sa kanyang lakas kung ang mga nag-aalaga sa kanya ay ang tatlong babae na mga itinakda? She's lucky for chosing me to have a body switch with her.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now