"Gusto kitang katabi."

"Ang OA mo na ah!" tumawa naman ito at napailing nalang. Tinitigan ko naman ito, nag simula na siyang kumain, masaya naman itong kumakain sa hinanda ko, tumingin naman ito saakin.

"Bakit? gusto mo kong kainin? kung makatitig ka"

"Ang kapal pa din ng pag mumukha mo Voltaire tsk" inirapan ko naman ito at nag simula ng kumain.

"Uhm Belle"

"Bakit?"

"Sumama na kayo saakin sa Pilipinas please"

"Yes we will Volt pero wag muna ngayon, alam mo namang nag aaral dito si Venice diba? ayoko na siyang lumipat sa gitna ng pag aaral niya, palagi nalang nahihirapan yung bata sa pag aadjust siguro pagkatapos ng school year"

"I'm sorry" napakunot naman ang noo ko nang humingi siya ng tawad.

"Bakit?"

"Dahil kung hindi ako gago sana hindi ka nahihirapan noon pa at hindi mahihirapan si Venice"

"Buti naman alam mong gago ka" masaya kong saad sakanya.

"Ganon!? talagang sinuportahan mo pa ang sinabi ko?" kunot noo nitong tingin saakin.

"Bakit hindi ba yun totoo?"

"Totoo pero dapat maging sweet ka naman kung minsan asawa mo padin ako"

"Ewan ko sayo hahaha taposin mo na yan, pupunta pa ako sa shop ngayon"

"Dito nalang din ako hindi ako uuwi ng Pilipinas hanggang hindi ko kayo kasama"

"Voltaire may trabaho ka sa Pilipinas diba? at bakit ka nga ba andito sa France?"

"Pinuntahan ko si Dianna, yung kapatid kong pinag seselosan mo" ngumisi naman ito ng nakakaloko.

"Gago ka talaga! puro ka kalokohan"

"Totoo naman diba? pinag seselosan mo kapatid ko?"

"Bakit hindi?"

"Umamin ka din hahaha"

"Sino bang hindi mag seselos don?! na pinilit mo pa akong pakasalan para lang protektahan ang isang babaeng hindi ko kilala" inirapan ko naman ito pero niyakap niya lang ako at sinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko.

"I told ya, kasabwat ko si papa para lang mapasaakin ka Belle, he knows how I love you so much. And being a bad brother I used the name of my sister para lang may rason ako. I'm sorry"

"Saan ka humihingi ng pasensya aber?"

"For lying para lang maikasal ka saakin"

"Hindi ka humihingi ng pasensya sa pagpipilit mong ikasal ako sayo? at sa pag gamit mo sa pangalan ng kapatid mo?"

"Nope! naging akin ka naman, hindi ako hihingi ng sorry don"

"Gago" bulong ko alam ko namang naririnig niya yun pero hindi siya nag react at mas hinigpitan niya ang pag yakap saakin na parang takot na takot siyang bitawan ako kasi pag binitawan niya ako, baka aalis na naman ako, ganon ang nararamdaman ko sa yakap niya saakin.

"Gustong gusto kong gampanan ang pagiging husband ko sayo simula palang nung ikinasal tayo Belle, pero binigyan kita ng panahon non dahil alam kong napilitan ka lang naman non saakin, walang oras na hindi kita naiisip kahit pa ang kaharap ko laman loob ng tao, gustong gusto kong bumawi sayo non pero laging lumalamang ang selos ko non dahil may nakakausap ka sa telepono o sa laptop mo na baby ang tawag mo at binibigyan mo siya ng ngiti na gustong gusto ako yung rason?"

"Alam mo bang si Venice lang yung kausap ko palagi?"

"Kung alam ko lang din na may anak tayo sana pala hindi nalang ako nanggago non" bumuntong hininga naman ito sa balikat ko.

"Kung hindi ko pinairal ang selos ko, hindi ko sana magagawa yung mga bagay na hindi dapat ginagawa ng mga lalaking may asawa na, hindi sana ako makakapagbitaw ng mga salitang hindi naman talaga totoo"

"Alam mo bang parang nakita noon sa jewelry shop? sa kakaisip ko sayo kung saang lupalop ka pumunta siguro namalikmata ako non"

"Bakit ka nga ba andon?"

"Tumitingin kasi si Dianna ng mga luho niya, sinamahan ko na siya at habang tinitignan ang mga singsing naisip kita"

"Andon ako Volt, pero nang makita kita hindi na kami pumasok ni Venice dahil ayoko ng mag landas pa tayo"

"Ganon ka nalang ba kagalit saakin?"

"My love for you can't buried my hates Voltaire, ganon kita kamahal at isa pa wala ka dito kung hindi kita mahal." ngiti kong sabi at bumangon naman ang ulo niya at tinitigan niya ako.

"I love you so much wife I really do" at hinalikan niya ako.

Beauty and the Beast ✔Where stories live. Discover now