Chapter 21

4.2K 141 0
                                    

I never felt this feeling before.

I never felt being special when I am with Xander before.

I silently watched Zachary prepare and cook Adobo for me. My first week of being a freshmen has already done and we're here inside our unit, celebrating. Alliah went outside when Zach came. Ewan ko ba sa babaeng iyon. Inaasar na naman ako. Aniya para raw magkaroon kami ng quality time ni Zachary.

Though, I was shock when I saw Zach oitside of our unit. Hindi ko naman alam na darating siya. May bitbit na itong bayong na naglalaman ng baboy at kung anomang ingredients sa pagluluto ng Adobo. At hindi ko rin alam na marunong pala siyang mamalengke!

Napasinghap ako nang maamoy ko ang aroma ng Adobo ni Zach. Lumingon ito sa akin ng may malawak at maliwanag na ngiti habang bitbit ang niluto niyang Adobo. Masaya niyang inilapag sa mesa ang isang malaking bowl nito. Natatakam akong nakatingin sa kan'yang niluto, umuusok pa iyon at nakakagana tingnan ang pagple-plating niya! Aakalain mong kasali siya sa Master Chef!

"Pasensiya na 'yan lang nakayanan ko," aniya kaya napadako ang tingin ko sa kan'ya.

My heart fluttered in pain and happiness. Halos maluha ako sa harap niya, pinipigilan ko lang. I mean, this is so simple, kung sa paningin ng iba. Pero sa akin, this means a lot. I intently looked at him. Pawis na pawis siya dahil sa init na nagmumula sa stove. Hindi rin nakatakas sa akin ang mga paso sa kan'yang kamay. My gosh! What did I do in my past life to have him?

Dala ng samu't saring emosyon, hindi ko namalayang nayakap ko na siya. I felt him stiffined, kahit ako rin nang mapagtanto ko kung ano ang ginawa ko. Pero imbes na kumalas, mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kan'ya.

"This means so much to me, Zach. Salamat," I whispered to him, nakatingkayad ako para maabot ko ang kan'yang tainga.

Naramdaman ko ang pagyakap niya rin sa akin. Napapikit ako dahil doon. Ang sarap at ang init ng kan'yang katawan. Napakakomportable.

"Tara na, kumain na tayo baka kung ano pa ang sabihin ng kaibigan mo kapag naabutan tayong ganito," si Zach ang unang kumalas sa amin. Nakaramdaman naman ako ng panandaliang pangungulila. Binalewala ko ang damdaming iyon.

"Huli na ang lahat, nakita ko na!"

Napatalon ako sa gulat nang makita si Alliah na nasa likod ng pader na humihiwalay sa salas at kusina, tila nagtatago ito mula sa amin. Nag-init ang aking pisngi.

"K-kailan ka pa riyan?" nauutal kong tanong. Gusto kong magtago sa ilalim ng lupa! Bakit kasi palagi na lang sumusulpot sa kung saan itong si Alliah?

"Kanikanina lang naman. Sapat na para marinig ko ang pasasalamat mo. Ah! Pati 'yung paghigpit mo ng yakap! Nahuli ko iyon!" aniya, lumabas na ito mula sa pinagtataguan at walang habas na kumuha ng karne mula sa nakahain.

"Hey! Hindi 'yan para sa'yo!" sita ni Zach.

"Aba! Magkahati kami sa bayarin dito ni Renae sa unit! Meaning may ambag din ako rito kasi ginamit mo 'yung kalan namin! Kapal ng mukha!" singhal ni Alliah, tinuro-turo niya pa ang sahig nang may panlalaking mata.

Napabuntong hininga na lamang ako't napapikit sa inis. Kailan ba magkakasundo ang dalawang ito?

"Itigil niyo na nga ito! Para kayong aso't pusa! Nakakainis!"

Binalingan nila akong dalawa.

"Bakit nagseselos ka kasi para kaming may LQ?" mataray at nanghahamong tanong ni Alliah. Hindi ako nagpatalo, I also raised my eyebrow, mas mataas sa kan'ya.

"Naiinis ako sa ingay niyo! At saka bakit naman ako magseselos sa'yo?" Hindi ka naman gusto ni Zach. Gusto kong idagdag iyon kaso baka magmukha ang self-entitled. Pinapamukhang ako lang naman ang gusto ni Zach at wala nang iba. Sabi niya (Zach).

The Faded Spark | TID #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon