Chapter 10

6.1K 230 22
                                    

Warning: sabaw na content. walang kwenta. sorry na rin sa mga typo/s hindi pa nae-edit. hakhak.

The annoying noise from my small alarm clock jerked me out of my peaceful sleep. With my eyes half-closed and eyebrows knitted together, I suddenly rose just to smash the off button as hard as I possibly could.

I went back and sat down on my bed. I let out a yawn as I stretched out my arms. I blinked multiple times and looked on the clock that I recently smashed down.

6:30 AM

Kaagad akong tumayo at muling nag-inat. Kailangan kong bumalik sa University dahil ngayon ang simula ko bilang isang Student Assistant.

Sa totoo lang, bawal maging isang Student Assistant ang mga Architecture students. Eh kaso ang mahal ng tuition fee plus may miscellaneous pa at hindi papahuli ang mga art materials! Saan naman ako kukuha ng ilang daang libo para makapag-college sa magandang university, hindi ba?

Kaya naman sinubukan kong kumuha ng scholarship. Hindi naman ako ganoon katalino para pumasa sa University Academic Scholarship kaya naman pinili ko ang Scholarship for Student Assistant. Ibinaba ko na talaga ang sarili ko at nagmakaawa sa President ng Student Affairs. Luckily, they accepted me pero wala nga lang monthly allowance.

Mas okay na rin naman na iyon kaysa sa wala.

I went into the bathroom and stepped into the shower, my toes flinched as they touched the chilled ceramic floor. Argh! The reason why I do not want to take a bath in the morning!

Mabilis akong naligo dahil lamig na lamig na kaagad ako. Dali-dali rin akong nagbihis dahil hindi ko namalayang halos isang oras na pala ako sa loob ng banyo. Ang bagal ko talagang kumilos!

"Ay oh! First day na first day mo sa pagiging SA, late ka? Mahiya ka naman, Renae!" sermon ni Alliah nang makitang nagsusuklay pa lamang ako kahit quarter to eight na.

"Sorry po, 'Nay. Babawi po ako sa susunod," aniko at saka inilagay ang mga kakailanganin ko sa aking bag.

"Susunod, susunod?! Paano kung wala nang susunod, aber?" she hysterically asked.

I glanced at her then ignored her. Wala akong pang-rebutt, eh. Bigla akong napahinto sa pag-aayos nang may na-realize ako.

"Bakit bihis na bihis ka, Alliah?"

Nagpa-cute siya sa harap ko dahilan para mapangiwi ako. Sa aming dalawa, si Alliah ang pala-ayos, naglalagay ng make-up at nagsusuot ng mga 'in' na outfits.

Nakasuot siya ng white off shoulder na medyo crop top — medyo lang kasi hindi pa naman kita ang pusod niya. At floral skirt na lagpas sa tuhod niya. Nakapaa pa lamang siya dahil isa 'yun sa rules namin dito sa unit. Also, it is an Asian culture na rin kasi

"Ganda ko ba?" untag niya habang pina-sway-sway ang palda niya.

"Para kang timang, saan lakad mo?" sagot ko sa tanong niya.

Sumimangot ito sa akin, "Diyan lang sa may gym."

I creased my forehead, "Anong gagawin mo do'n? Mangha-harass ng mga players?"

The Faded Spark | TID #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon