Chapter 7

6.4K 248 32
                                    

"Nausicaa Renae Gomez, With High Honors and special awards on Best Research in STEM, Best Research in Senior High School and Most Outstanding Student in STEM."

Isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa aking tainga. Taas noo at may malawak na ngiti akong umakyat sa entablado kasama si Tita—ang ina ni Alliah.

"Kung narito lang si Nadya, naku! Siguradong proud na proud sa iyo 'yun Iha!" bulong ni Tita habang isinasabit ang apat na medalya sa akin.

Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Tahimik na sumang-ayon. Siguro nga'y proud na proud sa akin ngayon si Mommy.

Nang makababa ay sinalubong ako ni Alliah ng isang mahigpit na yakap. "Walangya ka Renae! Ang galing mo talaga! Ikaw sana ang mag-s-speech mamaya kaso sipsip kasi si Andrea kaya nakataasan ka niya," malakas na sambit nito na siyang dahilan kung bakit kinurot siya ni Tita sa tagiliran.

"Alliah! Ayusin mo nga 'yang salita mo! Naku kang bata ka!" Nalalaking mga matang suway ni Tita. Napailing naman ako sa nangyari.

Ang s'werte ni Alliah at nandiyan pa ang Mama niya.

Mapait akong napangiti.

Niyaya na nila akong maupo sa pwesto namin habang patuloy na tinatawag ang mga SHS graduates. Nang matapos ang sermonya ay dumeretso kami sa isang restaurant upang ipagdiwang ang aming pagtatapos.

"Pa-blow out ka naman Renae! Dami mong nahakot na award, oh!" pabirong sambit ni Alliah.

Inirapan ko naman siya. "Mukha kang blow out. Saka na kapag Licensed Architect na ako."

Napabusangot naman ang kan'yang mukha habang naupo sa tapat ko. Si Tita naman ay pumunta sandali sa washroom.

"Limang taon ko pa hihintayin 'yang blowout mo?! Ay hindi, seven years or more pa ata! Hindi ko makakapaghintay, Renae," she said in a high-pitched voice. Dahilan para mapalingon sa amin 'yung mga nasa malapit sa amin.

Napailing ako sa sinabi niya, ang eskandalosa talaga nito. Pero hindi ko maipagkakaila na kagaya niya ay hindi rin ako makakapaghintay. Napakascam naman nitong SHS. Akala ko mababawasan na ang taon sa college. Ay tama, nabawasan 'yung sa ibang courses pero ang Architecture ay hindi.

"Mas malaki naman ang maililibre ko sa 'yo. Design na ng bahay 'yun, oh," I said and looked on the interior of the restaurant.

It was too lavish. With those chandeliers shining in gold, a mini fountain at the center of the restaurant, corinthian columns painted in auburn, windows with silver and gold linings, it will surely make you amaze.

Actually, I didn't like it. I meant the interior design. Masyadong magarbo. Para sa akin masakit sa mata. Gusto ko kasi ay simple lamang. Pero may dating.

Pakiramdam ko kasi kapag pumasok ako sa ganito ay ma-out of place ako. Parang ipinaparamdam nila na, hindi ka belong dito.

Well, ganun talaga siguro kapag hindi ka mayaman.

Habang inililibot ko ang aking paningin at patuloy na nagsasalita si Alliah—na hindi ko alam kung ano ang mga iyon—napako ang tingin ko sa isang tao.

I froze, not because I shocked because he was here but because he was with someone else. At hindi iyon ang babaeng naging dahilan ng hiwalayan namin.

Seeing Xander laughing with tantalizing eyes with Andrea made my heart ached. Mas masakit pa no'ng nahuli ko siya.

Akala ko okay na ako. Akala ko nakamove-on na ako. Ilang araw na ba ang nakalipas? Linggo? Umabot na ba sa buwan?

Akala ko madali lang magmove-on. Akala ko kapag hindi ko na siya palaging makikita ay magiging okay na ako. Hindi pa pala.

May sakit parin akong nadarama sa aking puso. Hindi ko parin tanggap. Lalo na't may iba na namang siyang babae. Ang masaklap pa ay tumatawa siya sa mga sinasabi ni Andrea nang may kinang sa kan'yang mga mata. Bagay na hindi ko nakita sa kan'ya noong mga panahong kami pa.

Ano bang wala sa akin na meron kay Andrea?

Bakit ang bilis niyang maging masaya at makahanap ng iba? Ganoon ba kawalang kwenta ang rekasyon namin para sa kan'ya?

Bakit ang bilis niya akong palitan? Bakit ako misarable parin?

Mas lalong nanikip ang aking dibdib nang hawakan ni Xander ang kamay ni Andrea at hinalikan ito without breaking their gazes. Pagkatapos ay hinalikan niya rin ang noo nito at nagpatuloy na silang kumain.

Kung siguro hindi naging kami ni Xander ay matutuwa pa ako sa kanilang dalawa kasi sobrang sweet nila. Parang in love na in love sila sa isa't isa.

Posible bang nagbago na si Xander?

"Hoy! Renae, nong nangyari sa 'yo? Bakit bigla-bigla ka na lang umiiyak?"

Napabalik ako sa kasalukuyan dahil sa tanong ni Alliah. Ngumiti ako sa kan'ya, "Wala ito, tears of joy lang. Kasi diba sa wakas college na tayo next academic year," palusot ko.

Mukhang naniwala naman siya dahil tumango ito. Sakto namang bumalik na si Tita mula sa washroom kaya ako naman ang nagpaalam na pupunta rin ako roon.

Mabilis akong naglakad habang nakayuko. Ayokong makita ako ni Xander.

Dahil sa nakayuko ako ay hindi ko masyadong makita ang dinadaan ko. Idagdag pa ang nanlalabo kong mga mata dahil sa mga nagbabadyang tumulong mga luha.

Paliko na sana ako papunta sa washroom namg bumangga ako sa isang matigas na pader.

Hindi pala pader.

Nag-angat ako ng tingin nang makita kong isa itong dibdib ng lalaki. Matipunong dibdib.

Muling sumalubong sa akin ang isang pares na magagandang mata. Bumilis ang tibok ng puso ko. Marahil ay dahil sa pagkabigla. Siya na naman.

Bakit ba kung nasaan si Xander ay narito rin siya?

Hindi ko namalayan na tinitigan ko na pala siya kung hindi pa niya ako hinawakan sa pisngi at tila may pinapahid paalis.

"Umiiyak ka na naman," sambit niya.

Dala ng pagkabigla, hinawi ko ang kan'yang kamay. Kinapa ko ang aking mukha upang pahirin ang mga luha. Hindi ko na naman namalayan na napaluha na pala ako.

Bakit ba palaging wala ako sa sarili kapag nariyan siya?

Bago pa siya muling makapagsalita ay tinalikuran ko na siya, at mabilis na naglakad pabalik kila Alliah. Nagbago na ang isip ko, ayaw ko na palang pumunta sa washroom.

Ayaw ko na ulit siyang masalubong, makausap o makita.

Hindi ko alam kung bakit pero mukhamg hindi ko magugustuhan ang mangyayari kapag nagpagtuloy ito.

At isa pa, hindi ko naman siya kilala.

"Ang bilis mo naman yata, Iha?" tanong ni Tita habang bimabasa ang nasa menu.

Tipid akong ngumiti sa kan'ya. "Ayaw ko po kayong paghintayin, baka nagugutom na po kayo, eh."

"Sus, ang thoughtful mo pala, Renae," ngisi sa akin ni Alliah na dinilaan ko lamang.

Natawa naman si Tita at tinanong na kami kung ano ang gusto namin.

Habang inaagaw ni Tita ang atensyon ng waiter ay napalingon naman ako sa bandang washroom.

Wala na siya roon.

Teka, ano ba itong naiisip ko? Bakit sa kan'ya na napunta ang atensyon ko?

Parang nakalimutan ko atang narito rin sila Xander at ang bago niya?

"Good afternoon, Ma'am. May I take your orders?"

The Faded Spark | TID #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon