Muli ay itinuon ko uli ang aking atensyon sa unknown number at sa mga sinabi ni Gerry noong nakaraang araw na hindi niya naman naituloy.Siguro iyan rin ang sasabihin niya sa akin kagabi bago naputol ang linya pero kung mahal niya ako bakit dineadma nya ako noon?Posible ba talagang magkagusto si Gerry sa akin?

Ang daming tanong,kelan kaya matatapos ang mga katanungan na ito?Hindi nagtagal habang ako'y nagmumuni-muni simingit na naman si Will sa eksena.

Ai naku,insan malalim na naman yang iniisip m baka naman malunod ka niyan?-ang mapang-asar na sabi ni Will.

Hindi na lang ako kumibo at dumiretso na lang ako sa banyo para maligo nang matapos ako ay tinawagan ko si jona para yayain sanang mag lunch kaso ay may commitments siya sa araw na iyon,kaya naman ay nagpasya na lang ako na magpuntang mag-isa.

Pagkarating ko sa restaurant na kakainan ko ay nakita ko si Gerry na saktong umuoorder naman ng kanyang kakainin, nakaputi ito ng t-shirt na medyo hapit sa kanyang katawan kaya naman ay kitang kita ang hulma ng kanyang magandang pangangatawan.Isang maaliwalas na naman na ngiti ang ibinungad niya sa akin nang makita niya ako.

Who's with you ang tanong sakin ni Gerry.

Sinagot ko siya ng wala at ako lang mag isa.

Niyaya ako ni Gerry na kung maari mag isang table na lang kame since wala rin naman siyang kasama at agad naman akong pumayag.

Nag open si Gerry ng topic na pareho naming pinag usapan,Napansin niya ding maalawalis ang aura ko ngayon at tinanong kung meron na daw bang nag papasaya sa akin.

Sinagot ko siya ng wala at dinugtungan ko pa ng"alam m to be honest ang daming gumugulo sa isip ko ngayon,tulad ng pamilya,si Jeff na dati kong kaklase at ikaw...

Biglang nanlamig ang pangangatawan ko nang mga oras na iyon,ramdam na ramdam ko ang malamig na pawis na lumalabas sa aking balat.

Kinakabahan ako at nahihiya sa kanya...

Tumingin ako kay Gerry, at mas lalong nadagdagan ang hiya ko nang makita kong nakatitig siya sa mga mata ko habang binibigyan ako ng mapang -asar na ngiti,Grabe ang pula pula ng mga labi niya at ang ganda din ng mga ngipin nito,nakakapanghina.

Bigla niya akong tinanong kung bakit kasali siya sa mga gumugulo sa isip ko at bigla tuloy na parang may lumabas na pop-out sa utak ko na nagsasabing"jusko tekki,why don't you just evaporate!nakakahiya"

Saktong habang nakatitig ako sa mga labi ni Gerry,nakita kong muling bumuka ang mga ito na tila bang may sasabihin uli.Nang mga puntong iyon parang bumalik uli ang mga nararamdaman ko kay Gerry.

At dahil hindi ako tumugon sa tanong niya,hindi nagtagal ay muli niya akong tinanong habang naka ngisi na parang aso na tila binubwisit ako lalo pero sa mga oras na ito unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko.

Nanatili akong walang kibo.Sa oras na ito ay may kilig akong naramdaman .Hindi nagtagal ay parang nawala ang mga tao sa paligid bigla akong napapikit,napakapit ang mga kamay ko sa tagiliran ko at medyo ininguso ko ang mga labi ko.

Sumilip ako ng bahagya at nakita kong mga kalahating dangkal na lang ang layo ng mukha niya mula aking mukha.

Hayan na siya tekki hahalikan ka na,kontrolin m ang sarili mo.Saktong ididilat ko na ang mga mata ko at itutulak ko sana siya ng palayo nang bigla kong narinig

Na...........

"AKALA KO KANIN,MUTA PALA"ang sabi ni Gerry na sinabayan pa ng papigil na tawa.

Lalo na naman akong nanghina nang marinig ko ang mga sinabe ni Gerry.Ang pakiramdam ko ay kumukulo ang aking tiyan na para bang napaka raming paro-paro ang nagliliparan dito at sa sobrang pagkahiya ko ay yumuko na lang ako.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Where stories live. Discover now