Chapter 50: See me after class

Start from the beginning
                                    

Bakit ba siya nandito?

At bakit pa niya ako tinutulungan?

Itinapon ako nung dalawang lalaking naghahawak sa 'kin kaya tumama ang likod ko sa sahig sa hindi maganda posisyon.

Sinugod nila si Nathan. Nakatayo siya sa gitna na para bang hinihintay talagang umatake ang dalawang susugod sa kanya. Masyadong mabilis ang pangyayari, 'yung anim na lalaki ay nasa sahig na.

"'Wag... tama na.. huwag kang lalapit sa 'kin. Lahat ng yaman ko, ibibigay ko sa 'yo, 'wag mo lang akong lapitan! Aaaahhh..." Inapakan ni Nathan 'yung dibdib niya.

"I don't need your damn trash!" Pinagbubugbog niya 'yung lalaki.

Natatakot ako. Papatayin ba niya 'yung lalaki sa bugbog? Kahit kalian, ayaw kong makita si Nathan na ganito. Nathan...

"Naaaattthhhaaaannn!" buong pwersang sigaw ko. Napatigil naman siya. Wala ng malay 'yung lalaki. Hindi ko alam pero sana ganun na nga lang, huwag naman sana siyang mamatay. May bali pa ang kamay niya.

Pinilit kong tumayo. "Nathan, tama na."

Naiiyak na ako. Natatakot ako. Ayoko siyang makita sa ganyang kalagayan. Hindi ko gustong makita siyang nakapatay ng tao.

Lumapit siya sa 'kin.. Hinawakan niya ako sa balikat nang mawala ang balanse ko sa paglalakad.

"Idiot. Tumakbo ka na lang sana kaysa nakipaglaban pa."

"N-nathan." Niyakap niya ako.

Pagkakataon ko na. Pagkakataon ko na para maitanong sa kanya kung ano ang nangyari sa aming dalawa. Gusto kong malaman. Gustung-gusto.

Ngunit hindi umaayon ang katawan ko sa gusto ng utak ko.

Nawalan ako nang malay habang yakap niya.

***

Nagising ako at agad na naramdaman ang sakit ng katawan. Teka, nasaan ba ako? Nanlaki ang mga mata ko nang maging pamilyar na ako sa kwarto. Shemay! Alam ko 'to ah! Hindi kaya...

"What the hell are you all doing?! Move! Bilisan niyo kung ayaw ninyong mawalan ng trabaho!" Narinig ko ang boses ni Nathan sa labas ng kwarto. Tama ako, nandito nga ako sa mansion nila.

"Aish!" Inis na pumasok si Nathan sa loob. Nagulat siya nang madatnan niya akong gising. Kumalma 'yung mukha niyang galit kanina at tumingin sa ibang direksyon.

"Are... are you alright?" tanong niya pero nananatili pa ring hindi nakatingin sa 'kin.

"Medyo ayos na ako." Oo, medyo lang. Ang sakit kaya ng katawan ko!

Narinig ko ang pagmura niya. Napahilamos pa siya ng mukha at agad na hinawakan ang door knob.

"Teka Nathan, saan ka pupunta?"

"I'm gonna kill those fcking bastards." Nanginginig 'yung kamay niya sa galit.

Naupo ako nang marahan sa kama. Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa lap ko at tinitigan siya.

"Pero... bakit?" mahina kong sabi.

Natigilan siya sa tanong ko.

"That's none of your business."

"None of my business?" gulat kong tanong. Hindi ko inaasahan ang isasagot niya kaya napatingin ako sa kanya nang may magulong expression. "Kung ganun... bakit ka biglang dumating at tinulungan ako?"

"Nagkataon lang ang lahat." Bigla siyang bumalik sa pagiging cold niya sa 'kin.

"Nathan..."

"Kapag ayos ka na, pwede ka nang umalis. Nagamot naman na ang mga sugat mo. 'Yung cellphone mo, nasa side table lang." He smirked. "Nagpalit pala kayo ni Tristan ng cellphone?" Tiningnan niya ang cellphone ni Tristan.

"Walang ibig sabihin—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil na-interrupt na niya ito.

"I don't give a damn, Mika. It's up to you."

Bawat salita niya, parang mga bala ng baril na tumatagos sa katawan ko. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganito sa 'kin. Tama bang pagkatapos ng lahat ay tatratuhin na lang niya ako na parang hindi niya nakilala? Na parang wala man lang kaming pinagsamahan?

Biglang may pumasok na maid na tarantang-taranta.

"S-sir, heto na po ang pagkain," sabi nung maid.

"Ilagay mo na lang dyan," sabi ni Nathan sabay alis.

Gusto ko pa sana siyang tawagin pero mukhang ayaw na niyang makipag-usap sa akin.

"Psh. Ang sungit talaga ng amo ko. Kanina, tarantang-taranta na akala niya mamamatay ka na. Napaka-OA! Tapos ngayon naman, daig pa ang parang yelo sa lamig," sabi nung maid.

"Natataranta siya?" tanong ko.

"Opo, ma'am. Sobrang nag-alala siya sa inyo kanina."

Umalis naman 'yung maid matapos akong ipaghanda ng pagkain. Wala akong ganang kumain kaya lumabas ako ng silid dala ang cellphone ni Tristan.

Nagmasid ako sa paligid. Ang laki talaga ng buong mansion na ito. Maliligaw ka kapag hindi mo kabisado ang daan.

Tulad ko, nasaan na ba ako?

"God dammit, Andrea!"

Nagtago ako nang marinig ko ang boses ni Nathan. Sinilip ko siya, nakatalikod siya sa 'kin habang may kausap sa phone. Si Andrea iyon dahil narinig ko ang pangalan niya. May LQ ba sila?

"I told you, I'll be back in a week...." Bigla siyang naging seryoso.

Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Babalik na si Nathan sa Canada pagkatapos ng isang linggo? Naluha na naman ako. Ang sakit na talaga. Sana hindi na lang siya nagpakita sa akin.

Tumakbo ako palayo sa kanya. Gusto ko nang umalis sa bahay na ito. Sa simula pa lang, dapat hindi na ako napunta dito.

Ayoko na... Ayoko nang masakatan.

"Ma'am, saan po kayo pupunta?!"

Hinabol ako ng butler na si Greg. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pagtakbo. Ang mahalaga ay makaalis ako sa lugar na ito.

Kinabukasan, naging matamlay ang buong maghapon ko. Nakita ko si Nathan pero parang walang nangyari. Ni hindi niya ako magawang tingnan kahit sandali lang. Hindi na pumupunta ng third floor si Tristan dahil alam niyang magkakasalubong lang sila ni Nathan, at baka pagmulan pa ng away.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ganun si Nathan," sabi ni Nix habang magkausap kami sa corridor.

"Dapat pa ba siyang intindihin?" sabi ko.

"Pinipilit siyang samahan ni Arden pero siya mismo 'yung lumalayo. Ano bang problema ng ex mo?"

"Aba, malay ko, 'yung sa 'kin nga bigla na lang akong iniwan sa ere eh." Napilit ako ni Nicole na sabihin sa kanya ang mga nangyari kaya may alam na siya ngayon.

"Hindi kaya may dahilan? Hindi naman siya magkakaganyan kung wala, 'di ba?"

"Ewan ko, tara na nga sa classroom."

Mukha lang akong walang pakialam pero mamamatay na talaga ako sa kakaisip kung ano ang problema niya. Ano kaya ang eksena sa loob ng classroom nina Tristan? 'Di ba magkakasama silang tatlo dun? Haaay.

Lumipas ang mga araw. At araw-araw ay gigising ako na parang laging may kulang, nakikita ko siya pero parang ang layo niya sa 'kin. Hanggang sa dumating ang araw na alam kong pabalik na si Nathan sa Canada kinabukasan. Kung aalis din pala siya, sana hindi na siya nagpakita! Leche, okay na ako kay Tristan eh!

Tahimik ang buong eskwelahan nang dumating ako, napaaga siguro ako ng pasok. Nang mapadaan ako sa gym, nagulat ako sa aking nakita—may malaking tarpaulin na may nakasulat na...

"SEE ME AFTER CLASS AT THE ROOFTOP." -Tristan

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Where stories live. Discover now