Chapter 6

88.1K 1.6K 109
                                    

Buti na lang talaga at hindi ako nakita nina Nathan. Andito kami sa mall ni Nicole, naghahanap kami ng damit na isusuot para bukas. Grabe! Sayang! Kung hindi lang sa katangahan ko edi sana narinig ko na kung paano kumanta si Nathan! Feeling ko kasi maganda ang boses nya. Waaahhh! Gusto ko sya makasama kumanta someday!

“Buti na lang hindi nila tayo nakita! Galing ko talaga!” sabi ko nang pumasok kami sa isang boutiqe na puro pang formal dress lang ang meron.

“Ano kayang magaling dun?” Tanong ni Nicole habang nagtitingin ng mga damit. Ako naman ay nakabuntot lang sa kanya.

“Bakit? Dahil nasayang ang adobo na ginawa ko?”

“Hindi! Eh syempre alam nilang ikaw ang magdadala ng adobo sa kanila, natural pag nakita nila yun ikaw agad ang maiisip nila.”

“Ay!”  Napahampas ako noo ko. “Oo nga ano! Tsk! Ang galing mo talaga, Nix!”

“Hay... Nicole na lang kasi ang itawag mo sakin, ang ganda ng pangalan ko then gagawin mong Nix?”

“Yaan mo na! Hahaha! Gusto ko Nix eh. Pati tinatawag naman kaya kitang Nicole minsan!”

“Ewan ko sayo— AHA!” Sigaw nya nang makita ang isang dress. “Kyaaaah! Ang ganda!”

“Ahh. Maganda nga, sukatin mo na para makita natin kung bagay.” I said while looking for the tag price. And when I found it...

“Whaaaaaaaaat?! Ang mahal naman nyan! Ano ba yan?! Yari ba yan sa ginto?!”

What the eff! Bat ang mahal naman nun?! I won’t tell the price. Pero super duper mahal! Anong problema sa mundong ito? Grabe naman!

“Hahaha! Okay lang yun, Mika. At isa pa, I won’t fit this kasi ikaw ang magta-try nyan. Go on... try it. I bet, Bagay sayo yan!” sabi nya habang inilalapat sakin yung dress.

Napaatras tuloy ako at umiling... “Nicole, alam mo ba yung salitang mahirap? Baka hindi mo alam... Hello? Ako yun.”

“Hay nako! Isuot mo na lang yan! Ako naman magbabayad eh! Pati may isusuot ka na ba ha? Wala pa di ba?” sabi nya habang hinihila ako papuntang dressing room. Itinulak na nya ako papasok.

Try ko rin i-fit. Pati sinabi naman niya na sya naman ang magbabayad di ba? Kahit na nakakahiya, kakapalan ko na ang mukha ko dahil birthday yun ni Nathan. Kailangan maging okay naman ang itsura ko ano?

Buti pa nga si Nix eh. Ang ganda nya, maputi, sexy at mayaman. Tapos may golden brown hair pa sya. Oh di ba package? Hay. Sabi nila maganda rin daw ako. Pero iba pa rin sila eh. Parang di ako belong? Aish ewan!

Tinitigan ko ang sarili ko sa malaking salamin matapos kong isuot ang dress na ito. Inayos ko pa nang kaunti ang maikli kong buhok.

A-ako ba 'to?

Hinaplos ko ang damit.. napakaganda. Royale blue with a touch of silver. Wow. I... I look beautiful.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon