Chapter 1

144K 2K 153
                                    

"Ano ba naman Nicole! Ang tagal mo! Wala ka na bang mas ibibilis pa? Lagot ka talaga sa akin kapag hindi ko nakita si Nathan!" Sabi ko sa kararating kong kaibigan. Hinila ko na agad sya at sabay kaming tumakbo papuntang sakayan ng tricycle.

"Dahan dahan lang naman Mika! Para namang mauubusan ka ng Nathan mo eh!" Sabi nya habang hila-hila ko yung kanang kamay nya. Sumakay na agad kami ng tricycle. Wala kasing dumadaan na dyip sa barangay namin kaya tricycle lang ang meron. Kilangan mo pa pumunta sa may pangalawang kanto mula sa bahay namin dahil doon lamang naman ang pilahan ng mga tricycle.

Kailangan ko makita si Nathan sa unang araw ng pasukan. Ayaw ko naman magpahuli dahil sa mga oras na ito ay siguradong madami ng mga tao sa school. Nakakainis nga noong last year kasi late ako. Ano bang malay ko na may magta-transfer palang Jonathan Smith sa St. Luke's? Third year high school ako nang magsimula akong humanga sa kanya. Galing pa siyang New York at isang sikat na modelo roon ang kanyang ama kaya naman hindi maipagkakaila ang kagwapuhan niya.

Ang buhok niya.. Ang kulay itim niyang mata na parang nangungusap.. Ang matangos niyang ilong.. at ang mapula-pula niyang labi. Waaah! Excited na ako makita sya! NATHAN KO HINTAYIN MO AKO!!

At katulad na nga nang inaasahan ko ay madami na agad na mga babae sa labas ng gate. Nagkakagulo sila at may hawak pang banner yung ilan sa kanila. Nakita ko din na may dala silang iba’t ibang regalo kay Nathan. Hindi ko na din naman ikinagulat na may banner na “THREE PRINCE”. Sikat din ang dalawa pa nitong miyembro pero last year daw ay hindi sila pumasok kaya walang nakakaalam kung papasok sila ngayon.

"Tara na Nicole!" Nakisiksik na ako sa mga babae. Yung iba nga siniko ko na para lang umalis. Gusto ko kasi nasa may pinaka una ako. Hehe! Kahit malaki ang gate ng academy ay tinalo pa rin ito sa sobrang dami ng mga tao. Kahit kasi mga freshmen inaabangan na rin sila. Ganun na rin ang sophomores, juniors at syempre kaming mga seniors.
Waaaah! Mas lalo kaming nagkagulo nang makita namin ang isang magarang pulang sasakyan.

Si Nathan na yan!

Nakakainis naman kasi tinted yung sasakyan! Yung kaninang parang stampede sa sobrang gulo ay nahawi sa gitna. Nagbukas na yung gate kaya naman sumunod na kami. Syempre nandoon sa loob ang prinsipe ko!

"OMG! He’s here na! He’s here!" Sigaw ng katabi ko.

Hindi ko na nga nakita si Nicole. Hinayaan ko na lang at umuna na agad ako sa mga tao. Gusto ko kasi nasa pinakauna ako. Nakisiksik pa talaga ako para kung sakali ay makikita ko nang malapitan si Nathan. At kung suswertehin naman ay mapapansin niya ako sa aking pwesto. Ang lakas na nang sigawan ng mga babae. Pero syempre kasama din ako sa nakikisigaw. Haha!

Bakit kaya hindi na lang mag artista si Nathan? Kung ngayon pa nga lang ang dami na niyang fans diba? Ang cool nun! Makikita ko siya sa TV! Pero napaisip naman ako, mas okay na naman ang ganito kasi mas lalong dadami ang kaagaw ko sa kanya. Psh! Ang galing ko talaga. Naisip ko yun!

Bumukas na yung pinto ng driver’s seat.. Hindi na ako makatiis! Excited na ako! Malapit na siya bumaba at makikita ko na naman ang handsome face nya! Kung alam lang nya na sobrang namiss ko siya noong bakasyon.. Hay..

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon