Chapter 8

80.4K 1.4K 77
                                    

“Mmmm.”

Hay. Ang sarap talaga matulog. Ito ang paborito kong gawin tuwing Math Class. Ang bango! Ang lambot ng kama ko ngayon. Niyakap ko pa nang mahigpit ang hawak kong unan. Ang sarap kagatin.

  

“Aaaaaaahhhhhhh!” sigaw ng isang lalaki kaya napamulat na ako. Itinulak nya ako kaya nahulog ako sa kama. Ang sakit ng pwetan ko pati na rin ng ulo ko.

“Ahhhhhhh! Sakit!” sabay sabi naming pareho. Sino ba naman kasi itong lalaki na nasa loob ng kwarto ko?! Masama ko siyang tiningnan pero agad na napawi ang masama kong tingin nang mapagtanto kung sino ang nasa harap ko.

“Nathan?!” naguguluhang tanong ko nang makita siya. Teka, anong ginagawa niya dito at bakit magkasama kami sa iisang kwarto?! 

“Ouch! Darn it!” utas niya. Hawak pa nya ang tenga nya sa sobrang sakit. Masakit din ang ulo ko pero di ko na iyon pinansin dahil mukhang may masakit kay Nathan. Waaahh! Ano nangyari sa kanya?! 

“Nathan, ano nangyari sayo?” Agad akong lumapit sa kanya pero inihara niya ang kamay niya sa akin at pinalayo ako.

“Bakit? Tutulungan lang kita.” 

“You...” duro nya sakin. “Huwag ka lumapit sakin.” sabi nya habang hawak pa rin ng isa nyang kamay ang kanyang tenga.

“Ano ba kasi ang nangyari sayo?” Naaawa ako sa lagay nya. Nakita ko kanina na ang pula ng tenga nya. 

“Hindi mo alam?! Kinagat mo ang tenga ko! Ow!” 

“Ah yun ba— Ano?! Ako?!” Tinuro ko ang sarili ko. 

“Oo nga sabi! Aish!” Paano nangyari yun?!

Hindi na ako kinausap ni Nathan nang mga sumunod na minuto. Nakakalungkot naman, kahit sulyap ay wala talaga. Kapag nagbabalak akong kausapin siya ay sinasamaan nya lang ako nang tingin kaya nananahimik na lang ako.

Tumayo sya para i-check kung okay na yung pinto pero naka-lock pa rin. Lalo tuloy siyang nainis. Umupo sya sa kabilang side ng kama then nung lalapit ako sa kanya para i-approach siyang muli ay lumipat sya sa sofa. 

Teka? May sofa naman pala ah?

Bigla akong namula nang may marealize ako. Gustong kong gumulong ng gumulong sa kama pero hindi ko magawa dahil nakakahiya sa prinsipe ko. Magkatabi pala kaming natulog ni Nathan! Nasa iisang kama kami! Hinawakan ko ang mukha ko na pakiramdam ko ay sobrang pula na.

“Hoy Amazona! Bakit ganyan ang mukha mo? Siguro pinagnanasahan mo na ako dyan sa utak mo ano?” Halata ba? I mean... halata bang siya naiisip ko? Pero hindi naman ako nagnanasa sa kanya! Medyo lang.

“Ah kasi Nathan... Naisip ko lang. A-anong nangyari kagabi?” Napalagok ako nang laway sa mga ideyang kusang pumapasok sa aking inosenteng utak. Ano ba naman itong mga naiisip ko?! 

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon