Chapter 31: Trust Nathan

59.2K 1.1K 133
                                    

(Mika's P.O.V.)

Maaga akong nagising. Mayamaya, nag-ayos na ako ng sarili para sa pagpasok sa school. Dati, may naghihintay pa sa akin sa labas ng bahay. Pero ngayong wala si Nicole, nami-miss ko ang mga ginagawa namin dati bago pumasok. Mabuti na lang at lumipat na talaga siya sa subdivision nila. Hindi naman kasi nababagay ang isang tulad niya sa lugar na ito.

Pagkalabas ko ng bahay ay nagulat ako sa nakatambad sa harapan ko. Nakaupo si Nathan sa sahig habang natutulog. Nakataas ang isa niyang paa na nagsisilbing patungan ng isa niyang kamay. Anong ginagawa niya rito nang ganito kaaga?!

"Moo." Hindi siya nagising kaya umupo ako at tinapik siya. "Moo, ba't ang aga mong pumunta rito? Sana kinatok mo kami kanina."

"Dito ako natulog kagabi," straight face niyang sabi.

"Ano?! Bakit hindi ka tumawag sa akin?! Tsk! Baka magkasakit ka eh!" Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay naglakad na siya palayo kaya sumunod na ako.

"Ihahatid kita sa school. Pagkatapos ay uuwi muna ako sa bahay."

"Hindi ka papasok?"

"I need to sleep."

"Eh bakit ba kasi—" Tiningnan niya ako nang masama.

"I badly need it. Just keep your mouth shut, okay?"

Tumahimik na lang ako dahil iyon ang gusto niya. Naka-park ang sasakyan niya sa may kanto na kasalukuyang pinagpepyestahan ng mga taong nakatira rito. Manghang-mangha sila sa magarang sasakyan ni Nathan.

Habang nagda-drive siya ay napansin ko ang pagod sa kanyang mukha. May nangyari ba? Gusto kong itanong kung bakit siya natulog sa harap ng bahay namin nang hindi man lang sinasabi sa akin. Haay. Pero hindi ko siya makausap nang matino.

***

"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ko kay Tristan nang makita ko siya sa school. May cut ang labi niya at may band-aid siya sa pisngi at noo.

"Napaaway. Hindi ba sinabi sa 'yo ni Nathan? Pumunta siya sa bahay niyo kagabi ah?"

"Wait, ano ba talaga ang nangyari? Pagkalabas ko ng bahay namin, nagulat na lang ako kasi natutulog siya sa harap ng bahay." Humalakhak si Tristan na halos maluluha na sa kakatawa.

"Unbelievable! Talagang natulog siya sa harap ng bahay niyo para bantayan ka? Ibang klase ka talaga. Mahal na mahal ka talaga ng taong 'yun."

"Bakit kailangan niya akong bantayan?"

"Alam ko nang may mali noong inihatid kita. May inutusan si Drew para kunin ka. Dumating sina Arden at Nathan para tumulong sa akin kagabi."

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin tumitigil si Drew. Bakit ako ang pakay niya? Hindi na namin siya pinapakialamanan ah? Akala ko ba sa Battle of the Bands na lang sila magtutuos?

(Drew's P.O.V.)

Nasa music room kami sa loob ng bahay ni Alexis. Dito kami malimit mag-practice kasama si Anne, ang manager namin.

Siya 'yung manager na kumukuha kay Nathan noon pero tinanggihan siya nito. Nang inalok ako ni Manager Anne, sinamantala ko iyon para makapaghiganti balang araw.

May pinagtatalunan kami ng grupo ko ngayon. Nakakabwisit kasi si Alexis!

"G*go ka! Bakit kailangan mo pang makialam sa plano ko?!" Itinulak ko siya nang malakas kaya napikon siya at akmang susuntukin ako pero napigilan siya nina Alvin at Jap.

"Ayoko lang na may mangyayaring gulo! Malapit na ang Battle of the Bands at ayokong maperwisyo dahil sa kag*guhan ng mga inutusan mo! Palpak sila sa pagkuha sa babae kaya napagdiskitahan na lang nila ang isang member ng Three Prince!"

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon