Chapter 26: I need a job

59.9K 1K 118
                                    

(Mika's P.O.V.)

Three weeks na ang nakakalipas matapos ang pangyayaring 'yun—na ang inaakala kong kaibigan na si Drew ay isa pa lang kaaway.

What to do? Todo practice tuloy sina Nathan ko ngayon sa J.S Building. Minsan nga eh dun na sila natutulog sa third floor. Nanunood ako ngayon ng practice nila. Iba-iba ang mga kinakanta ni Nathan dahil hindi sila makapili nang maayos na kanta na ipanglalaban.

Mainit ang ulo ni Nathan. Wala akong magawa kaya pinapanood ko na lang ang pag-aaway nilang tatlo. Eto na naman sila. Haaaay.

"Maganda nga sabi 'yung huling kinanta natin kahapon, dude!" sabi ni Arden.

"Nakakasawa na 'yun! Iba naman!" sagot naman ni Tristan.

"Maganda naman iyon ah? Astig pa! Ang bulok mo lang pumili ng kanta!"

"Pang-emo iyon! Palibhasa emo ka!"

"Asa dude, asa!"

"Hindi nga ba? Eh ano 'yung nakita ko noong isang araw na mag-isa ka sa garden?" sabay tawa ni Tristan.

Haay... ang kukulit nila. 'Yung boyfriend ko naman, nakaupo lang sa gitna nila at nagtitingin ng mga pyesa. Dala niya rin ang guitar niya. Wow! Akala ko, hindi siya marunong kasi puro kanta lang ang nakikita ko sa kanya noon. Ngayon, may guitar na rin siyang hawak!

"Ah! Tumahimik nga kayo! Ang ingay niyo!"

Lumipat si Moo sa pwesto ko. Tumabi siya sa akin pero hindi niya ako pinapansin dahil nagco-concentrate siya sa paghahanap ng kanta.

Nag-suggest ako sa kanya ng mga alam kong kanta at banda pero hindi raw niya type ang mga ganoong kanta.

"Aish! Wala akong mapili. Bukas na lang uli tayo mag-practice. Same time!" sabi niya sa dalawa.

"Haay! Mabuti naman!" nakangiting sabi ni Arden. Tumayo na siya at itinago ang drumsticks niya sa kanyang bag. Napatingin siya sa 'kin at nag-peace sign.

"Tss!" sabi ko sabay irap.

=Flashback=

"Hoy, Arden!"

"Hello, Amazona Gi—" Tumalsik siya sa lakas ng suntok ko.

"Hoy, lalaki! At sinong nagsabi sa 'yo na paiyakin mo ang best friend ko ha? Bwisit ka! Sinasabi ko na nga ba't papaiyakin mo lang si Nicole! Alam mo bang iyak siya nang iyak?!"

Tahimik lang siya at hindi gumagalaw sa kanyang pwesto nang makatayo.

"Alam mo, nasaktan iyon eh. Nasaktan na iyon dati. Pati ba naman sa 'yo, masasaktan din siya? Ibang klase! Kaya ayaw ko ang pagiging malapit niyo sa isa't isa eh!"

"Sorry."

"Sorry?! Anong magagawa ng sorry mo kung nasasaktan naman ang best friend ko dahil sa kag*guhan mo?!"

"Hindi ko gustong masaktan siya, Mika."

"Alam mo, wala na! Kahit ano pang sabihin mo, wala na! Kasi nasaktan na siya!"

Paalis na ako nang bigla niyang hinawakan ang balikat ko kaya naman sinuntok ko uli siya sa kabilang side ng mukha niya.

"Ano, lapit pa?"

"Thank you," nakangiting sabi niya.

Ano raw? Nabaliw na ba siya sa suntok ko? Bakit naman siya magpapasalamat sa 'kin? Kung alam ko lang na gusto niya ang suntok ko edi sana dinamihan ko pa.

Hinawakan niya ang mukha niya at saka umalis.

"Leche ka talaga!!!" sigaw ko.

=End of flashback=

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon