Chapter 32: Diary

56.4K 1K 101
                                    

[Battle of the Bands – First elimination round; 7:35 pm]

Alas-sais pa lang pero marami na agad ang mga taong naghihintay. Malaki pala ang lugar na ito. Mabuti na lang at maaga kami dumating ni Nicole kung hindi ay siguradong mahihirapan kaming makapasok dahil sa haba ng pila sa entrance.

"Patingin-tingin ka dyan eh nandun lang naman si Arden sa backstage. Naghahanap ka agad ng pagseselosan," sabi ko kay Nix.

"Hindi naman sa ganun. Tinitingnan ko lang kung may nilalandi siyang babae."

"Gano'n na rin 'yun. Naghahanap ka ng pagseselosan. Huwag kang mag-alala dahil good boy na naman iyon."

Opo, mga kapatid, mga kaibigan, mga kapamilya, kapuso, kaberks at lahat na. Okay na ako kung gusto talaga nilang dalawa ang isa't isa. Nakita ko kasi kung paano manligaw si Arden. Sobrang pursigido talaga. Ang swerte nga ni Nicole eh. Hindi ko pa kasi nararanasan na maligawan dahil ako ang nanligaw kay Nathan.

Nasa backstage na ang Three Prince at ang lahat ng mga bandang kasali. Panghuling magpe-perform ang Three Prince kaya mas matagal pa ang time nila na makapaghanda.

Sa sobrang dami ng tao ay daig pa nito ang concert. Nasa may bandang gitna kami kaya madaling makita ang mga bandang magpe-perform. May grupo ng mga kababaihan na papunta rito na may dalang malalaking banner. Nagmistulang artista ang Three Prince. Nakakatuwa naman na ang dami nilang supporters. Nakita ko pa ang isang malaking picture ni Moo sa tarpaulin na ipinagawa nila.

May hawak pang tambol 'yung isang babae at nakasuot ito ng parang sa isang cheerleader. Kapansin-pansin siya dahil siya lang ang bukod tanging ganun ang suot. Tumalikod siya at kinausap ang mga kasama kaya nakita ko na ang nakasulat sa likod ng kanyang damit ay... 'CRUNCHH'

"Okay, girls! Hindi magpapatalo ang supporters ng Three Prince, tama ba?!" sabi ng babaeng nakasuot ng pang-cheerleader na damit.

"Tama!" they all said in unison. Sobrang dami nila!

"Bukod sa Three Prince ang pinakamagaling, tayo rin ang pinakamaganda dito, tama ba?!"

"Tama! Wohooo!"

Ang ingay nila. Nakita ko rin ang iba't ibang pictures nina Arden at Tristan sa tarpaulin. At napansin ko namang nagngingitngit na sa galit at selos si Nicole.

"Wait lang Nix ha? I need to pee."

"Ha? Bilisan mo. Malapit nang magsimula."

"Oo. Basta wait lang."

After kong mag-pee, lumabas na agad ako ng CR. Sobrang dami talagang tao. Sa pagmamadali kong makarating sa pwesto ko kanina, may nabunggo akong mga babae.

"Ay, sorry po." sabi ko.

"Okay lang 'yun. Sorry rin." Napatingin ako sa damit ng mga babae.

THREE PRINCE.

"Fan kayo ng Three Prince?"

"Oo, bakit? Anti-Three Prince ka ba?" Nagbago 'yung aura nila, iyong kaninang mababait ay nakakatakot na!

"Ah! Hindi ah! Fan ako ng Three Prince!" Psh! Girlfriend pa nga ako ng leader eh. Mehehe!

"Talaga? Mabuti naman. Sigurado akong mananalo sila kung gano'n."

Hinawakan nung babae ang kamay ko at masayang-masayang nagtatatalon.

"Ako nga pala si Micqueen. At itong mga kasama ko ay sina Schire, Hannah, Cindy, Pau, Earl, Eunice, Czarina, Erine, Joco, Angelica, Andrea, Kathreen, at Novey."

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon