Napansin kong maaga pa talaga at ayaw kong tumambay sa labas ng classroom ng unang subject ko. Pinasya kong umupo sa tambayan namin.

Kilala ang UP sa dami ng frat, sorrority at mga organizations na mayroon dito. Halos bawat frat, soro at org ay may kanya-kanyang tambayan sa loob ng campus. May mga nagkalat ng kumpol ng mga benches sa buong campus at halos lahat na ng benches doon ay pagmamay-ari ng mga frat, soro o di kaya ay org. At hindi mo gagawing basta na lamang umupo sa bench maliban na lang kung handa kang mabugbog ng mga fratmen o kaya ay nais mong sumapi sa kanila. May pagka-territorial kasi ang iba sa kanila. Kung benches naman ng mga orgs ang uupuan mo ay ok lang dahil karamihan naman sa kanila ay mababait at technically ay di naman talaga pagmamay-ari ng mga estudyanteng ito ang mga benches dahil provided iyon ng university. Naging parte na lang siguro ng kultura ng unibersidad na hindi mo iyon maaring basta na lang upuan. Isa iyan sa basic knowledge na dapat alam mo as a freshman para iwas gulo. Ipinagbabawal kasi sa university na sumali sa anumang uri ng org o samahan ang mga freshie.

Ako naman ay first year pa lang noon ay mayroon ng dalawang org. Mas masaya kasi kahit bawal. Kumbaga para sa akin ay ang org ko ang naging extra curricular ko habang nasa UP. Idagdag pa na marami silang maitutulong sayo sa pag-aaral. May mas matatanda kasi sayo doon na maaari mong pagtanungan at hingan ng tulong.

Halos 30 minutos din akong naupo sa tambayan namin. Simula ng lumabas ako ng apartment ko ay wala pa akong nakikitang kakilala. Wala rin akong nakitang orgmate na dumaan sa tambayan namin. Dahil don ay pinili ko nang puntahan ang classroom ko sa building ng Bio.

Labinglimang minuto bago magsimula ang klase ay nasa loob na ako ng classroom mayroon na din mangilan-ngilan na mga estudyanteng naroon. Pinili kong maupo sa may dulong bahagi ng laboratory table. Tatlong oras ang magiging klase ko rito ngunit sa tantya ko ay wala pa kaming gagawin ngayon kaya marahil ay pauwiin kami agad.

Dahil sa maaga pa naman ay pinili ko na munang magsulat sa dala kong notebook. Gumagawa ako ng schedule sa first page ng aking notebook. Narinig kong may umupo sa aking tabi ngunit hindi ko na ito nilingon pa. Nag-concentrate lamang ako sa paggamit ng aking id bilang ruler sa ginagawa kong schedule. Nagiging maingay na din sa loob ng silid, tanda na madami nang dumating. Wala akong balak na makigulo sa kanila.

Maya-maya ay biglang tumahimik ang paligid ngunit hindi ko na iyon binigyang pansin.

"Good morning everyone!", narinig ko ang pagbati ng aming lalaking instructor ngunit hindi ko itinigil ang aking pagsusulat dahil malapit na akong matapos.

"We will start the class once your classmate over there is done with whatever he is writing.", hindi ko alam na ako ang pinatutungkulan ng aming instructor since hindi nga ako nagtataas ng tingin.

"Tol, ikaw ata yung sinasabi ni sir.", siko sa akin ng aking katabi. Nagulat naman ako sa narinig, kaya agad kong sinara ang aking notebook.

"I'm sorry...", hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sa gulat sa aking nakita. I saw the guy i least expected, wanted, dreamed to see in this university. Nakaplaster sa mukha niya ang isang malapad na ngiting tila nang-iinis. Parang natutuwa siya sa nakitang reaksyon sa aking mukha.

Batid kong namumutla ako at nakanganga pa ang aking bibig kaya pilit ko itong isinara at sinubukang ibalik ang aking composure. Pakiramdam ko sa punto mismo na iyon ay gusto ko ng mag-drop sa subject na iyon. Hindi ko kakayanin ang tatlong oras sa isang linggo na kasama ang taong ito. Gusto kong tumayo at lumabas ng silid. Ngunit nawalan ng lakas ang aking mga tuhod.

"Very well, it looks like he's done. Before we move on, let me make sure we are on the same class.", mahinang nagtawanan ang mga babae sa harapan na halatang kinikilig sa may itsurang propesor.

Love. Sex. Insecurity. (LSI)Where stories live. Discover now