"Ha? Na-hit and run ako ma, tas may nagmalasakit lang na nagdala sa akin sa ospital.", pagsisinungaling ko.

"Nakita mo ba yung plaka ng kotse?", tanong naman sa akin ni papa.

"Hindi po eh, madilim na kasi non."

"Madilim o lasing ka na non?", pang-aasar ng bunso namin.

"Kuya, piktsuran kita. Post natin sa instagram.", singit ng kapatid kong babae.

"Tumigil ka nga. Wag mo ko idamay dyan. Ma yung helth care card ko nandun sa wallet sa bulsa ng pants ko. Makitanong naman sa nurse. Bayaran niyo na yung bill para makaalis na tayo dito."

"Sabi ba ng doktor, ok ka na?",alalang tanong sa akin ni mama.

"Hindi ko natanong eh. Pero sabi sa akin nung nurse small fracture lang naman daw. Tsaka feeling ko naman ok na ako."

"Sige. Pa, pacheck naman na para sa bahay na makapagpahinga si Kuya.", sabi ni mama kay papa. Agad naman lumabas si papa ng kwarto.

"Anak, nasaan pala yung tumulong sayo? At ng mapasalamatan man lang namin."

"Ah pinaalis ko na ma. May lakad din kasi ata siya. Pero nag-iwan naman ng number. Tawagan na lang natin pagdating natin sa bahay."

"Oh sige. Susundan ko lang ang papa mo. Hoy kayong dalawa wag niyo bwisitin ang kuya niyo. Balik din ako agad.", wika ni mama sa dalawa kong kapatid.

Mabuti na lang at hindi ako nasermunan. Kabaligtaran ng inaasahan ko. Buti na lang din at magaling ako magsinungaling. Di na sila masyado nag-usisa sa nangyari.

"Kuya birthday mo bukas may semento paa mo. Paano ka pa-party?", pang-iinis sa akin ng bunso kong kapatid.

"Problema ko na yun. Wala ba kayong dalang pagkain? Nagugutom na ako eh."

****Renz****

11:20 pm, Sunday

March 20

Maghapon ako nagkulong sa kwarto ko. Ayaw ko na may gawin na kahit ano. Buong maghapon ko ring sinisisi ang sarili ko sa mga nagawa ko kay Kyle. Na-realize ko na ang dami kong kasalanan sa kanya.

Nakadagdag pa sa sama ng loob ko na wala pa ring balita sila Gelo kay Kyle. Hindi na namin alam ang nangyari sa kanya matapos siyang umalis sa bahay nila Gelo.

Sinubukan ko siyang tawagan at i-text ngunit wala akong nakukuhang sagot mula sa kanya. Sa tindi ng lungkot at pagsisising nararamdaman ko ay kahit ang pag-inom ng alak ay ayaw ko ng gawin.

Gusto ko makausap si Kyle. Gusto ko siyang mayakap. Kung kinakailangan na lumuhod ako sa harap niya ay gagawin ko. Napaka-tanga ko na hayaang mawala sa akin ang taong pinakaiingtan ko. Handa akong gawin ang lahat bumalik lang siya.

Hindi ko napansin ang pagtulo ng luha sa aking mata.

Wala pa kaming isang buwan na nagkatampuhan ngunit labis na ang pagka-miss ko sa kanya. Tama nga sila, hindi mo malalaman ang tunay na halaga ng isang tao hangang di siya nawawala sa tabi mo.

Mahal na mahal kita Kyle.

Nakakapanghinayang na kahit isang beses ay hindi ko iyon nasabi sa kanya. Lechugas!

****Kyle****

11:16 pm, Sunday

March 20

Halos hatinggabi na din kami dumating sa bahay sa Bulacan. Medyo natagalan kasi kami makalabas ng ospital at naipit pa kami sa traffic ng edsa.

Nakaramdam ako ng konting saya ng makita ko ang gate ng aming bahay. Nananabik na akong pumasok sa aming tahanan at magpahinga. Sa dami ng malulungkot na nangyari sa nakalipas na linggo ay parang gusto ko matulog ng isang buong taon at umasang sa paggising ko ay okay na ako.

Love. Sex. Insecurity. (LSI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon