CHAPTER TEN

9.6K 238 19
                                    

"SINABI ko na sa iyong hindi pa tayo tapos." Sabi ni Norris kay Jester.

Napatingin siya kay Kamille. Nasa mukha nito ang takot, mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. Saka muli siyang bumulong dito.

"Pumasok ka na sa loob," utos niya dito.

"Ayoko. Hindi kita iiwan dito." giit nito.

Humarap siya dito, saka maingat na hinawakan na ang magkabilang pisngi nito. "Look, it will not be safe for you. Kapag sinugod ako ng mga 'yan, madali ka nilang makukuha sa akin. Kung nasa loob ka, hindi ka nila maaano." Paliwanag niya.

"Pero..."

"Please," pakiusap niya. "Now, Go! Tawagan mo ulit sila Miguel, sabihin mo bilisan nila."

Mabilis itong tumakbo papasok sa loob ng bahay. Hahabulin sana ito ng mga tauhan ni Norris pero naiharang niya ang sarili sa harap ng gate nito.

"Lock the door! Kahit na anong mangyayari, huwag kang lalabas diyan!" sigaw niya kay Kamille.

"Umalis ka diyan, ibigay mo sa akin si Kamille. Hindi kita sasaktan." Sabi pa ni Norris sa kanya.

"Sino may sabi sa'yong ibibigay ko siya sa'yo?"

"I'm sure naikuwento na niya sa'yo ang sinapit ni Adrian. Kung ayaw mong matulad sa lampang 'yon, ibigay mo siya sa amin. Baka maawa pa ako sa'yo."

Umangat ang isang sulok ng labi niya. "What made you think that I'm scared of you?" pang-iinsulto pa niya dito. "Hindi kailan man ako natakot sa kahit na kanino, tanging sa Diyos lang ako may takot. Pero sa isang kagaya mo, I really doubt it."

"Mayabang ka rin, ano?" nanggigigil na sabi nito.

"Hindi. Nagsasabi lang ako ng totoo." Sagot niya.

Sa isang iglap ay isa isa na siyang sinugod ng mga ito. At habang nakikipagpalitan siya ng suntok sa mga ito. At sa bawat suntok na sinasalo ng katawan niya, pilit niyang tinitiis 'yon. Basta ang mahalaga, maipagtanggol niya si Kamille. Sa isip niya ay tumatawag siya sa Diyos, ang siyang tagapagligtas niya.

Lord, give me strength to fight them. I'm not as strong as you, but by your grace I know I will win this fight. Mahal na mahal ko si Kamille, kahit na nasasaktan ako sa nalaman ko, hindi pa rin binago niyon ang pagmamahal ko sa kanya. Protect me against them, God. 





WALANG tigil ang pagluha ni Kamille habang pinapanood ang pakikipaglaban ni Jester sa mga tauhan ni Norris. Gustong gusto niyang lumabas, pero kabilin bilinan ni Jester nito na huwag siyang lalabas. Natatakot siya sa maaaring mangyari dito. Hindi na niya kakayanin kung pati ito ay mawala sa buhay niya. Mabilis siyang tumawag sa presinto at ni-report ang panggugulo ni Norris.

"Bilisan n'yo po!" sabi pa niya sa pulis na nakasagot ng tawag niya.

Lord, tulungan mo po kami. Gusto ko ng matapos ang problemang ito. Ayusin n'yo po ang pamilya ko. Iligtas n'yo si Jester mula sa mga kamay ni Norris. Piping dalangin niya.

Muli siyang tumanaw sa labas mula doon sa bintana. Gustong madurog ng puso niya sa nakita. Hawak na ito sa magkabilang braso ng dalawa sa tauhan ng walanghiyang si Norris. Napasigaw siya ng tadyakan ito ng huli ng malakas sa dibdib.

"Jester!"

"Ano kaya mo pa? Ang lakas ng loob mong lumaban ah!" sigaw pa ni Norris dito.

Car Wash Boys Series 4: Rod Jester LabayneМесто, где живут истории. Откройте их для себя