CHAPTER SIX

6K 148 5
                                    

HUMINGA muna ng malalim si Kamille, bago niya pindutin ang Call Button ng cellphone niya. Agad na nag-ring ang numerong dinaial niya. Nakahinga siya ng maluwag ng mabosesan ang babae sa kabilang linya.

"Hello, who's this?" tanong ng Ate Karmela niya.

"Achi, it's me." Sagot niya.

"Shobe, hold on." anito sa garalgal na tinig. Pagkatapos ay narinig niya ang tila pinto na sumarado mula sa kabilang linya. "Nagtago ako dito sa kuwarto ko. Ni hao ma?" tanong nito sa kanya. Ang ibig sabihin ng huling katagang sinabi nito ay 'kumusta ka na?'.

"Wo hen hao, ni?" sagot niya, na sa salitang tagalog ay 'Okay lang ako, ikaw?'.

Narinig niyang bumuntong hininga ito. "Is everything okay?" nag-aalalang tanong niya.

"Worst. Hinahanap ka nila Daddy pati si Norris. Narinig kong pinag-usapan nila, kapag nakita ka daw nila. Agad daw kayong magpapakasal. Kaya huwag ka munang uuwi." Paalala nito.

"With all honesty, Ate. Wala na akong kabalak-balak na umuwi. Masaya na ako sa buhay ko." Aniya.

"Wo Shang Ni," naiiyak na wika ng Ate niya. 'I miss you' ang ibig nitong sabihin. "Gusto ko na rin umalis dito. Nhihirapan na ako sa wala sa lugar na paghihigpit ni Daddy. At least, nung nandito ka. May makakausap ako kahit paano."

"I miss you too, Ate. Huwag kang mag-alala, kapag natapos na lahat ng problema ko. Aalis na tayo diyan." Aniya.

"Kamille, tumawag ka na lang ulit sa ibang araw. Tinatawag ako ni Daddy! Bye!" biglang nagmamadaling sabi nito. Hindi na siya nakasagot dahil nawala na ito sa kabilang linya.

Nakaramdam siya ng awa para sa Ate niya. Noong sapilitan itong ipakasal dati ng Daddy niya. Halos maglumuhod ito at magmakaawa na huwag siyang ipakasal. Pero naging bingi ito. Sa araw ng kasal nito, walang ginawa ang Ate Karmela niya kung hindi ang umiyak. At sa loob ng tatlong taon, hiwalay na ito sa asawa nito. Hindi nila alam na nananakit ang napangasawa nito, halos gabi gabi itong binubugbog ng asawa nito. Hanggang sa isang gabi, halos maligo ito sa dugo ng mag-away ang mag-asawa. Ayon sa Ate niya, may inuwi itong babae sa bahay nila. Nang komprontahin nito ang lalaki, nagalit pa ito sa kanya na siyang naging dahilan para halos mapatay nito sa pananakit ang Ate niya. Simula ng araw na makita niya ang kapatid na puro pasa ang mukha at buong katawan. Pinangako niya sa sarili na hindi niya hahayaang maranasan ang dinanas ng Ate niya.

Naalala pa niya, nang mag-desisyon ang Ate niya na hiwalayan ang asawa nito. Mariing tumutol ang Daddy niya. Kapag ginawa daw iyon ng Ate niya, babawiin daw ng pamilya ng asawa nito ang investment sa negosyo niya. Nagalit siya ng husto, maging ang Mommy niya. Hindi niya akalain na mas importante pa ang negosyo at pera sa Daddy niya kaysa sa anak niyang halos mamatay na.

Mabilis niyang pinunasan ang luha na naglandas mula sa mga mata niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang Daddy niya. Pakiramdam niya, hindi sila mga anak nito. Kahit kailan ay hindi nila ito kinakitaan ng pagpapahalaga sa kanila. Lalo na sa kanila ng Ate niya, palibhasa babae sila. Mahina sa pananaw ng iba. Ang tanging nakikita nito ang Kuya niya. Ang Kuya niyang mistulang robot na sunud-sunuran din dito. Hindi naman siguro mamasamain kung ipaglaban niya ang kalayaan niya.



"BUSY ka?"

Napatingala si Kamille sa taong nakatayo ngayon sa harap niya. Naroon siya sa tapat ng tindahan ni Kim at nakatambay kasama si Marisse, Sam, Sumi at si Razz. Naroon nakatayo si Jester, habang nakangiti ito sa kanya.

Car Wash Boys Series 4: Rod Jester LabayneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon