CHAPTER ONE

17.6K 247 19
                                    

I'M BACKKKKKKK~!!! 

Yes, I'm back with an injured middle finger on my left hand!! Kaya tuldok system ang pagta-type ko! Pero ayun na nga! Bumalik na ang Pengkum n'yong lingkod!! 

Tuwang-tuwa na naman 'yong mga adik sa Car Wash Boys! 

Maraming salamat sa matiyagang paghihintay at pasensiya. Thank you for allowing me to rest for the past weeks. Sobrang na-appreciate ko 'yon walang nangungulit kung kelan ko ia-upload 'yong Book 4! Anyway, happy reading!! 

DON'T FORGET! 

VOTE, COMMENT & SHARE! 

Thank you so much! 


*************************************************************** 


"MONDEJAR Cars Incorporated." Suhestiyon ni Jester. Sabay-sabay na napangiti ang mga pinsan niya maging ang Lolo Badong nila. Tinapik siya ni Daryl sa balikat.

"You're a genius," puri pa nito sa kanya.

"I know," sagot niya, sabay ngisi.

"Whose in favor with Mondejar Cars Incorporated?" tanong ni Gogoy na siyang namumuno sa Family Meeting na iyon.

Halos lahat sila, maging si Lolo Badong ay nagtaas ng kamay. Maliban kay Wesley.

"Wesley, bakit hindi ka nagtaas ng kamay? Mayroon ka bang mas magandang maisa-suggest na company name?" tanong pa ni Gogoy dito.

"Oo naman!" mabilis na sagot nito.

"Ano naman 'yun?" tanong naman niya.

"Wesley's Cars International." Walang gatol na sagot nito.

Agad na inamba ni Lolo Badong ang hawak nitong tungkod sa ulo nito. "Joke lang po!" mabilis niyang bawi.

Nagtawanan sila.

"I'll invest thirty percent of my money in this business." Ani Lolo Badong.

Natigilan silang lahat, bago napatingin sa isa't isa. Naroon sila ngayon sa sala ng mansiyon ni Lolo Badong. Nitong mga nakaraang buwan, napag-desisyunan nilang magpi-pinsan na magtayo ng isang negosyo na may kinalaman sa hilig nila. Cars. They decided to put up a Car Shop. Sabi nga ni Gogoy, it's an ambitious business. Hindi biro ang kakailanganin nilang pera maitayo iyon. Kinailangan nila ng investor, at sa pag-a-analyze nila nitong mga nakaraang araw. Everybody agreed to invest in the business. Gamit ang mga perang naipon nila galing sa mga negosyo na napalago nila sa sarili nilang sikap. Tulong din sila sa pagpapatakbo niyon. At hindi nila akalain na ang mag-i-invest ang Lolo nila ng ganoong kalaki.

"Are you sure, Lolo?" paniniguro pa niya.

"Oo, natutuwa akong naisip ninyo ang ganitong klaseng negosyo. Kaya susuportahan ko kayo." Sagot naman ni Lolo Badong.

"Thank you, 'Lo!" sabi nila.

"Kelan natin ito sisimulan?" tanong ni Miguel.

"As soon as possible. Marami naman tayong possible clients. We have all the sources. Sa mga individual businesses natin." Sagot ni Gogoy.

Tumayo si Marvin, hawak ang isang folder. "This is what we will do. Someone will handle for the brand new cars and second hand cars. Mayroon din tayong motorcycles, accessories and parts." Anito.

Car Wash Boys Series 4: Rod Jester LabayneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon