CHAPTER FOUR

6.6K 156 4
                                    

ISANG linggo na ang nakakalipas simula ng dumating siya doon sa Tanangco. Sa loob ng ilang araw na iyon, marami na agad siyang nakilala. Mga bagong kapitbahay, ang mga Mondejar. Maging ang mga kaibigan ni Sam ay kaibigan na rin niya. Pitong araw na ring tahimik ang buhay niya. Walang Norris na nanggugulo. Wala ang Daddy niyang dinidiktahan siya. Ngunit hindi niya maiwasan na maisip ang mga kapatid at Mommy niya. She missed them so much. Pero kailangan niyang tiisin ang mga ito, para sa kaligtasan niya. Sa pitong araw na iyon, sa tuwina ay si Jester ang palaging kasama niya. Naging magkasundo sila sa lahat ng bagay. Ito ang nakaalalay sa kanya sa pag-a-adjust niya sa bagong lugar na iyon. At dahil sa tulong nito, madaling napalagay ang loob niya sa Tanangco.

Inipon ni Kamille lahat ng lakas niya para maitulak ang TV Stand na ilalagay niya sa sulok. Dahan-dahan niyang tinulak iyon, dahil nakapatong sa ibabaw niyon ang isang thirty two inches na flat screen television. Naurong niya ito ng bahagya, medyo malayo pa ito doon sa parte ng sala na iyon kung saan niya gustong ipuwesto ito.

Tumayo siya ng tuwid at nag-inat ng kaunti. Medyo masakit na katawan niya, pero marami pa siyang aayusin. Napangisi siya ng ilibot niya ang mata sa paligid. She just bought brand new appliances. Using her credit card. Maging sa pamimili ng appliances ay si Jester ang kasama niya. Mabuti na lang at nakaipon siya ng malaki galing sa kita niya sa sarili niyang negosyo. Kamille has her own boutique. She has casual dresses, blouses, self-made designed jeans, and many more. Meron din siyang mga accessories. Kaya patok sa mga kabataan na mahihilig sa fashion ang produkto niya. Sa ngayon, mayroon na siyang tatlong branches sa magkakaibang mall dito sa Metro Manila. At dahil nga sa naging problema niya nitong mga nakaraang linggo. Nag-desisyon siyang mag-leave muna sa trabaho. Ang kanyang secretary na siyang napapagkatiwalaan niya sa lahat ng bagay ang pansamantala niyang ginawang OIC. Kapag may mga bagay na kailangan ikonsulta muna sa kanya bago mag-desisyon ay tumatawag ito sa kanya.

Isa ang boutique niyang iyon sa bunga ng pagre-rebelde niya, laban sa sariling Ama. Nang makatapos siya ng College, gustong-gusto niyang hawakan ang isa sa mga negosyo ng Ama. Pero mariin itong tumanggi. Babae daw kasi siya. Mahina. Dapat lang daw sa kanila ng Ate niya ay nasa bahay lang. Kaya ang Kuya Kurt niya ang humawak sa lahat. Kaya para patunayan niya ang sarili sa Daddy niya, gumawa siya ng paraan. Gamit ang naipon niya pera simula pagkabata, kasama na pati ang sikretong pagtulong sa kanya ng Mommy niya. Dahil mahilig siya sa damit at fashion, boutique ang naisip niyang itayong negosyo. Pumunta siya sa Bangkok, Thailand para doon mamili ng unang set ng damit na tininda niya. Sa loob ng tatlong buwan, naitayo niya ang unang branch ng Bernice Fashion. Sa pagdaan ng mga araw, naging popular sila sa kabataan. Mapa-lalaki o babae man. At sa loob nga lang ng limang taon, naitayo niya ang ikalawa at ikatlong branch ng boutique niya.

Nang ipagmalaki niya ang achievement sa Daddy niya. Hindi siya nito pinansin, para siyang nakipag-usap sa hangin. Ilang araw ang nakalipas, aksidente niyang narinig ang sinabi ng Daddy niya. Sa konting tagumpay daw ay nagyayabang na siya. Kumpara sa narating nito sa pagne-negosyo.

Lalong nadagdagan ang hinanakit niya sa Ama. Minsan nga, sa pag-aaway nila. Tinanong pa niya ito kung ampon siya. Dahil hindi niya maramdaman ang pagmamahal nito bilang isang Ama. Hindi niya ramdam ang pagiging padre de pamilya nito. Mas ramdam niya na tau-tauhan sila nito, na kailangan sundin sa lahat ng oras at wala silang karapatang tumanggi. At sa lahat ng paghihirap niyang iyon, si Adrian ang madalas na nasa tabi niya. Hanggang sa nangyari ang trahedyang iyon. Inasahan niyang sa pagkakataong iyon, ay iiral ang pagiging Ama nito. Na mas dadamayan siya nito dahil sa pagluluksa niya sa pagkawala ni Adrian. Na maniniwala ito na si Norris at ang mga tauhan nito ang pumatay dito. Pero nagbulag-bulagan ito, mas naging importante ang merger ng negosyo nito at negosyo ng pamilya ni Norris. Binalewala siya nito.

Car Wash Boys Series 4: Rod Jester LabayneWhere stories live. Discover now