CHAPTER TWO

8.3K 171 9
                                    

Oh hoyyyy!! Gulat kayo no?? Bilis ng update! Hahahaha!! 

Asa kayo?! Hahahaha!! Dalawang chapter naman talaga ang update ko for today! Inuna ko lang 'yong Chapter One tapos naligo muna ako kasi mag-aalas kuwatro na pala kanina. Eh nawawalan ng tubig dito sa Caloocan ng 4PM (Pengkum na Maynilad~!!!) 

Kaya eto, chapter 2! Enjoy!! 

~JA 💜



*******************************************************************


MAINGAT na nilapag ni Kamille ang isang pumpon ng bulaklak sa ibabaw ng puntod ng lalaking naging malaking bahagi ng buhay niya. Si Adrian. He was her bestfriend, one of the most important person in her life. Ang kanyang unang pag-ibig. Ang lalaking kaisa-isang minahal niya. Ngunit ninakaw ang buhay nito ng mga bodyguards ni Norris.

Matalik silang magkakaibigan simula pa ng College sila. Siya, si Sam at si Adrian. Sa paglalim ng pagkakaibigan nilang dalawa ni Adrian, ay siyang paglalim din ng nararamdaman niya para dito. Siya na yata ang pinakamasayang babae sa mundo ng magtapat din ito ng pag-ibig sa kanya, Valentine's day ng yayain siya nitong lumabas. Ngunit ng gabing iyon, hindi pa man din siya nakakasagot sa sinabi nito. Dumating bigla si Norris kasama ang mga tauhan nito. Sapilitan siyang kinuha nito, pero pumalag si Adrian, lumaban ito kay Norris at sa mga bodyguards nito. Dahil nag-iisa lang ito at marami ang kalaban nito, pinagtulungan itong bugbugin. Halos mawalan ito ng malay, naliligo sa dugo ang mukha nito sa dami ng suntok na inabot nito. Nang hindi makuntento, pinagtulungan itong itayo ng mga tauhan ni Norris at sinuntok ulit ng malakas, sabay tulak dito. Nang bumagsak ito sa semento, tumama ang ulo nito na siyang naging dahilan ng pagkamatay nito. Internal Hemorrhage ayon sa mga doktor ng itakbo niya ito sa ospital.

Ang lahat ng iyon ay nasaksihan ni Kamille, ilang beses siyang nagmakaawa sa mga ito. Pero naging bingi si Norris sa pakiusap niya. Nagmakaawa siya sa mga taong nakasaksi ng nangyari na tumawag ng pulis, pero walang tumulong sa kanya. Nang magsampa siya ng kaso laban dito. Binasura lang ng korte ang kaso, wala silang ebidensiyang makuha laban dito. Alam niyang binayaran ni Norris ang mga naging testigo. Wala ng pamilya si Adrian, kaya siya ang natitirang nagmamahal dito na lumaban para sa katarungan ng pagkamatay nito. Maging ang magulang niya ay naging bulag at bingi sa katotohanan. Hindi pinaniwalaan ng mga ito na si Norris at ang mga alipores nito ang pumatay kay Adrian. Palibhasa'y makapangyarihan ang pamilya ng una, at ang ikauunlad ng negosyo nila ay nakasalalay sa mga ito. Kapag hindi niya pinakasalan si Norris. Lalong malulugi ang negosyo nila.

Kaya simula noon, nag-rebelde si Kamille. Sinasadya niyang suwayin ang mga magulang niya. Wala siyang pakialam kahit maya't maya siyang pinapagalitan ng mga ito. All she did was party and get drunk every night. Sa pamamagitan nito, nakakalimutan niya ng panandalian ang sakit ng nakaraan. Namatay si Adrian ng hindi niya nasasabi ang tunay niyang damdamin para dito. Hindi niya kayang patawarin ang mga taong umalipusta dito. Ang mga naging dahilan ng pagkamatay nito. Pinangako niya sa sarili na mamamatay muna siya bago niya pakasalan si Norris.

"Kumusta ka na? Isang taon ka ng nandiyan. Siguro masaya ka na, kasi kasama mo na ang parents mo. Gusto kong mainggit sa'yo, Adrian. Dahil ako, daig ko pa ang nakatira sa impiyerno. Wala akong katahimikan sa buhay ko. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling ngumiti. I missed you so much." Lumuluhang sabi niya.

"Kams," ani Sam.

"Kasalanan nilang lahat ito, Sam. Lalo na si Norris!"

"Shhh! Tama na 'yan." Awat nito sa kanya.

Car Wash Boys Series 4: Rod Jester LabayneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora