Chapter 35: Dyspherein's Gift

Start from the beginning
                                    

“H—hindi!” umiiyak siyang umiling. “I can’t do this to my own mate.”

“Wake up, Kim. Ikaw lang ang makakaligtas sa sarili mo,” napahinto siya sa paghikbi nang may nagsalita sa paligid.

Sinubukan niya itong hagilapin nang tingin pero wala siyang nakita.

“S—sino ka?”

“Its Helena.”

“Helena? I don’t know you!”

“Your memory was being affected because of the strong illusion that Ocsus used against you. Wake yourself up, Kim. Wake up!”

“S—stop it!” napasigaw si Kim sa galit nang umaalingawngaw ng paulit-ulit sa kanyang isipan ang boses nito.

Ilusyon lamang ang nakikita mo—ang nangyayari lahat ngayon sayo! Kaya gumising ka!”

“N—no, I can’t leave him,” maluha-luhang napatingin si Kim sa kanyang kabiyak na humihinga pa.

Nagmamakaawa ang mga mata nitong nakatitig sa kanya, “Don’t leave me…” kumawala pa ang luha ng kanyang kabiyak galing sa mga mata nito.

“I won’t leave you here, Hiro.”

Don’t be idiot, Kim Dwight!” tumaas na ang boses ni Helena.

Ginagamitan lamang ni Helena ito ng telepatiya para makausap. Naitumba na  niya si Ocsus gamit ang kapangyarihan niya pero nahihirapan siyang gisingin si Kim sa ginawang napakalakas na ilusyon nito.

Samantalang, ang mga kasamahan niyang Diyos at Diyosa ay nakikipaglabanan na sa mga kalaban.

Ang katawan naman ni Kim ay nakatayo lang sa posisyon  nito kanina kung saan niya nakita si Ocsus, nakatulala sa kawalan. Si Hailey ay kakagising lamang sa ilusyong ginawa rin ni Ocsus.

Kung hindi lang dumating ang mga kakampi nilang Diyos at Diyosa ay sigurado na ang kamatayan nila.

“Hindi ito ang unang ilusyong naranasan mo. Gumising ka! Wake up from this nightmare of yours. Ang nakikita mong kabiyak mo ay isang kasinungalingan lamang!” nakapikit na sabi ni Helena.

Napatitig naman si Kim sandali sa kabiyak niyang hinahabol ang hininga, “You’re real, right?” sinusubukan niyang kumbinsihin ang sarili na nagsisinungaling lamang si Helena.

“Yes, I am real, Kim.”

Mapait na ngumiti si Kim na may lumandas pang luha sa kanyang mga labi. Umiling siya nang may mapagtanto.

Hinawakan niya pa ang nakabaong patalim sa may dibdib nito. “No, you’re just a big lie. Hiro never calls me Kim unless he’s being serious,” sabay hablot ng patalim at isinaksak niya ito mismo sa bandang puso niya.

She felt her eyes suddenly shut and the surroundings turns into pitch dark.

“You did it,” salubong ni Helena sa kanya. Nang mapadako ang kanyang mga mata sa likuran nito ay nakita niya ang pagsagupaan ng mga Diyos at Diyosa.

Napatingin siya sa mga kasamahang lobo ni Zeref na kararating lamang galing sa paghahanap sa kanila.

Biglang dumapo sa kanyang tabi si Thania at awtomatiko silang napalapit rito nang makita ang katawan ni Zeref na ‘di na makagalaw.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now