Chapter 34: God of Illusion

Start from the beginning
                                    

Alam nilang kapag makagat sila ng isa sa mga ito ay ‘di na sila makakatakas pa. This parasites are extraordinary. Ang mga kagat nito ay lulubo, kakalat sa buong katawan ng isang partikular na nilalang hanggang sa puputok ito.

Nakasakay naman si Nishra sa isang napakalaking kulisap na malapit nang makahabol kena Kim.

Nang mapansin ito ni Kim ay nagpakawala siya nang napakaraming matutulis na kristal ng yelo.

Naiwasan naman ito ni Nishra pero lingid sa kanyang ka alaman na bumabalik pala ang mga yelong iyon kung saan ito nanggagaling.

Napahiyaw siya nang dumaplis ang isang kristal ng yelo sa kanyang balikat. She hissed because of anger.

‘Di na siya nagpatumpik-tumpik pa. Mas binilsan niya ang pagpalipad sa sinasakyang kulisap.

Nang makita niyang nasa may kapatagan na sina Kim na tumatakbo ay lumitaw sa kanyang magkabilang palad ang busog at palasong natataglay ng kamandag sa alaga niyang kulisap.

Itinutok niya ito sa direksyon ng kanyang target at nang mahula na niya kung saan ang direksyong tatakbuhan ni Kim ay pinakawalan na niya ang palaso.

Mabilis pa sa kidlat ay bumulusok na ito. Animo’y hinihiwa ng tulis nito ang hanging nasasalubong.

Napantig ang tainga ni Kim nang mapansing may lumilipad na bagay pahabol sa kanya.

Hindi na siya lumingon pa dahil sa paghakbang niya nang mabilis sa lupa ay lumabas sa ilalim ng lupa ang harang na isang makapal na yelo na siyang pumigil sa palaso. Pero nagkamali siya nang tumagos ito bigla. Huli na para maiwasan niya ito.

Ngunit napalingon na lamang siya sa likuran nang ‘di niya maramdaman ang pagtama nito.

Napaawang saglit ang kanyang labi nang makita ang isang berdeng dragon na nasa bibig nito nakaipit ang palasong muntik na maka tama sa kanya. Hindi sa palaso siya namangha kundi sa paglitaw nang dragon na ‘di man lang niya naramdaman kahit sobrang laki nito. Pero sino nga ba ang nagmamay-ari nito?

Isang binata ang dumapo sa tabi ng berdeng dragon. Kulay berde ang mga kaliskis na yumayakap sa maskulado nitong pangangatawan. Mayroon rin itong pakpak kagaya ng dragon na kulay berde rin. Kumikinang ang berde nitong mga mata. At ‘di maipagkait ng sansinukob ang taglay nitong kakisigan.

Pero sa bagay, wala namang napansin si Kim sa mga Diyos at Diyosa na walang maibubuga kung ganda at kakisigan lamang ang pagbabasehan.

Nabalik sa katinuan si Kim nang magsalita ang binata. Kilala niya ito dahil sa memorya ni Eleiah na sumanib sa kanyang isipan. Si Bliss, ang Diyos ng Nakalalason.

“No pierdas tu tiempo en mirar mi rostro guapo, señorita,” (Don't waste your time in looking at my handsome face, miss).

Nang sabihin ‘yun ng binata ay tumalsik siya nang tabigin siya na parang papel nang malakas na hangin.

Napaatras si Kim nang makita ang pagdapo ni Vexa sa kanyang harapan, ang Diyosa ng Apocalypse. There’s one thing that she felt towards this Goddess’ presence. A final destruction…

Hindi pa man ito nakalapit sa kanya ay sinunggaban na ito ng isang black phoenix, na mabilis na nag-anyong babae. Kilala niya ito, si Cleo ang Guardian ng Diyos ng Eklipse.

Inaatake ni Cleo si Vexa pero ibinalibag lamang siya nito gamit ang mala telekinesis nitong kapangyarihan.

Aakmang tatayo na si Vexa galing sa pagkakahiga sa ginawa ni Cleo pero lumitaw sa kanyang harapan ang nagmamay-ari kay Cleo. Si Dark, the God of the Eclipse.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now