Apocalypse 21.

129 6 0
                                    

Date Published: August 4, 2019

APOCALYPSE 21.

LANCE'S POV

We are now running towards a room. And that is a big free space. Maybe, she's there. And I can also feel that Shine is there.

We need to get there soon. I don't want her to experiment her. I won't let her be one of that bitch's experiments.

When we got there I saw Shine sleeping inside of a container. I ran towards her and held the mirror part of that container.

Damn. She already got her. I have to do something to bring her out of there.

"Welcome dito sa facility namin, boys." We looked in her direction. That bitch's going to pay for this. I won't let her escape.

"What the fuck are you doing?! Let her out!" I screamed. She just laughed. I held the mirror part then it starts to break.

I am now mad, literally mad and I can't even stop myself now. "G-general, kalma lang." I heard Taks gasped.

When the container breaks, I caught Shine from falling. She's still unconcious. We have to stop this for her.

I brought her down in one of the parts of this place that I know she's going to be safe.

Tumayo na ako at hinanda ang Chariot Sword. Naglabas ulit ito ng mahinang aura at tumakbo palapit kay Ninette. I tried to stab her but dodged.

Pero nagalusan ko siya at agad siyang sinuntok sa mukha ng malakas. Nahulog siya sa isang bintana at napasilip ako doon.

Bumaba ako doon sa pwesto niya at sasaksakin na sana siya nang biglang may dumating na mga halimaw at undead.

Inuna ko muna ang mga 'yon dahil sila ang saagabal. Narinig kong tumawa si Ninette mula sa likod ko.

"Sabihin mo nga, paano kayo nagkaroon ng kapangyarihan?" She asked me. I didn't answer her. Even me, I don't know how.

"Hindi mo sasabihin? Ang mga Anymous na ang bahala sa'yo. Kapag nahuli ka na nila ay pwede na kitang kontrolin para sabihin mo ang lahat sa'kin tungkol sa STW." She commented.

"Sorry but I'm not available to be controlled by you, bitch." I answered. Sinaksak ko sa sahig ang Chariot Sword at nagpakawala ito ng isang malakas na hangin at nahati ang lahat ng mga Anymous at Undead.

May nagpakita na namang bagong set ang mga ito. Hindi talaga patas lumaban ang Ninette na 'to. She's literally a loser.

THIRD PERSON'S POV

Nandito sila Taks at binabantayan si Myka na wala pa ring malay. Napabuntong hininga sila Taks at Stairn.

"Ngayon ko lang nakita na gano'n si Lance. Galit na galit siya." Komento ni Taks. Tumango naman si Stairn sa kaniya.

"Si Ms. Gainsborough ang dahilan kung bakit siya gano'n. Ginalaw kasi ni Ninette si Ms. Gainsborough eh. Nagalit tuloy 'yung halimaw." Sagot naman ni Stairn.

Maya-maya lang ay napatigin sila sa dalawang lalaking naglalakad palapit sa kanilang dalawa. Naghanda na silang dalawa dahil alam nilang mapapalaban sila ngayon.

"Trixie, Trixan at mga S-mags, kayo na ang bahalang magbantaya amo niyo." Sabi ni Stairn.

Kinuha na ni Taks ang twin tonfas niya at kinuha na rin ni Stairn ang twin daggers niya. Sinugod ng isang lalaki na nasa edad lang nilang dalawa si Stairn.

Ang kasing edad ni Ninette na lalaki naman ang sumugod kay Taks. Nakipagsuntukan si Taks do'n sa lalaki.

"Hindi ko alam na may ibang kasama pa pala si Ninette." Komento ni Taks. Natamaan niya ang lalaki sa mukha nito at tinuhudan sa sikmura.

Binugbog niya ito at hindi siya tumigil. Sinipa niya sa mukha ang lalaki at naglakad palapit dito. Nilabas na ni Taks ang nakatagong patalim mula sa tonfas niya.

"Kailangan ko nang tapusin 'to." Saad ni Taks at sasaksakin na sana niya ang lalaki nang biglang may humapas sa kaniya mula sa gilid at nauntog siya sa pader.

Napaupo siya sa sahig at nay nakita siyang isang Anymous. Nanlabo na ang mga mata nito hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

~~

Naglalaban sila Stairn sa isang tabi at nasugatan niya ang kalaban niya sa bandang tiyan nito.

Nakita niyang may papalapit na Anymous kay Taks mula sa likod at sasabihan na sana niya ang kapatid nang biglang may sumaksak sa kaniya mula sa harap.

Nabitiwan ni Stairn ang dagger niya at napaluhod sa sahig. Napahiga na siya at pinipilit na hindi makatulog. Papatayin na sana siya ng lalaki nang biglang dumating si Summerbell.

Pinagbabaril ni Summerbell ang lalaki pero naka-ilag agad ito at nagtago sa isang ligtas na lugar. Pinatay naman ni Trixan ang isang Anymous.

Nakatakas na ang dalawang lalaki kaya naman pumunta sila Trixie at ang iba pa sa pwesto ni Lance para tulungan ito.

Habang walang malay si Myka ay umepekto ang barrier niya at prinotektahan sila Stairn at Taks. Nilapit ng barrier ang dalawa sa pwesto ni Myka.

Lalapitan na sana ng dalawang lalaki ang tatlo nang bigla silang nakuryente dahil sa barrier na nakapalibot sa kanila.

"Fuck. May barrier sila!" Galit na sambit ng lalaki. "Hintayin na lang natin silang magising, dad." Saad ng anak.

"Sige. Hintayin na lang natin silang magising. Sagabal ang barrier na 'to. Pwede natin silang gawing bihag para matalo ang lalaking kalaban ni Ninette." Komento ng ama.

"Masyadong malakas ang lalaking 'yon kaya delikado si mom." Nagpalabas pa ng maraming Anymous at Undead ang mag-ama at pinapunta ito sa direksyon nila Lance.

Hinintay na lang nila sa isang lugar na magising sila Myka mula sa pagkakatulog.

•••• END OF APOCALYPSE 21. ••••

Cataclysm (W.E. Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon