Apocalypse 14.

148 8 0
                                    

Date Published: August 4, 2019

APOCALYPSE 14.

MYKA'S POV

Naglalakad na kami paalis mula sa opisina na 'yun nang bigla sinalubong kami ng napakaraming zombies.

Kinuha na ni Trixan ang dalawang handgun niya ang pinagbabaril 'yung mga zombie.

Binaril ko na rin 'yung mga zombie na nasa bandang likod namin at 'yun din ang ginawa ni Terance.

Si Trixie naman ay naghahanap ng daanan at 'yung isang lalaki naman ay nakatingin din sa mapa ni Trixie.

"Ano ba 'tong mga 'to?! Bakit ang dami nila at parang hindi sila namamatay?!" Galit na tanong ni Terance.

"Mga infected sila ng virus. Isang kagat o kalmot lang nila ay magiging isa na kayo sa kanila kaya ingat." Sabi ko.

"Barilin mo sila sa ulo. Do'n mo lang sila mapapatay." Dugtong ko pa at agad naman niyang ginawa 'yun.

"Asar! Bakit ang dami nila dito?" Tanong ko at sinipa ko na 'yung ibang malapit sa'kin.

Nakita ko naman na nakikipagmanohan na si Trixan sa mga zombie.

Wala na kong choice. Gagamitin ko na si Summerbell. Tumingin ako sa bracelet ko at in-activate na si Summerbell at may lumabas na isang red na rosas na maliit na nilalang sa taas nito.

Agad umatake si Summberbell at sunod-sunod itong bumaril. Kahit sino ay binabaril nito pwera lang sa'kin at sila Trixie.

"Lady Myka, dito po tayo." Tumakbo agad si Trixie at sumunod kami. Lahat ng mga nasa paligid namin ay binabaril namin.

"Sa likod Summerbell." Sabi ko at sinunod naman 'yun ni Summerbell. Nang may nakita kaming pintuan ay agad naming binuksan 'yun at agad sinara.

Napasandal ako sa pintuan at napatingin sa mga kasama ko. "Asan 'yung lalaking kasama natin?" Tanong ko nang napansin kong kulang kami ng isa.

"Hindi naman siya mahalaga kaya tara na." Hinawakan ko siya sa braso para pigilan. "Kung talagang gusto mong ilabas ang baho ng facility na 'to ay kakailanganin mo siya."

Tinabig niya 'yung kamay kong nakahawak sa braso niya. "Walang halaga ang isang tao na wala namang naalala."

"Sino ka ba talaga? Ano ba talaga ang kailangan mo? Paano mo nalaman na wala siyan naalala?" Tanong ko sa kaniya.

"Halata naman na wala siyang maalala. Walang siyang silbi kaya hayaan na natin siya." Naglakad na siya paalis.

Naglakad na rin ako at lumiko sa kanan. Hindi ako susunod sa kaniya. Naramdaman kong sumunod sila Trixan sa'kin.

"Dito po ang tamang daanan para sa mga document room ng facility." Sabi ni Trixie at pumunta sa harap ko. Nasa likod ko naman si Trixan at katabi ko si Summerbell.

"May infected." Napatigil ako mula sa paglalakad at may nakita akong isang taong naka uniporme at duguan.

"Isa ka sa mga kasama ni Lance diba?!" Agad akong lumapit sa kaniya at tinignan ang sugat niya.

Cataclysm (W.E. Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon