Apocalypse 12.

157 9 0
                                    

Date Published: August 4, 2019

APOCALYPSE 12.

~ UGZ LABORATORY ~

LANCE'S POV

We are now inside the laboratory and checking everything out. Inii-scan ni Stairn ang buong lugar. Si Taks naman ay binabasa ang lahat ng mga nasa papel.

Ako naman ay tumitingin sa mga kagamitan na nandito ngayon. Maraming kagamitan dito na medyo sira na.

"Wow. Puro sira ang mga gamit nila dito." I commented. "Wala ngang masyadong files dito eh." Sagot naman ni Taks.

"Wala ding ma-detect na kung ano dito." Saad din ni Stairn. Damn. Wala kaming makikita dito ngayon.

"Guys, may nahanap ba kayo diyan?" I asked the others through the communcation device. I wait for their answers.

THIRD PERSON'S POV

Nandito sila Paul, Roland at Patrick sa office area ng facility. Nagbabasa din sila ng mga papel na nakakalat sa kung saan-saan para kumalap ng impormasyon.

"Guys, may nahanap ba kayo diyan?" Rinig nilang tanong ni Lance mula sa kabilang linya. Napabuntong hininga naman sila.

"General, wala. Maraming papel pero wala namang mga impormasyon tungkol sa virus na kumalat." Sagot ni Paul.

"Dito naman ay wala din." Sagot naman ni Casper. Napabuntong hininga ang lahat dahil sa nangyari.

"So, no luck, huh?" Komento ni Lance. Maya-maya lang ay may narinig silang nag-static mula sa mga communication device nilang lahat.

"TULONG! MAY HALIMAW NGAYON DITO!" Lahat sila ay na-alarma dahil sa sumigaw ang isa nilang kasamahan.

"Nasaan ka?! Sabihin mo sa'min, nasaan ka?!" Tarantang saad ni Xaldin mula sa kabilang linya. Hinintay nilang sumagot ang kasamahan nila.

"Nandito sa basement! Malapit sa lobby!" Sigaw ng kasamahan nila at agad silang tumakbo papunta sa sinasabing basement nito.

~~

Ang grupo nila Casper ay nandito na sa loob ng basement. Hinanap nila ang isa nilang kasamahan pero hindi nila ito makita.

Naglakad sila ng dahan-dahan at tumingin-tingin sa buong paligid. Nakakaramdam silang lahat ng kaba dahil sa nangyayari ngayon.

"Tulong!" Agad silang tumakbo sa pinanggalingan ng boses at nagulat sila nang may nakita silang halimaw. Mukha itong tao pero mas matangkad pa kesa sa ordinaryong tao.

Mukha siyang pinagsamang hayop at tao. May mahabang kuko, mahabang dila, malalaking ngipin at walang ilong at mga mata.

Kulay itim din ito at puro ugat ang katawan. Nakita nila Casper na kinakain ng halimaw na 'yon ang isa nilang kasamahan hanggang sa maubos ito.

"A-alis na! Takas na!" Sigaw nilang lahat at tumakbo para magtago. Nagkahiwa-hiwalay silang lahat. Bago pa makalabas ang isa nilang kasamahan ay nahuli siya ng halimaw.

Cataclysm (W.E. Series #1)Where stories live. Discover now