Apocalypse 17.

151 8 0
                                    

Date Published: August 4, 2019

APOCALYPSE 17.

MYKA'S POV

Bumaba na kami sa hagdan at naging alerto sa paligid namin. Nangunguna sila Trixie at Stairn sumunod naman si Taks.

Kami ni Lance ang sumunod sa kaniya at nasa likod 'yung iba pa. Naka defense mode pa rin si Trixie at naka activate pa rin sila Summerbell at Springbell.

"Ano ba talaga ang problema ng babaeng 'yun?" Tanong ko habang nababa sa hagdan.

"Gusto niyang gumawa ng epidemic kung saan ay siya lang ang pwedeng gumamot. Para 'pag nangyari 'yun ay natalo na niya ang mga magulang mo." Sagot ni Lance.

"Isasakripisyo niya ang buhay ng nakakarami para lang sa walang kwentang bagay?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Desperado na siya kaya ganiyan. Huhulihin natin siya at ipapakulong o kaya papatayin natin siya." Saad naman ni Taks.

"I'm not going to let that bitch capture you. I'm going to kill her first before she does that." Sabi naman ni Lance at narating na namin 'yung 5th floor.

"Konti na lang at makikita na natin 'yung babaeng 'yun." Rinig kong saad ni Stairn.

"Wait. May naririg ako." Napatigil kami nang nagsalita si Trixie. Hinanda na namin ang sarili namin sa mga paparating.

May mga tumatakbong zombie papunta sa direksyon namin at binaril na namin sila sa ulo.

Mas marami 'to ngayon kesa kanina. "Meron din sa hagdan!" Sabi ko at binaril din 'yung mga nasa hagdan.

Gumawa ng depensa si Springbell sa'ming lahat at inatake binaril din ni Summerbell ang mga zombie sa magkabilang direksyon.

"Ang daming storbo." Sabi naman ni Trixie at itinuro niya ang mga zombie at naglabas ng laser 'yung dalawang lumulutang na baril.

"Wow! Ang lakas ng laser ah." Manghangang saad naman ni Taks. Halata din na namanghanga si Stairn sa nakita niya.

"Aaaargh!" Napalingon ako nang may bumangga sa barrier namin mula sa likod at may nakita kaming mga zombie.

"Talagang pinaligiran niya tayo ngayon dito." Sabi ni Taks. Kinuha na ni Lance 'yung ispada niya at pinagsasaksak ang mga nasa harap niya.

"Walang lalabas sa barrier." Sabi ko sa kanila. Nilakihan naman ni Springbell ang barrier para bigyan ng space si Lance.

Kinuha ko na rin 'yung isa kong handgun at pinagbabaril ang lahat ng zombie na nasa paligid namin.

"Hahaha! Hindi na kayo mabubuhay pa diyan. Makukuha ko na rin 'yung babae." Sabi ni Ninette.

"Pwede mong i-charge ang dual handgun mo baby girl para maglabas ng isang malakas na laser." Saad ni daddy.

"Pero isang beses mo lang siyang pwedeng gamitin sa loob ng dalawang oras." Paalala naman ni mommy.

"Pindutin mo lang ng matagal ang trigger at bitawan mo 'pagkatapos." Ginawa ko 'yung sinabi ni daddy sa'kin.

Chinarge ko 'yung baril at binitawan ang trigger. May lumabas na dalawang malakas na laser at natamaan ang lahat ng nasa harap namin.

Cataclysm (W.E. Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon