Apocalypse 16.

145 6 0
                                    

Date Published: August 4, 2019

APOCALYPSE 16.

MYKA'S POV

Tinapat ko 'yung index at middle finger ko sa noo ni Terrance at pumikit. Naramdaman ko namang humangin ng mahina.

Rance, alam mo ba na kung ibe-benta mo 'yung virus na 'yun ay magkakapera ka? Rinig kong isang saad ng isang lalaki.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong nasa isang opisina ako na parang pang pulis.

Sa hindi kalayuang pwesto ay may nakita akong dalawang lalaki. Si Terrance ang isa pero hindi ko kilala ang kausap niyang lalaki.

Lumapit ako ng onti sa pwesto nila at nakinig sa pinag-uusapan nilang dalawa. Hindi nila ako nakikita dahil isa lang 'tong alaala na gusto kong makita mula sa ibang tao.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Takang tanong ni Terrance sa kausap niya.

"Seryoso ako pre. 'Yung virus na kumalat ngayon sa District A? Kapag nakakuha ka, pwede mong pagkakitaan ng pera 'yun." Sagot no'ng lalaki kay Terrance.

"Totoo 'yan ah? Makakuha nga. Saan pala nanggaling 'yung virus?" May binigay na mapa 'yung lalaki kay Terrance at agad ito napangiti.

"Kukunin ko 'to at ibe-benta para magkapera." Sabi ni Terrance at nawala na 'yung mga imahe.

Napamulat ako ng mata at nakita ko 'yung gulat na ekspresyon ng mukha ni Terrance. Binitawan na siya nila Lance at napa-upo siya.

"A-ano ka ba talaga?! Isa ka rin bang halimaw tulad ng iba dito?!" Takot niyang saad sa'kin.

"Gusto niyang makuha 'yung virus at pagkakitaan." Sabi ko kanila Lance at napatango siya.

"So, he's really up to something. I can't believe this. Police who's going to do everything just to have money even though he knew that it's wrong." Sabi naman ni Lance.

"May mga tao talagang nabubulag sa pera eh. Hindi naman mawawala 'yan sa mundong 'to." Saad naman ni Taks.

"Ang mga taong katulad nila ang dahilan kung bakit nasa balanse ang mundo. Kung may mabait ay may masama din." Dugtong naman ni Stairn.

"Hindi tayo pwedeng magtagal dito kundi makikita tayo ng dalawang malaking halimaw." Napatingin ang lahat kay Trixie.

"Dalawang halimaw na malaki? Sila na naman?" Hindi ko makapaniwalang saad.

"Sila 'yung pumatay sa karamihan sa'min kanina, general." Sabi ng isang sundalo kay Lance.

"May binigay na data sa'kin si Dr. Gainsborough tungkol do'n sa dalawang halimaw na 'yun." Napatingin ulit ang lahat kay Stairn.

"Ang sabi sa data ay mabilis itong kumilos, malakas din ang pakiramdam ngunit hindi ito nakakakita kaya umaasa siya sa panrinig at pakiramdam nito." Paliwanag ni Stairn.

"Ano ang kahinaan niya?" - Soldier #1.

"'Yun ang hindi pa nila alam. Hindi nila malaman kung saan ang kahinaan nito dahil sa bilis nitong gumalaw." Wala na 'to. Hindi na ko naasa dito.

Cataclysm (W.E. Series #1)Where stories live. Discover now