1: WAITING SHED

311 7 0
                                    

Tanghaling-tapat. At nasa katirikan ang araw. Pero ang hanging tumatama sa aking mukha ngayon ay tulad pa rin ng hangin kaninang umaga. Malamig, presko, maaliwalas. Siguro dahil pa rin ito sa umiiral na hanging amihan ngayong unang buwan ng taon.

Sa puntong iyon ay wala sa loob akong napangiti.

Sana laging ganito. Tahimik lang. Walang hassle. Yun bang payapa ang lahat.

Pero sa kabila noon, bumalik pa rin ako sa realisasyong nasa realidad pa rin ako.

Realidad na nung pagdating ko sa meeting place natin, wala ka pa.

Ilang oras mo na naman kaya ako paghihintayin ngayon?

Hayss. Ilang beses mo na bang ginawa 'to sa akin?

Pero kagaya pa rin ng dati, imbes na masira ang magandang araw na 'to.

Hayaan ko na lang.

Kasi hindi ko man alam kung hanggang kailan mo ako paghihintayin ngayon, alam kong darating ka. Katulad pa rin ng dati.

Naupo ako sa isang bench dito sa waiting shed.


Sa ating waiting shed.

Hindi ito pangkaraniwanang waiting shed dahil kung titignan mas mukha itong greenhouse. Anim ang poste nito na animo'y gawa sa marmol dahil sa makintab nitong tekstura na tila naman nabalewala dahil sa ginagapangan na lang ito mga namumulaklak na baging.

Pabilog ang bubong nitong gawa yata sa fiber glass. Transparent rin ito na kita ang kalangitan na s'ya namang nagbibigay ng kakaibang ambiance sa lugar. Sa bawat sulok ay mayroong mga bench na pawang gawa sa matitigas na kahoy ng mahogany at narra. Katabi ng bawat ang ang iba't ibang variety ng bulaklak. May mga roses, daisies, tulips at iba pang mga mga bulaklak na hindi ko na alam ang tawag.

Ang pinakawall ng waiting shed sa likuran at kaliwang bahagi ay gawa rin sa transparent na fiber glass. Habang ang kanan na bahagi ay open wall maging ang harapan. Sa kanan ng shed ay may katabing lote. Sa gitna nito ay nakatanim na matayog na puno na may mga pulang dahon.  Sabi nila maple tree raw 'yon. Ewan ko lang kung totoo.

May mga kwento na dati raw botanical garden ang shed. Tinanggal lang daw ang dingding nitong nakaharap sa kalsada saka ginawang waiting shed. Sabagay pwede rin naman kasi kung titignan para ka lang talagang nasa isang magandang botanical park habang naghihintay ng masasakyan.


Ito ang pinakagusto kong lugar sa bayan natin. Payapa kasi dito, tahimik. Saka nakakapagrelax ako galing sa walong oras na duty sa isang service station. Tapos sasabayan pa nang mala-anghel na boses ng mga choir na kumakanta sa katapat nitong simbahan. Kaya naman sino bang hindi mawiwiling tumambay dito.

Nakapikit akong sumandal sa bench nang may narinig akong mga yabag pero di ko inabala ang aking sariling buksan ang aking mga mata. Ayokong magpaistorbo.

"Gising na, Sleeping Beauty," narinig kong may nagsalita.

Alam ko ikaw na iyon.

Pero nagpanggap akong walang narinig. Naramdaman ko na lang ang pag-upo mo sa tabi ko.

"January 2,2013,...natatandaan mo pa ba nung una tayong magkita?" pakanta mo pang sabi sa tono ng kantang Pana-panahon.

Di ako tumugon sa halip lihim na napangiti. Bakit ba alam na alam mo kung paano pangitiin ang munti kong puso?

January 2,2013

Paano ko ba makakalimutan ang araw na iyon?







»»iamneon««

Once There Was You (On-going/editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon