Chapter 25: I .....

6.7K 218 0
                                    

~~Alexa's POV~~

Pagtingin ko ay....napatayo agad ako sa gulat.

"A-a-andrew? I-i thought....",hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang halikan niya ko.

Halik na puno ng pagmamahal. Nung natapos ay magkadikit pa rin ang mga noo namin.

"I'm sorry for making you super worried. Hindi naman talaga ako na-Amnesia. Haha",sabi niya at tumawa.

"A-ano?! Langya ka! Alam mo ba kung gaano ako naging malungkot! Nagdrama pa ko! ",inis na sabi ko at tumalikod sa kanya. Naglakad rin ako palayo.

"Oy..sorry na nga.",sabi niya  at hinabol ako pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Mah ko. Sorry na mah. Please.",sabi niya na nagpatigil sakin.

Nakacast pa rin pala ang braso niya.

"Alam mo bang kahit masakit pa ang katawan ko ay sinundan kita dito. Nag-aalala kasi ako sayo.Baka kung ano ang gawin mo sa sarili mo.",sabi niya.

Napaharap naman ako sa kanya.

At gusto ko nang matawa sa itsura niya kasi para siyang bata na nakabasag ng vase eh.

"Ah so nangongonsensya ka na ngayon? At duh,ano bang akala mong gagawin ko? Magpatiwakal? Hah! Hindi no! Paano nalang ang pag-iibigan natin? Wala nang magtutuloy? ",sabi ko na nagpangiti sa kanya,pati na rin sakin.

"Yiiiie. Ang cheesy mo! Halika nga dito. ",sabi niya.

Pumunta naman ako sa kanya at niyakap niya ko.

Pagkayakap ko ay hindi ko na naman maiwasang maiyak.

"Oh,umiiyak ka na naman? Ang iyakin mo talaga.",sabi niya at iniharap ako kasabay ng pagpahid niya sa mga luha ko gamit ang isa niyang kamay.

"Dah,sorry..nang dahil sakin naganyan ka.",sabi ko nang tumitingin sa mata niya.

"You're worth saving for.",sabi niya.

"I love you. ",sabi niya ulit.

"I love you,too. I loved you. And I will always love you.",sabi ko at sinabayan niya nman sa huling bahagi.

And then we kissed as the sun started to set.

><><><><>

Extra scenesss.

~~Third Person's POV~~

"Kayo pong lahat,mangpanggap kayo na nacomatose pa ko. Para rin naman to samin ni Alexa. At pagnagising kuno ako ay may amnesia ako. Please. I need your cooperations.",sabi ni Andrew sa Pink A at sa kanya pamilya pati na rin  sa pamilya ni Alexa.

"Sige ba! Exciting to~! Boto ako sayo iho.",sabi ng Ina ni Alexa.

"Salamat ho.",sabi naman ni Andrew at nagblush.

"Ay ang cute!",sabi ng Ina ni Alexa.

"Hehehe. Agree po ba kayong lahat?",tanong niya.

"Osige,basta siguraduhin mong hindi ka papalpak.",sabi nila.

"Opo! ",sabi ni Andrew na tuwang tuwa.

~•~

"Hi dok. Salamat sa pagsakay sa mga plano kong pagpapanggap na nacomatose. Sana ngayon pagbigyan niyo na ko sa kinahuli-hulihan kong hiling,sabihan mo si Alexa na na-Amnesia ako or maybe may Temporary Memory Loss ako. Sige na doc. Para rin naman to saming dalawa. Para malaman ko kung mahal niya pa rin ba ako.",sabi ni Andrew sa Doctor pagkapasok niya.

"Basta huli na to ha? Sana matupad mo iyang plano mo.",sabi ng doctor.

"Opo! Salamat po! Atsaka,invited po kayo sa kasal namin! Hahaha",sabi ni Andrew sa Doctor.

"Kasal agad? Hahaha",biro naman ng doctor.

"Dun din naman hahatong ang lahat.",sabi ni Andrew.

"Sige na. Lalabas na kami.",sabi ng Doctor kay Andrew.

"Galingan niyo po ang pag-acting.",sabi ni Andrew.

"Oo ikaw din! Good Luck! Sana matupad ang mga plano mo. Ninong ako sa kasal niyo ah? haha",sabi ng doctor.

"Of course Doc.",sabi ni Andrew at nagthumbs up.

>>>>>>>>>>>>

Sweet Revenge (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon