01 ✔

14.9K 336 14
                                    

Alexandra Montez:

Criiiiiiiing! Criiiiiiing!

"Uggh! Ang ingay!",tinatamad na wika ko. Agad kong kinapa-kapa ang alarm clock ko at itinapon ang alarm ito.

Gusto ko pang matulog!

ZzZzzz ...

(Few Minutes Later..)

"ALEXANDRA MONTES! BUMANGON KA NA! BANGON! BANGON!", sigaw ng alarm clock ko.

Wait?! Nagsasalita ang alarm clock ko?!

Agad akong napatayo.

"Waaaaah! ",gulat na sigaw ko.

"Heh! Maghunos dili ka nga! Anong sinisigaw sigaw mo jan! Malalate ka nang bata ka! Maligo ka na't maghanda! Tingnan mo ang oras oh!",sabi ni Mama at ipinakita sakin ang relo niya.

Hindi ko ito tinignan dahil tinatamad pa ako. Hinilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko at napasimangot

Ang bibig talaga ni Mama oh! Parang machine gun. Ratatat nang ratatat. Machine Gun pero wag kayo, I love my Mom very much.Love ko sya kasi hindi siya masyadong maarte kahit mayaman naman kami. Hindi rin siya matapobre katulad ng iba.

"Oo na! Oo na po! Kung makasigaw naman po kasi kayo eh. Labas na po kayo nang makapagprepare na po ako.", sabi ko kay mommy at tinulak-tulak siya palabas. Mahina lang naman.

Atsaka,ganito kami ni Mommy. Parang magbabarkada lang.

"Oh sige,dalian mo! ", sabi niya at tumalikod na. Agad ko namang sinara ang pinto at muling umupo sa kama ko.

Hinanap ko ang phone ko to check some notifications.

As if meron Alexa. Baka death threats,meron. Hahaha

Yan ang sabi ng inner thought ko. Oo nga naman. Umasa pa ko. Pero grabe na rin yang Death Threats! Hindi naman ako druglord o kurakot na politiko.

Pagbukas ko ng phone ko,oras agad ang nakita ko. Patay! Late na nga talaga ako!

Agad akong pumunta sa banyo para maligo.

Kung hindi niyo maitatanong,

SIKAT po ako sa School.

Sikat sa pagkaprone to bullies..

Sikat sa pagkaweird ko daw...

Dahil daw Nerd ako.

Ako nga pala si Alexandra Montes or simply Alexa.

Third Year HS and always on the top of the Honor Roll.Gustong gusto nilang mawala ako sa school dahil daw sa pangit ako. I can't give up my grades. Hindi rin naman ako makakaalis sa school kasi kami ang may-ari kaya tinitiis ko na lang ang mga pambubully nila kahit nakaka-iyak na,ay palagi naman talaga akong umiiyak. Too much for the drama. Prepare na ako.

---

Pagkatapos ng paghahanda ko sarili,bumaba na ako. Nakita ko si Mommy sa living room kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Bye Mommy! I love you!",sabi ko at humalik sa pisngi niya. Nagmano rin ako.

Agad akong tumakbo palabas.

"Take care baby! I love you,too! Wait,di ka kakain?",sigaw ni Mommy.

"Di na po. Sa school na lang.",sagot ko at ngumiti.

Sumakay na ko sa sasakyan at nagpahatid kay Manong Jun.

~~~~~~~

Hoooh! Second subject na ang papasukan ko. Pagdaan ko sa Faculty ng Third Year,nandoon pa yung second subject teacher namin kaya nagmadali ako sa paglalakad.

Sweet Revenge (EDITING)Where stories live. Discover now