05

6.5K 210 16
                                    

Alexandra Montes:

"Wow",nasabi ko nang mahina habang nakatakip pa rin ang mga kamay ko sa bibig ko. Hindi ko ito in-expect.

"Nagustuhan mo ba Alexa?",tanong ni Andrew sakin.

Tinanggal ko na ang mga kamay ko. Hinarap ko siya at tiningnan sa mga mata.

"Are you kidding me?! I super love it! Ang ganda nga eh.",sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Ang simpleng setting ng Mcdonalds ay ginawa niyang isang cute at sweet na setting. May mga musikero sa isang gilid na tumutugtog ng isang napakamagandang musika na talagang makakapagparelax ng isipan.

May mini stage rin na nilagyan ng mga pink heart balloons sa bawat gilid. Sa mismong platform naman at sahig ng buong floor ay may mga petals of roses. At sa ibaba ng stage ay may mga nakakalat na napakaraming heart balloon kasama ng napakaraming petals.

Marami ding nakasabit sa ceilings na heart-shaped papers, may mga heart shaped pink floating balloons rin at may pink and red crepe papers rin na vertical cut ang nakasabit.

Sa wall naman kung saan nilagay ang mini stage ay may heart shape na napagtanto kong mga pictures naming dalawa.

Magkano kaya ang nagasta ni Andrew dito?

Lol. Gastos agad ang naisip ha. Haha. Well, ang ganda talaga ng lugar. This is one of my dreams.

Habang nakanganga ako sa napakagandang setting na ito,tinanong niya ako habang nakalahad ang kanang kamay niya.

"May I have this dance milady?", tanong niya habang nakangiti na nagpangiti sakin.

"Of course.",sagot ko naman at agad kinuha ang kamay niya.

Ang lambot lambot ng mga kamay ni Andrew. Mas malambot pa ata kaysa sa mga kamay ko.

Nasa magkabilang balikat niya ang mga kamay ko samantalang nasa bewang ko naman ang mga kamay niya.

"Bakit nagsusuot ka ng salamin,Alexa? Parang hindi naman ata malabo yang mga mata mo.", tanong niya sakin.

" Actually,medyo malabo na yung mga mata ko eh.",sagot ko.

Naging malabo ito dahil sa sobrang pagbabasa ng libro at wattpad.

"Tandaan mo ito. Huwag kang mag-alala,may salamin ka man o wala,maganda ka pa rin sa mga mata ko. At walang makakatalo sayo dito sa puso ko.",sabi niya sakin.

I froze upon hearing his words.

Walang makakatalo sayo dito sa puso ko.

What did he mean by that?

Hinila niya pa ako papalapit sa kanya kaya parang magkayakap na kami ngayon.

Tumagal pa ito ng ilang minuto hanggang sa bumitaw siya.

Ay pwedeng pa-extend? Maganda na sana ang moment namin.

" Alexa? ",tawag niya. Napatingin ako sa mga mata niya.

" Bakit?",tanong ko.

"Tingnan mo.",sabi niya at tumingin sa likod ko.

Nakatalikod kasi ako sa stage habang siya naman ay nakaharap doon.

Sa pagharap ko ay nagulat ako sa pagputok ng confetti. Dahil sa pagkagulat ay medyo na out of balance ako pero mabuti na lang at sinalo ako ni Andrew.

Jusko! Aatakihin ako sa puso nito.

Noong medyo nakarecover na ako ay agad akong napatingin sa mga word na nakasulat sa glittery mediums. It's in a cursive form. And he also hired some staff in holding it.

" Una pa lang nating pagkikita ay nakuha mo na ang atensyon ko. Sumali lang naman ako sa pangbubully nila dahil gusto kong mapansin mo ko at mapalapit sayo e. I know you're different from the rest of the girls in school, and that's what makes you special in my heart. And as the days gone by, mas nakilala pa kita at nadagdagan pa ang mga rason kung bakit hindi na dapat kita pakawalan pa. Matagal na noong napagtanto kong Mahal kita.",mahabang lintanya na nakapaglaglag ng panga ko,nagpabuhay sa mga kamag-anak ni Vice Ganda sa puso ko,pumukaw sa mga bes ni Thumbelina sa tiyan ko at paghaharumentado ng sistema ko.

Ganito pala ang feeling?

"Alexa,will you be my girlfriend?", tanong niya sakin. Yun din ang nakasulat sa mga salitang kasalukuyang hinahawakan ng mga staff.

I was in a total awe with what is happening on this very moment.

Napatingin ako sa mata niya at kitang kita ko ang sincerity at love doon.

" Yes Andrew. Mahal rin kita.",sabi ko at niyakap siya.

Naghiyawan ang mga tao doon pero mas nangibabaw ang tinig ni Andrew na binibigkas ang isang salita na kalaunan ko lang rin nasabi.

"YEEEEEES!", hiyaw niya habang napasuntok sa hangin.

Sweet Revenge (EDITING)Where stories live. Discover now