09

8.2K 250 2
                                    


--Alexa's POV--

Lumipas ang isang buwan at kami pa rin ni Andrew. Binibigyan niya ako palagi ng mga bulaklak.Staying strong din kami at Monthsary pala namin ngayon. Sinabi niya sakin na maghintay sa labas ng Gym sa may bench ngayong uwian dahil magdedate daw kami mamaya. Half day lang naman kaya okay lang. Hindi rin maganda ang weather ngayon.

--Anika's POV--

Humanda ka sakin Nerd ka. Tuluyan mo na talagang inagaw si Andrew sakin. Hindi na niya ginagawa ang plano niya dahil parang mahal ka na talaga niyang malandi ka.Grrr.. Katapusan na ng relasyon niyo mamaya. Bwahahaha!

At ang masaklap pa ay Monthsary niyo naman pala ngayon. Kawawa kayo. Tsk2x. Gagawin ko ang lahat maging akin lang si Andrew. Hahahaha! *evil laugh*

Tinext ko na siya gamit ang cellphone ni Andrew. Nagsho-shower pa kasi siya. Kanina lang yun kaya perfect timing talaga ito.

'Punta ka na dito sa Gym.'

At madalian kong binalik ang cp niya dahil lumabas na siya ng Shower Room.

At hindi ko alam kung anong app yung napuntahan at na-on ko basta nakarinig ako ng *Ting* . Baka message lang.

Pumwesto na ako para sa drama ko.

--Andrew's POV--

"Andrew",sabi ni Anika.

"Bakit niks?",tanong ko sa kanya.

Umiyak siya.

"Andrew,gusto kita,matagal na. Ay hindi,MAHAL na pala talaga kita. Please. Mahal mo din naman ako diba?! Diba?!",umiiyak niyang sabi.

"May girlfriend na ko Anika kaya tigilan mo na ang kahibangang ito!",nagtitimping sagot ko sa kanya.

"Hindi mo naman siya mahal diba?! Diba?! Plano mo lang namang pa-ibigin siya sayo at hihiwalayan mo pagkatapos para masaktan siya ng todo at magdrop-out! Yun naman talaga ang plano mo diba?!",sigaw niya.

"Oo----",hindi na niya ako pinatapos at hinalikan niya na ako. Lumaki yung mata ko nung nakita ko sa periphiral view ko si Alexa na umiiyak sa pintuan ng gym at tumakbo palayo.

--Alexa's POV--

~Before nangyari ang revelation~

Naghihintay ako dito sa bench ng nagtext si Andrew sakin na pinapapunta niya na ako sa Gym.

Pagdating ko ay parang may nag-uusap.

Boses pala ni Anika at Andrew?!

Nakinig ako.

"Bakit niks?", -Andrew

" Andrew,gusto kita,matagal na. Ay hindi,MAHAL na pala talaga kita. Please. Mahal mo din naman ako diba?! Diba?!", -Anika

Mahal pala talaga ni Anika si Andrew kaya ganoon na lang ang paglaki ng galit niya sakin nung nililigawan pa ko ni Andrew. Kung galit siya sakin noon. Mas lumaki pa ngayon.

" May girlfriend na ko Anika kaya tigilan mo na ang kahibangang ito!"- Andrew

Tama. Girlfriend niya na ako. Putcha lalandiin paniya si Dah ko. Hmf. Nakinig padin ako.

" Hindi mo naman siya mahal diba?! Diba?! Plano mo lang namang pa-ibigin siya sayo at hihiwalayan mo pagkatapos para masaktan siya ng todo at magdrop-out! Yun naman talaga ang plano mo diba?!" -Anika

WHAT?!?! All this time niloloko lang pala ako ni Andrew. Na-iiyak na talaga ako.Pero hindi..Hindi pa umaagree si Andrew. Please Andrew. Say No. Say No please. Sabihin mong hindi mo ko niloloko.

"Oo---",-Andrew

Inamin niya. HOW DARE HIM! Pinagkatiwalaan ko siya pero lolokohin niya lang pala ako. Ang sakit.

At worst pagtingin ko naghahalikan sila. Automatic na naglaglagan ang mga luha ko kasabay ng pagbuhos ng ulan. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa labas ng school. Wala akong paki-alam kung nabasa na ako ng todo ng ulan. Tinatawag ako ni Andrew ngunit hindi ko siya pinakikinggan. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang makarating ako sa isang park. Walang tao dito marahil umuwi na dahil sa lakas ng ulan.

Napa-upo ako sa damuhan at sumigaw ng malakas.

"WALANGHIYA KA ANDREW WALANGHIYA KAYONG LAHAAAT! PINAGKATIWALAAN KITA ANDREW PERO YUN PALA NILOLOKO MO LANG AKO! I HATE YOUUU!",sigaw ko habang binubunot yung mga damo at umiiyak.

"huk!.. MAGBABAYAD KAYO! MAGBABALIK AKO TANDAAN NIYO YAN! AHHHH!!",Sigaw ko parin habang umiiyak.

Ang sakit eh. Ang sakit sakit. Yung taong akala ko'y totoong kaibigan at mahal ako.

... NILOLOKO lang pala ako.

Ang tanga ko rin eh. Nagtiwala ako agad sa taong namumuno sa pangbubully sakin. Ang tanga tanga ko.

Nagpaloko ako. Naging bobo ako nung dumating siya.

Natatawa na lang ako na naiiyak sa katangahan ko.

Baliw na kung baliw.

Nagtaka ako kung bakit hind na pumapatak ang ulan sa lugar ko.

Pagtingala ko,may isang di-kilalang lalaki ang nagpapayong sakin.

"Si-sino ka? Iwan mo na ako dito. Gusto kong mapag-isa.",sabi ko.

"Ako si Mark Uy. Kilala na kita dati pa pero hindi ako makalapit sayo kasi dadamayin nila ang pamilya ko. Pero andito ako upang tulungan ka. Tutulungan kitang magbago at maghiganti sa kanila. Heto ang calling card ko.Tawagan mo lang ako. Ito na rin ang payong baka kakailanganin mo.",sabi niya sakin.

"Sige. Basta iwan mo muna ako dito. Pakiusap.",pakiusap ko sa kanya.

Tiningnan ko ang calling card na nakaloob sa cellophane at ipinasok sa basa kong bulsa.

Umiiyak pa rin akong naglalakad patungong bahay.

Malapit lang naman ang park nato sa bahay namin.

Pagdating sa bahay. Nagulat si Mama at papagalitan sana ako pero pinigilan ko at sinabihang "Wag po muna ngayon Ma. Please. Gusto ko po munang mapag-isa."

At ayon,naiintindihan naman yata ako ni Mama kaya tumango na lang siya.

Pagdating ko sa kwarto ko dumiretso na agad ako sa kama ko ng hindi pa nagpapalit.At umiyak na naman ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako.

--Andrew's POV--

Sinubukan kong habulin si Alexa ngunit nawala siya sa paningin ko kaya hinanap ko siya saan-saan. Natagpuan ko siya sa park na naka-upo at nagsisisigaw. Parang may kung ano tumusok sa puso ko nung sinigaw niya to..

"WALANGHIYA KA ANDREW WALANGHIYA KAYONG LAHAAAT! PINAGKATIWALAAN KITA ANDREW PERO YUN PALA NILOLOKO MO LANG AKO! I HATE YOUUU!"

Ang sakit lalo na nung may nakita akong lalaking nagpayong sa kanya. Tumalikod na lang ako at naglakad ng nakayuko pabalik ng school. Ang tanga ko rin kasi eh.

Sweet Revenge (EDITING)Where stories live. Discover now