03 ✔

7.7K 236 2
                                    

Alexandra Montes:

"Mommy!",tawag ko kay Mommy pagkarating ko sa mansion.

Magpapatulong sana ako tungkol sa date kuno namin ni Andrew. Ano ba to. Nakakahiyaaaa!

"Miss Mendez,your Mother is in the garden.",sabi ng Butler namin.

Nagpasalamat ako sa kanya at agad pumunta sa garden namin. Nakita ko si Mama na inaalagaan ang mga paborito niyang bulaklak.

"Mom!",tawag ko sa kanya. Nakuha ko naman agad ang atensyon niya. Nginitian niya ako at binitiwan ang mga hinahawakan niya.

"I'm home. ",sabi ko tas niyakap siya.

"Great baby. How's school? May nambully na naman ba sayo? ",tanong niya na may pag-aalala sa mga mata.

"Hayaan niyo na po sila. Hindi naman po ako masyadong nasaktan Mom eh.",sabi ko. Napabuntong hininga naman siya habang hinihimas ang buhok ko.

"Hay. Ang bait mo talaga anak. Sa sobrang kabaitan mo,naabuso ka na. Lumaban ka rin anak dahil di na tama yang ginagawa nila.",sabi niya.

Ayoko. Siguro hindi ito ang tamang panahon.

"Darating rin siguro ang panahon na yan Mommy.",sabi ko at niyakap ulit siya.

Humiwalay ako sa yakap niya at agad napakamot sa batok ko.

Paano ko ba to sasabihin? Hmm.

'Ma,yung nambubully sakin noon,inaaya ako ng date ngayon'

Err. No

"Ahm. Ma? ",tanong ko nang nahihiya.

"Bakit? May problema ba? ",tanong niya sakin.

Kumunot yung noo niya,sigurado akong nawiwirdohan na siya sakin.

"Maynagyayapokasingdatesakin!",tuloy-tuloy kong sabi sa kanya habang nakapikit mata.

"Ano? Pakibagalan mo nga. Inhale. Exhale.",sabi niya. Sinunod ko naman siya.

Eh! Talagang kinakabahan ako to the highest level! First time in my life to.

Inhale. Haap. Exhale. Hooo.

"May n-nagyaya p-po kasi ng d-d-date sakin.",sabi ko sa kanya habang nakapikit mata at nakacross finger.

"Eh yun lang pa--- Ano?! Seryoso kaba dun anak?!",tanong niya na halatang masayang masaya!

"Opo.",sabi ko habang nakayuko.

"Sino ba yan? Gwapo ba? ",tanong niya sakin.

"Opo.",sagot ko naman nang nakangiti. Ngumiti rin si Mommy sakin. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Sana naman hindi ka niya sasaktan baby. Malalagot talaga yun sakin. ",sabi niya.

Ngumiti lang naman ako.

Sana nga.

-----

Kinabukasan.

Nakapagbihis na ako. Salamat sa tulong ni Mama. Inayusan niya ko.

Inilugay niya ang mahabang buhok ko tas may braid siyang ginawa na nagmukhang crown. May pinasuot siya saking simple na baby blue dress,sleeveless ito kaya nagreklamo ako. Kaya ayun pinapatungan ko ito ng denim na 3/4 blazer. Taga-tuhod ko yung dress. Okay lang naman. Tas baby blue flat shoes.

Simple lang ang ayos ko. Susuotin ko sana yung malaki kong salamin nang nag-insist si Mommy na magcontact lense ako. Napakakulit niya kaya wala akong nagawa.

Sweet Revenge (EDITING)Where stories live. Discover now