Kabanata 15 - Back Again

25.6K 599 33
                                    

Kabanata 15 - Back Again


Benj

I can't believe na magagawa ng isang tao ang lahat upang pumatay para lang yumaman at makuha nila ang gusto sa buhay. At nalaman namin na hindi dapat kasali sa grupo ni Dad si Kenedy. Hindi sya yung tao na natanggap para maging isa sa tauhan ni Dad.

Si Kenedy Flores dapat at hindi ang Kenedy na nagpanggap upang magawa nya ang lahat ng plano nya sa amin. Kaya para hindi na maulit ang pagkakamali, hindi na muna kumuha si Dad ng tauhan at kukuha lang sya ng tauhan kung mismo sya ang magsisiyasat.

At si Anthony, sa japan palang ay malaki na ang pagkagusto nya kay Nyebe. Sa Japan sila galing ni Kenedy at doon palang sa Japan ay isa ng wanted si Kenedy dahil sa pananamantala sa mga taong naloko nila at kinuhaan nila ng salapi. Pero hindi sila nagtagumpay dahil nahuli rin si Kenedy ng pulis ng japan, pero tumakas rin ito at dito nga sila nagtago.

"Baka nabigla si Nyebe sa pagbaril mo kay Anthony, Mister." sabi ni Mommy.

Narito ang parents ko na kasama ko sa pagsugod kay Nyebe sa hospital. Habang ang mga kapatid ko ay umuwi muna sa kanilang pamilya, lalo na't napagod din sila sa pag alam sa katauhan ni Kenedy at Anthony. At kung paano namin maipaplano na mahuli si Kenedy at Anthony.

Nahuli si Kenedy at Anthony na ngayo'y hawak ng pulisya ng santa iñez. Sa pamamagitan ni Kuya Dominic.

Napatingin ako kay Doc na lumabas na ng kwarto ni Nyebe kung saan sya nilagay. Napatayo ako at agad na napalapit rito.

"Kamusta po sya, Doc?"

"Dahil sa stress, pagod, at pagkabigla kaya bumigay ang katawan ng pasyente. Payo ko lang na dapat ay double pahinga ang pasyente. Ngayon ay maayos na sya at bumalik na ang kaninang mababang dugo nya."

Napatango ako at nakahinga ng maluwag na ayos na si Nyebe. Nagpaalam na ang doctor kaya pumasok na kami ng kwartong nakalaan kay Nyebe.

Agad na lumapit ako sa kanya na payapang natutulog. Naupo ako sa gilid nya at kinuha ang isang kamay. Kita ko ang pasa sa mukha nya ng maalis ang make-up. At alam ko na si Anthony ang may gawa nito.

"Kawawa naman ang batang ito. Nawalan na nga ng pamilya tapos nalalagay pa sa alanganin ang buhay." sabi ni Mommy.

"Kaya nga po ay gusto ko sana na sa atin na sya tumira, Mom. Aalagaan ko sya."

"Pwede naman sya anak sa atin. Pero nasa kanya rin ang desisyon kung anong gusto nya. Buhay pa si Mr. Chavez na nag-aalalaga rito kaya wala tayong karapatan na agad magdesisyon sa buhay nya."

Tumingin ako kay Mom, "Pero gusto ko po na kasama ko na sya. Pwede na kaming magpakasal dahil nasa tamang edad na po kami."

Lumapit sa akin si Mom at agad akong napangiwi ng pingutin nya ako.

"Aba! Marunong ka nang magdesisyon ngayon. Hindi pa pwede. Nag-aaral ka pa at baka may nais pa sa buhay si Nyebe, kaya tumigil ka, Benj."

Napahawak ako sa tenga ko habang nakatingin kay Mommy na humalukipkip at inilingan ako.

"But Mom, I want her everyday.. I mean to be with her forever."

Pinagtaasan ako ng kilay ni Mom kaya napakamot sa ulo ko.

"So iiwan mo rin kami agad ng daddy mo?"

Tumingin ako kay Dad dahil nagiging emosyonal na naman si Mom. Lagi nyang sinasabi na wag daw muna ako susunod sa mga kapatid ko na nag-asawa na at iniwan sila.

"Misis, hayaan mo na ang anak mo sa gusto nya. Ayaw mo no'n, solo mo ako."

Natawa na napadaing si Dad ng sikuhin sya ni Mom. Napangiti ako at napailing.

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now