Kabanata 17 - Pregnant

27.9K 596 23
                                    

Kabanata 17 - Pregnant


Nyebe

"Tahan na.."

Kanina pa ako pinapatahan ni Benj sa pag-iyak. Hindi ko kasi mapigilan na masaktan muli sa ginawa ni Papa. Lahat ng ipon, puhunan, at kita ko sa restaurant ay nawala. Nasira pa ang ilang gamit sa bahay. Halatang hinalughog ang mga gamit para mahanap kung saan ko nilagay ang pera. Pero sa huli ay nakuha din ni Papa. Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit hindi ako nagising. Sa sobrang pagod siguro ay hindi ko na naririnig at nararamdaman ang nasa paligid ko.

"Mr. Ford."

Napatingin kami sa investigador na tinawag ni Benj para tignan ang nangyari. Sabi ko kay Benj ay wag ng tumawag dahil si Papa din naman ang salarin. Pero ayaw nyang mapaawat at kanina pa nya ako kinukumbinsi na meron pang iba sa likod ng pagkagulo ng mga gamit sa bahay.

"Anong nakita nyo?" tanong ni Benj sa imbestigador.

"Base sa imbestigasyon namin ay maaaring pinasok ang bahay ni Ms. Perez."

Natigilan ako sa sinabi nito. Nagkatinginan kami ni Benj at tumayo si Benj kaya tumayo rin ako at napahawak sa braso nya.

"Paano mo nasabi? Kung may pumasok ay bakit walang narinig si Nyebe at hindi nya namalayan?"

May nilabas ang detective at nakita ko ang isang spray bottle. Kinuha ni Benj iyon. Nakabalot iyon sa plastick dahil hindi pwedeng hawakan at baka dumikit ang finger prints.

"Isang sleeping spray iyan na kapag binuksan at sumingaw ay syang makakapagpatulog ng diwa ng tao. Kaya siguro hindi nalaman ni Miss ang nangyayaring nakawan ay dahil nakalanghap sya nito na sa mismong kwarto nya nilagay."

Napasinghap ako at kinabahan dahil may nakapasok sa kwarto ko na hindi ko nalalaman. Napakapit ako lalo sa braso ni Benj kaya napatingin sya sa akin.

"Kung gano'n ay posible bang dinukot ang Papa nya."

Napailing ang detective at kita ko ang hindi kasiguraduhan sa mukha nya.

"Hindi namin sigurado. Dahil walang anumang basag o pinagdaanan ang magnanakaw kundi ang mismong pinto lang. Ibig sabihin ay pwedeng pinagbuksan ng ama ni Miss ang mga magnanakaw."

Napahinga ng malalim si Benj at tumingin sa akin.

"Maupo ka muna at kakausapin ko lang si Detective." aniya at inalalayan ako muli sa pag-upo sa sofa.

Natulala ako at nalungkot dahil hindi ko alam ang iisipin. Bakit nagawa sa akin ni Papa iyon? Binigyan ko pa naman sya ng chance.

Dahil wala pang makuhang sagot ang mga detective at pagkatapos kuhanan ang bawat haligi ng bahay ko ay umalis na sila.

"Kumain ka muna at hindi ka pa kumakain mula pa kanina."

Naupo sa tabi ko si Benj ng dalhan nya ako ng pagkain rito sa sala. Nakaupo parin ako sa sofa dahil natutulala nalang ako habang natiyo na rin ang luha ko.

"Wala akong gana."

Tumayo ako pero napatingin ako sa kanya ng pigilan nya ako.

"Kanina ka pa hindi kumakain. Baka mapano ka na nya'n. Sige na.."

Hinawi ko ang kamay nya at tuluyan akong tumayo.

"Iwan mo muna ako, Benj. Gusto ko munang mapag-isa sa bahay."

Agad akong naglakad pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya. Umakyat ako sa taas at patungo sa kwarto ko. Pero napahinto ako ng mapatingin ako sa kwarto ni Mama kung saan natulog si Papa.

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now