Kabanata 1 - Stalker

31.6K 642 149
                                    

Kabanata 1 - Stalker

Nyebe

Halos lahat ng estudyante na nakikita ako ay pinagtitinginan ako. Lagi nalang ganito simula ng magsimula akong pumasok sa eskwelahan na pinasukan ko. Ang West Cassex Elementary.

Alam ko naman na weird ang buhok ko dahil kulot hanggang anit at nakataas pa. Anong magagawa ko kung ganito na ang buhok ko mula palang ng ipanganak ako.

"Si Benj.."

"Dito na daw sya mag-aaral."

Napahinto ako at napatingin sa mga estudyante na nagtatakbuhan. Nang maunawaan ko ang sinabi nila ay napatakbo rin ako pasunod sa kanila.

Pero napahinto ako at napatingin kay Benj na naglalakad habang nakapamulsa sa suot nyang pants ng school. Hindi nya pinapansin ang mga nakatingin at bumabati sa kanya. Kasama nya ang school director kaya naman napagilid ako.

Para akong pinamulahan ng pisngi habang nakatitig sa kanya. Ang gwapo at linis nya tignan sa ayos nya habang suot ang uniform ng school.

Huminto sya at napaidtad ako ng tumingin sya sa akin. Agad din syang umiwas at naglakad muli. Napamaang ako habang tila ako pinamulahan lalo ng pisngi ng matitigan ko ang mata nya.

Napasunod ako ng tingin at parang nanlaki ang mata ko ng makita kung saan sila huminto. Sa classroom ko!

Nagtakbuhan ang mga estudyante para silipin si Benj sa classroom ko. Napatakbo rin ako at huminga ako ng malalim bago pumasok. Pero bago iyon ay ngumiti ako sa mga estudyante at ininggit ko sila dahil kaklase ko si Benj. Umirap sila kaya lihim na napahalakhak ako.

Nakita ko sya na naupo sa dulo ng silya kaya nanghinayang ako dahil nasa third row ako. Kaya hindi ko sya katabi at hindi ko sya matititigan.

Lumapit ako sa upuan ko at naupo.. Sinabit ko ang bag ko sa gilid ng desk ko. Napangiti ako dahil parehas kami ng classroom at ibig sabihin ay magkaklase kami. Palagi ko na syang makikita at posible rin na makausap.

Narinig ko ang bawat papuri kay Benj at natuwa ako dahil tama sila sa lahat ng papuri nila. Napahigpit ang pagkakasiklop ng kamay ko na nakapatong sa desk ko dahil pinaghalong saya at kaba ang nararamdaman ko.

Mula ng makita ko sya ay palagi na akong nakasilip sa bahay nila. At alam ko na nagtataka sila Lola at Mama kung bakit panay na ang daldal ko para lang malaman ang background ng pamilya ni Benj.

Pero kakaunti lang ang alam nila Lola kaya kakaunti palang din ang nalalaman ko. Dumating ang teacher namin at kahit na nagtuturo ito ay parang nakalutang parin ang pakiramdam ko sa kaalamang kaklase ko sya.

"Wala na kayong pag-asa kay Benj. Mga matured na babae ang type nya, hindi mga kaedad nya."

Parang may sumundot sa sentido ko ng marinig ko ang pag-uusap ng mga karatig na estudyante. Narito ako sa korridor naglalakad para pumunta sa cafeterian at kumain.

Ibig sabihin ay ganun ang mga type ni Benj sa babae?

Napatingin ako sa baba at sa may puno kung saan kita ang soccer field ay nakita ko na nandoon si Benj na nakahiga sa damuhan.

Napangiti ako at napaisip. Agad akong tumakbo at tinungo ng mabilis ang cafeteria. Hingal na hingal ako na lumapit sa drinks machine.

Alin kaya rito ang masarap. Gusto kaya nya ng juice? Pero baka mas gusto nya ang coffee? Kung yung dalawa kaya ang bilhin ko? Tapos isang cake pie?

Napatango ako at naghulog ng barya. Napangiti ako na kinuha ang lahat ng napili ko at umalis na ako ng cafeteria.

Tinungo ko kung saan ko sya nakita pero nagtaka ako ng makita ko na wala na sya. Saan kaya sya nagpunta?

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum