Kabanata 5 - Picture

20.5K 545 37
                                    

Kabanata 5 - Picture

Nyebe

Narito ako sa harap ng bahay nila Benj. Wala rin sila Lolo at Lola, maging si Mama. Kaya pareho kami ni Benj na walang parents sa bahay. Lumunok ako ng maraming beses habang dala ko ang gagawin kong homework.

Nag-doorbell ako at ilang saglit lang ay bumukas ang gate. Ngiti agad ang sinalubong sa akin ni Benj at para naman akong tanga na nakatitig sa kanya. Ang gwapo nya kasi. Hindi ko mapigilan.

"Tara." hinawakan nya ako sa kamay at inakay papasok. Nakaloose jogging pants sya at white t-shirt habang may suot na sumbrerong pula na nakabaliktad sa ulo nya.

"Benj, may homework tayo. At dala ko na ang take notes ko na pinag-aralan namin habang wala kayo. Kaya maaaral mo parin ang mga tinuro sa amin kahit may practice game kayo."

"Ganun ba, sandali kukunin ko ang notes ko at kokopyahin ko."

Tumango ako at mabilis syang umalis kaya naupo ako sa sofa nila at nilapag ko sa lamesa ang dala kong notes at book. Bumaba ako para maupo sa sahig na may saping carpet.

Wala pang ilang sandali ay nakabalik na agad si Benj at naupo sa sofa. Kinuha ko ang isang notes ko at binigay ko sa kanya. Mas mainam na mabusy sya sa pagsusulat at pag-aaral sa na-missed nyang activity, kesa magkatotoo ang mga naiisip ko.

Actually, kinakabahan nga ako kapag lumalapit sya ngayon. Nag-eecho kasi sa isip ko ang malisyosong chismisan ng mga estudyante sa university kaya nakaapekto tuloy ito sa akin.

Binuklat ko ang page para hanapin ang paksang pinag-aralan namin at dapat kong sagutan.

"I-xexerox ko nalang 'to." aniya bigla at naupo rin sya sa sahig at hindi naman ako napakali kaya agad akong napaangat ng upo at naupo sa sofa na kinatingin nya sa akin na may pagtataka sa mukha nya.

"Ah,.. A-Ano ka ba, Benj, isulat mo para mapag-aralan mo rin." sabi ko at agad na tumingin ako sa book ko na ngayon ay nasa kandungan ko.

Naupo rin sya sa sofa kaya baba muli sana ako pero pinigilan nya ako sa bewang at napasandal ako sa sofa at napatingin sa kanya.

"Bakit parang iwas na iwas ka?" tanong nya habang nakasandal din sa sofa.

"Huh? H-Hindi, ah." Shit. Nautal pa ako.

"Ah-eh, may naiisip ka na gagawin ko, no?" aniya habang may ngiting pang-asar.

"Moron!" hinawi ko ang kamay nya at nabigla ako ng mapalakas kaya napatigil ako sa pagbaba sana sa sofa at napatingin sa kanya.

Nawala ang pang-asar nyang reaksyon at sumeryoso sya. Napahinga sya ng malalim at pumikit.

"I can't do that to you. Pwera nalang kung may tiwala ka."

Napamaang ako at tuluyan akong napaupo sa sahig habang hindi ko alam ang iisipin. Kinabahan ako dahil baka akala nya ay masama ang tingin ko sa kanya. At baka iniisip nya na hindi ako perfect girlfriend para sa kanya.

Napahigpit ang hawak ko sa ballpen habang pilit na pinag-aaralan ang assignment. Habang sya ay tahimik rin na pinag-aaralan ang naging activities na hindi nya nadaluhan.

Ilang minuto rin akong nakapokus sa assignment hanggang matapos ko. Napatingin ako sa kanya na nilapag ang notes ko sa lamesa kaya nagtataka ako.

"Kukuha lang ako ng meryenda." aniya kaya naman ay bigla ko syang pinigilan sa braso na kinatingin nya.

Nakatingin ako sa kanya habang para na akong pinagpapawisan sa noo.

"May tiwala ako sa'yo."

Nanlaki ang mata nya at tinignan ako para malaman kung totoo ba ang sinabi ko. Seryoso ko syang tinignan. Napahinga sya ng malalim at ngumiti.

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now