Kabanata 9 - Scarf

22.9K 534 22
                                    

Kabanata 9 - Scarf

Nyebe

Nakaranas ako na makita ang ibang tao ngunit hindi ko maaninag ang kanilang mukha. Tinatawag nila akong Nyebe pero hindi ko sila makilala. Ang papa ko. Lumisan kami sa japan dahil iniwan kami ng papa ko. And after that, I don't know what happen next.

"Katarina!"

Napasinghap ako at napadilat. Bumungad sa akin ang mukha ni Anthony na may pag-aalala. Sa paggising ko ay sya ang bumungad sa akin. Sabi nya ay may nangyari lang sa akin noong two years ago, pero hindi nya masabi kung ano. And he insists that I am Katarina. But I told him that my name is Nyebe, not Katarina.

Napahawak ako sa noo ko na pawisan. Again. Napapanaginipan ko na naman ang ibang tao. Parang habang tumatagal ay sumasakit ang ulo ko kakaisip kung sino sila.

"Wag ka kasing mag-isip ng mag-isip ng iba. Makakasama sa'yo iyan."

Binigyan nya ako ng basong tubig at yung gamot ko. Uminom ako at inalalayan nya ako na mahiga.

"Salamat." naupo sya sa isang silya at humawak sya sa kamay ko habang nasa gilid ng higaan ko sya.

"Tila napagod ka sa byahe natin. Gusto mo na bang kumain." umiling ako at ngumiti. Kagagaling lang namin ng state dahil pinasyal nya ako. Ang bait-bait ni Anthony at lagi nya akong inaalagaan. Gwapo pa nya at ang bait nya kay Daddy Douglas.

"Mamaya na ako kakain."

Ngumiti sya at hinalikan ang kamay ko, "Nyebe, I know this is so fast, but can you accept me in your whole life?"

May nilabas syang singsing kaya napamaang ako. Sabi nya sa akin ay mahal na mahal daw nya ako at pansin ko nga na minsan ay hindi sya umalis sa tabi ko. Meron ngang babae na nagpupunta rito at si Anthony pa ang hinahabol. I'm not sure to her name; but I remember that she's Patrice.

Nagkatapat kami ni Patrice nung isama ako ni Anthony sa birthday party ng friend nya. Hindi ko naman maunawaan noon kung bakit trip akong awayin ng babae at talagang nilalandi nya si Anthony sa harap ko, pero si Anthony na mismo ang lumalayo sa babae at hindi ako hinahayaan na saktan nung patrice.

Wala namang masama kung magustuhan ko si Anthony. Isa, sya ang lubos na nag-alaga sa akin kasama na rin si Daddy Douglas. At lagi nya rin akong pinapasaya kapag nilalabas nya ako.

"Anthony, sigurado ka ba talaga na ako ang gusto mong pakasalanan? Baka magsisi ka naman kung sa katulad ko na may amnesia ka pa magkagusto. Ayokong saktan ka oras na manumbalik ang alaala ko."

Humigpit ang hawak nya sa kamay ko at umiling sya.

"Hindi ako magsisisi at please, kahit anong mangyari ay ako parin ang piliin mo, Nyebe. Kahit manumbalik pa ang alaala mo ay ako parin, ha?"

Inabot ko ang mukha nya at hinaplos. Takot ang reaksyon nya kaya masaya ako na makita ito.

"Okay, I'll accept you in my life."

Napangiti sya at napatayo sa tuwa. Natawa ako at napatingin sa singsing na sinuot nya. Natigilan ako dahil pakiramdam ko ay may something missing na dating nakalagay doon pero hindi ko alam kung ano.

Napaidtad ako ng halikan ako ni Anthony. Ngumiti ako ng bitawan nya ang labi ko. Niyakap nya ako kaya hinaplos ko ang likod nya.

"Ang saya ko. Salamat, Nyebe. I love you."

Natawa ako dahil umiiyak pa sya. This guy. Hay. Kaya hindi rin sya mahirap mahalin.

"I love you, too, Anthony."

Bumitaw sya ng yakap at tumingin sa akin. Pinunasan ko ang luha nya. Bumangon ako at nag-indian seat. Kinuha ko ang mga kamay nya at tinignan sya.

"Anthony, pwede mo ba akong tulungan na hanapin si Mama? Gusto kong maliwanagan dahil ang huli kong naalala ay ten years old ako ng umalis kami ng japan. Seven years ang nawala sa alaala ko. Please, tulungan mo ako."

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now