Simula

42.4K 830 21
                                    

Simula


Nyebe


Gaya ng bola, para akong tumalsik sa napakalayong lugar ng itapon ako ng malakas ng isang sasakyan palayo sa aking kinatatayuan. Pero wala akong sakit na natamo. Dahil mas masakit pa ang pagkadurog ng puso ko.

"Nyebe..anak."

Umiiyak si Mama. Ang luhang hindi ko kayang tignan. Mahina si Mama. Kung talagang mahal nya si Papa ay sana pinaglabanan nya at hindi sya sumuko. Hindi dapat nya sinusuko kung mahal nya. Iyon ang pananaw ko noon.

Sampong taon akong naging bahagi ng lugar rito sa Osaka, Japan. Hindi kami japanese, dito lang talaga kami namalagi. Masaya kami noon, pero ngayon ay kita kong unti-unting nawasak ang pamilya ko sa tuluyang pagkakahiwalay ng magulang ko.

Bitbit ni Mama ang isang bag na naglalaman ng aming damit at ilang gamit. Yakap-yakap ko pa ang manikang regalo sa akin ni Papa. Ang regalo nya sa akin ng huli kaming nagkasama at masaya pa ang pamilya ko. Hindi ako umiyak dahil naiinis ako kung bakit hindi pinaglaban ni Mama si Papa. Gusto kong sabihin na napaduwag ni Mama. Kung ako ang magkakagusto sa lalake ay sisiguraduhin kong hindi ako titigil para ipakita ang pagmamahal ko. Kahit pa dumaan pa ako sa matarik na tulay. Kahit languyin ko pa ang dagat. Kahit awayin ko pa ang lahat ng babae na hahadlang ay hindi ako susuko at ipapakita ko sa mundo na kung ano ang akin.

"Allice, tara na kayo."

Nakatingin lamang ako sa mga taong sumundo sa amin. May dala silang sasakyan. Nandito na kami sa pilipinas kung saan talaga nakatira si Mama noon. Kung saan talaga kami nababagay. Lola at Lolo ko ang sumundo sa amin mula sa airport. Walang bumabanggit kay Papa. Iniiwasan nila na pag-usapan. Nakatingin lamang ako sa bintana ng kotse. Sa isang isla na raw nakatira sila Lola kaya doon kami patungo.

Namimiss ko si Papa. Gusto kong awayin ang babaeng umagaw kay Papa sa amin. Pero kahit na bata palang ako ay nauunawaan ko na pangalawa lamang kami. At iyon ang hindi ko hahayaang mangyari sa akin. Kung magmamahal ako ay gusto ko na ako ang una. Na ako lamang at wala ng iba.

Napakaganda ng lugar na aming narating. Mula sa madaling araw na pagbyahe ay umaga na kaming nakarating rito sa isla na tinitirahan nila Lola. Kitang-kita ko ang maasul na dagat na kumikislap dahil sa napakagandang araw na tumatama sa buong paligid. Hindi ako nakatulog dahil hindi ko rin naman magagawa.

"Nyebe apo, dito na kayo titira ng Mama mo. Nagustuhan mo ba."

Malaki ang bahay at pansin ko na malalaki ang bawat bahay rito. Lalo na ang kapitbahay namin na puting-puti ang kulay at sobrang laki.

Tumango na lamang ako. May mga tauhan sila Lolo na kinuha ang dala naming bag. Inaya ako ni Mama kaya sinulyapan ko pa ang malaking bahay bago ako napahakbang papasok sa bahay.

Tila mapera sila Lola dahil ang ganda ng bahay nila at may mga kasambahay pa at driver. Naupo ako sa sofa ng maupo si Mama. Tahimik lamang ako habang yakap ang manika ko.

"Kumain muna tayo bago kayo magpahinga, Anak." sabi ni Lola kay Mama.

"Sige, Mom."

Umalis si Lola at tumawag ng pangalan tila pangalan nung kasambahay. Kami nalang ang naiwan ni Mama.

"Anak, galit ka ba sa akin?" tanong nya ngunit hindi ako sumagot at umiwas lang ako ng tingin, "Mauunawaan mo rin balang-araw kapag malaking-malaki ka na, pero sa ngayon ay sana maunawaan mo ako at para na rin ito sa ikabubuti natin."

Hindi ko naman kailangan na umabot sa puntong maging mature na ako para lang maintindihan ang sitwasyon. Naiintindihan ko na kaya nga ako naiinis ngayon dahil bakit kami umabot sa ganito.

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now