Ngumiti na lang ako bilang tugon pero sa isip ko grabe ang lalim talaga mag-isip nitong si Rick.

Lumipas ang ilang minuto,natapos na rin kami sa pagkain.Nagmadali kaming nagtungo sa sinehan.Sa kalagitnaan ng panunuod namin biglang may pumukaw ng atensyon ni Rick.Ito ay nang sabihin ng bida na "Some people leave but the one who comes back,come back for a reason"napansin kong tila may namuong luha rin sa gilid ng mga mata nito,bagay na hinayaan ko na lang sa kadahilanang siguro ay may naalala lang ito.

Pagkatapos ng dalawang oras,matapos ang palabas ,napansin kong nagpatuloy ang pananamlay ni Rick.Tinanong ko kung ayos lang ito at bilang tugon sinabi niya sa akin na ayos lang siya.

Ramdam ko at kahit pabulaanan pa ito ni Rick na may bagay na bumabagabag sa kanya,kaya naman ay nagyaya na lang akong umuwi.

PRESENT MOMENT

________________

KRING! KRING! KRING!

Bigla naman akong napahinto sa paggunita sa nakaraan nang biglang mag ring ng malakas ang aking cellphone.

Habang nakahiga ako sa kama bigla na lang akong napatanong sa aking sarili.

"Ano na kayang lagay ng buhay ni rick ngayon?"

Limang taon na rin pala ang lumipas,simula noong huli ko itong makasama.

Mayamaya pa ay,napatingin naman ako sa orasan.Mag aalas tres na pala ng madaling araw,kasabay nito ang biglang pag hilab ng aking tiyan na siguro ay dala ng gutom,kaya naman ay bumama ako para tumungo sa kusina.

Nang nasa baba na ako.Napansin ko namang hindi pa rin pala dumating ang mama at papa.

Nagtaka ako kung bakit wala pa sila ,kaya naman ginising ko na si manang Rita para magtanong.

Kumatok ako sa kanyang kwarto at agad naman ako nitong pinagbuksan ng pinto na tila nagulat nang makita ako.

"Ay andiyan ka na pala Tekki."ang sabi sakin ni mang rita.Kanina pa kita hinihintay kaso hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Manang nasaan sila papa?"tanong ko sa kanya.

Hindi agad tumugon si manang,bahagyang napayuko ito.Pakiramdam ko tuloy ay para bang may itinatago ito sa akin.

"Manang may problema ba? may hindi ba ako alam?"

Biglang napahinto si manang nang masabi ko iyon pero hindi nangtagal ay muli itong nagsalita.

"Ah eh,nag punta sila sa tito Greg mo baka napasarap siguro ang huntahan kaya hanggang ngayon di sila nauwi."ang sagot ni manang sakin.

"Ah okay,akala ko naman may nangyari na na kung ano."wika ko.

Matapos iyon,pinatulog ko na uli si manang at ako'y nagpunta sa may dinning area para kumain.Nang matapos akong kumain,muli kong ginunita ang nakaraan at pilit kong inalala ang mga masasayang alaala namin ni rick.

Naalala ko noong mga panahong iyon, habang nanunuod kme ng sine may pagkakataong nahuli ko si rick na pinagmamasdan ako na para bang batang mangha- mangha sa nakikita niya,tinanong ko siya kung bakit at bilang tugon ay ningitiian lang ako nito.

Ilang araw matapos ang panunuod namin ng sine pero halata pa rin sa kanyang mukha ang tila malaking bagay na bumabagabag dito.

Kaya naman nag kusa muna akong layuan siya,siguro kailangan niya lang ng panahon para mag isip-isip ng magisa.Sa nakikita ko mukhang seryosong bagay ito,kung ano man ang pinagdadaanan ni Rick bilang kaibigan,hangad ko na malagpasan niya ito.

Hanggang sa isang araw,nakita kong tinawag ni Jeff si Rick papunta sa bahaging tago ng eskwelahan,natatarantang tumungo naman si rick sa kinaroroonan ni Jeff.

Si Jeff,ang pinaka tuso sa aming magkakaklase, na minsan nang nachismis na bakla dahil sa sobrang gwapo na hanggang ngayon ay wala pa ring nagiging girlfriend.Man of a few words kung tawagin ng nakakarami,bihira lang kasi itong mag salita.Sobrang misteryoso.Ang balita pa anak din daw siya ng isang pulitiko,pero ni isa sa aming magkakaklase ay wala pang nakakita sa tatay nito.

Pasimple naman akong lumapit sa kinaroroonan nila at sinubukang pakinggan ang usapan ngunit masyadong maingay sa paligid.

Sa kabila nun,may mga ilang salita pa rin akong narinig sa usapan nilang dalawa.

"Pag hindi m yun ginawa ---ASDHKUYTFVBNK"wika ni Jeff.

Agad akong bumalik ng classroom nang makita kong naglalakad na sila palapit sa kinaroroonan ko.Natatakot kasi akong mahuli nila Rick at Jeff na pinapakinggan ang usapan nila,siguro ay may rason kung bakit doon sila nagusap.Marahil masyadong pribado ang paksa nila na ayaw nilang may iba pang may makaalam at siguro ito rin ang bumabagabag kay Rick ngayon.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Where stories live. Discover now